Comfort

540 22 4
                                    

Napapahilot na lamang si Lucy sa kanyang sintido habang naglalakad. Naroon kasi ang kung anong pagtibok roon dahil na rin sa ilang mga pangyayari.


Hindi niya man gusto ay naroon pa rin ang bigat at hapdi sa kanyang pakiramdam dahil sa mga nangyari, kahit na sabihin pa na inasahan niya naman iyon, dahil na rin sa pagkakakilala kay Andrew.


Posible naman talaga ang naturang bagay, lalo na at mayroon nakaraan ang dalawa, subalit ang pananaw niyang iyon ay hindi nakabawas sa bigat na kanyang nadarama.


Ayaw matanggal ng kanyang panghihinayang dahil na rin sa nasayang na pagkakataon kung saan maari sana niyang maibigay ang nais ng yumaong asawa, pati na rin ang pinapangarap ng mga munti nilang paslit na isang buong pamilya.


Mayroon bahagyang panlalambot ang kanyang kamay nang kunin niya ang kanyang telepono na kanina pa walang tigil sa pagtunog sa gilid ng kanyang mesa.


"Hello?" Agad niyang sagot.


Hindi na siya nag-abalang tinginan kung sino ang tumatawag dahil na rin sa kawalan ng gana ng mga sandaling iyon.


"Hi mam Lucy," saad ng isang magiliw na boses sa kabilang linya.


"Mikael, napatawag ka?" Bahagya kumunot ang kanyang noo nang mabosesan ang binata.


Bakas ang pagkasorpresa sa kanyang boses dahil na rin sa biglaan nitong pagtawag matapos ng ilang araw na pananahimik matapos ang mga nangyari.


"Nakaka-abala po ba ako?"


Wala man sa kanyang harapan ang binata ay aninag niya ang nguso nitong mukha dahil na rin sa tono ng boses nito, kaya naman napangiti na lang siya dahil roon.


Isang buntong hininga na lamang ang kanyang pinakawalan. "Hindi naman. Tungkol ba saan ito?" Agad niyang tanong.


Inaalala niya pa rin ang pangako sa sarili na lalayuan na ang binata, lalo pa at unti-unti ng nagiging maayos ang buhay at pakikitungo nito sa mga kaedaran. Ayaw niyang muling makaapekto sa kasalukuyan sitwasyon nito.


"I-co-confirm ko lang po if tuloy pa rin po iyong pagbenta niyo nitong condo sa akin, para ma-ready ko na po iyong pambayad. Tsaka iyong pinto po kasi dito sa may pababa sa unit ko bumubukas na ng kusa, mukhang kailangan na po talagang ayusin. Hihiramin ko po sana iyong susi ninyo kasi magpapasok po ako ng mga bagong gamit dito at nandito rin po iyong pinaka switch ng pinto." Natatawang paliwanag na lamang ng binata.


Doon siya bahagyang nahimasmasan nang maalala ang ukol sa bagay na iyon. Tumayo na siya sa kanyang higaan upang umayos.


"Yes, of course tuloy iyon. Sabi ko naman sa iyo hindi mo kailangan buuhin ang bayad. We can set-up a contract on how many years mo huhulugan para naman hindi mabigat sa iyo." saad niya na lang.


Alam niya rin naman na hindi ganoon kadaling ipunin ang presyo ng naturang lugar na iyon, subalit hindi niya rin naman nais na ibenta na lang kung kanino lalo pa at konektado ang naturang lugar sa pag-aaring lugar ni Mikael.


"Talaga po, sige!" Halata ang galak sa boses ng binata.


Dinig pa ang napapalatak na bahagyang pagtalon nito dahil sa mga malalakas na yabag na nagmumula sa kabilang linya.


Napapigil na lamang siya ng tawa nang makinita ang hitsura ng binata. "All right, ipapahatid ko na lang kay Laydon iyong susi and then ire-ready ko na rin iyong kontrata para sa iyo. Just send me the details kung ilang years mo siya huhulugan."


Pagpapakalma na lang niya sa binata dahil mukhang talagang tuwang-tuwa ito sa pagbili sa naturang lugar.


"One year, mam Lucy. Sapat na po iyon para sa akin," Agad na bungad ng binata ng wala ng isip-isip.


Ganoon na lang tuloy ang pagkunot ng kanyang noo. "Sure ka ba diyan? Hindi ko naman minamadali iyong bayad, and pwede mo naman ihulog sa bank account ko if wala ako rito." Paniniguro niya rito.


Sigurado niya naman kasi na hindi ganoon kadali ang mabuo ang naturang presyong ipinataw niya, lalo pa at nagsisimula pa lang naman sa pag-iipon muli ang naturang binata.


"Sure na po ako roon, mam Lucy. May naipundar na rin naman po ako, kaya yakang-yaka na po iyon," buong pagmamalaki nito.


Isang matamis na ngiti na lang ang namutawi sa kanya dahil sa tuwa, dahil mukhang unti-unti ng nakakabalik sa ayos ang buhay ng binata. Idagdag pa rito ang katotohanan na senyales na ang naturang transaksyon ng pagbitaw niya sa kung anong mayroon sila.


"All right then, i-re-ready ko na lang iyong papers para mapirmahan na." Tangong saad na lang niya.


"Okay po, kailan po kaya? Medyo magiging busy po kasi ako itong mga susunod na buwan," pahabol nito.


Bahagya siyang napaisip sa mga kailangan gawin nang araw na iyon, idagdag pa na hindi rin bakante ang abogado niya dahil naka-bakasyon pa.


"I can probably have it ready by next week since may mga lakad rin ako nitong mga susunod na araw."


Pagpapaalam niya na lang rito. Sa tantsa niya kasi ay sapat na ang oras na iyon upang maihanda ang lahat ng ka-kailanganin para maging maayos ang kanilang transaksyon.


"Naku, pwede po kaya sa katapusan na lang. May mga tatapusin rin po kasi ako that time," nanghihinang saad na lamang ng binata.


"Okay lang naman, wala naman problema." Sagot niya rito.


Mas pabor rin naman sa kanya iyon dahil kahit papaano ay hindi niya kailangan magmadali.


"Thank you po talaga, mam Lucy. Pasensya na po sa abala." Nanumbalik kaagad ang magiliw ang puno ng buhay na boses ng binata sa narinig.


"No worry, kita na lang tayo kapag magpipirmahan na." turan niya na lang rito.


"Okay po," sagot naman nito.


"All right," paalam niya na lang rito.


Isang maluwag na paghinga na ang napakawalan niya matapos ng kanilang tawag. May ngiti sa mukha dahil na rin sa gaan ng kanyang pakiramdam.


Sa isip-isip niya, senyales na iyon ng panibagong yugto sa kanyang buhay, kung saan iiwan na niya ang nakaraan nila ng yumaong asawa.


Hindi niya man alam kung ano ang mangyayari sa kanyang hinaharap pero alam niyang mas magiging maayos ang mapayapa na iyon, lalo pa at malinis na ang kanyang konsensya dahil na rin sa kaalaman na bahagya niya ng nai-ayos ang lagay at pag-iisip ni Mikael na nadamay lamang ng dahil sa kanila.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now