Chapter 24

1K 24 7
                                    

Kakatapos lang ng welcome home party nila sakin at alas nuebe na ng gabi.

Nakaupo ako sa balcony ng kwarto ko. Tulog na ang kambal at si Aaron ay nasa baba pa para tulungan si mommy na magligpit.

Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko. Pero kahit saang sulok ng utak ko hanapin ang sagot hindi ko mahanap.

Pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya. Kasama ang mga kapatid at magulang ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ulit ang librong isinara ko simula noong nawala mga kapatid ko. Gusto ko sa librong isusulat ko ay kasama pa rin sila. Pero hindi ko na magagawa.

Magbubukas ako ng panibagong libro na kung saan ang tauhan ay ako at ang aking mag-aama kasama na rin ang aking magulang. Paano ko ba sisimulan? Saan ako magsisimula?

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Naputol ang aking pag-iisip dahil sa narinig kong boses. "Baka mahamugan ka. Pumasok na tayo sa loob." Nakita kong may hawak siyang isang basong gatas. Tinignan ko 'yon at iniabot saakin. "Inumin mo 'to. Ano ba ang iniisip mo?"

Nagbuntong hininga ako at uminom ng gatas. Hindi ako kumibo. Pinagpatuloy ko ang pag-iisip ko. Nakita kong sumandal ang asawa ko sa may pader habang nakatingin sakin. Hindi ko iyon pinansin.

Sa pagbubukas ko ba ng bagong libro, isa ba akong mabuting ina sa mga anak ko? Sa totoo lang, natatakot ako sa posibleng mangyari sa susunod na yugto ng buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Baka sa susunod ay hindi na ako ang bida sa sarili kong kwento.

"Babe. Layo na ng narating mo. Ang lalim ng iniisip mo. Ano ba 'yan?" Humarap ako sakaniya.

"Sa tingin mo ba, ano mangyayari satin sa America? Hindi ko alam kung paanong pag-uumpisa ang gagawin namin doon. Lalo na sila mommy." Hinawakan niya ang kamay ko. Doon ko naramdaman na kaya ko.

"Madaming magandang mangyayari doon. Magtiwala ka lang. Magsisimula tayo ng panibagong buhay doon, Mahal ko. Magtiwala ka lang saakin." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Pwede bang sa susunod na araw na lang tayo umalis? Hindi ko pa kaya eh. Gusto ko munang sulitin ang araw ko dito. Gusto ko munang namnamin 'yung saya ng kahapon na hindi ko na kayang ibalik kasi wala na sila."

"Sige, pwede ko naman ipamove ang flight natin. Alam kong hindi mo pa kayang iwan ang Pilipinas. Lalo na't nandito ang labi ng mga kapatid mo. Pero kailangan. Taon taon na lang tayo umuwi. Sa kamamatayan nila o hindi kaya sa kaarawan." Hinaplos niya ang buhok ko. Kahit papaano ay nawawalanna ang pag-aalala ko. Si Aaron ang nagpapakalma saakin.

"Napakaswerte kong naging asawa kita." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Mahal na mahal kita." Sambit ko.

"Mahal na mahal din kita." Hinagkan niya ako at hinalikan ng marahan. Ang tagal kong hindi naramdaman ang kaniyang labi at halik. Nasasabik ako. Gusto kong angkinin niya ako ngayong gabi, ngunit hindi pwede.

"Halika na at matulog na tayo." Sabi ko sakaniya. Tumayo siya at ako naman ay tumingin sa kalangitan sa huling pagkakataon.

Nagising ako sa iyak ng aking mga anak. Tumingin ako sa orasan. Alas tres ng madaling araw. Siguro ay nagugutom sila. Ginising ko si Aaron para tulungan akong iabot sakin ang kambal.  Napatingin ako sa kambal. Kawangis ng aking mga kapatid. Siguro nga ay sila ang reincarnation nila.

Muling tumulo ang luha ko. Alam kong may postpatrum depression pa ako. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap. Lagi ko naiisip na sana ako na lang 'yung nawala at hindi mga kapatid ko. Masyado pa silang bata. Hinihiling ko na sana panaginip nalang ang lahat na sa paggising ko makikita ko ang mga kapatid ko na buhay na buhay.

Naramdaman ko ang pagpahid ni Aaron sa luha ko at hinalikan ang noo ko. Hindi man siya nagsalita, wala man nagsalita samin. Alam ko ang gusto niyang iparating. Nandiyan siya palagi sa tabi ko at hindi siya nag-iisa.

Nang matapos kong padedehin ang kambal ay natulog na rin ako.

Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Parang tinutusok ang dibdib ko. Nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko ang kalangitan. Nakatingin ako sa bintana at sa pagpatak ng luha ko ay kasabay na rin ang pagpatak ng ulan. Pinakinggan ko ang bawat patak ng ulan, kasabay siya ng aking paghikbi.

Bukas ay aalis na kami patungong Amerika. Ngayong araw ay gugugulin ko ang araw ko sa puntod ng aking mga kapatid ngunit umuulan siguro ay bago na lang kami umalis bukas ay pupuntahan ko sila. Tumingin ako sa paligid. Wala ang aking mag-aama. Siguro ay nasa baba na sila para maghanda ng umagahan.

Pinunasan ko ang luha ko at nag-ayos na. Bumaba ako at nakita kong abala sila. Ang kambal ay hawak ni Sydney at Cindere. Ngumiti ako bilang pagbati. Maagang pumunta dito ang mga kaibigan ko para tumulong sa pag-aalaga.

"Gising ka na pala anak." Lumapit sakin si daddy. "Maupo ka at malapit na kaming matapos sa ginagawa. Kakain na tayo." Naupo ako sa aking pwesto. "Umalis si Aaron. May inasikaso lang. Huwag ka mag-alala. Babalik din siya."

Ilang minuto lang ay dumating na ang asawa ko at kumain na kami. Tahimik lang akong kumakain habang katabi ang kambal. Hindi ko inaalis sa paningin ko ang mga anak ko kapag gising ako.

"Bukas na ang alis natin." Panimula ni daddy. "Alam kong mahirap pero kailangan natin umalis para makamove on sa mga nangyari. Sana lang ay may magandang buhay tayo doon." Ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses ni daddy.

"Dad, wag kayo mag-alala. May magandang balita na naghihintay sainyo ni Mom doon sa America. Trust me." Tumingin ako kay Aaron. Alam kong citizen din siya doon at maraming ari-arian sa America. Kaya malabong pabayaan niya kami.

Mabilis natapos ang araw ng hindi ko namamalayan. Nakapagpaalam na rin ako sa mga kapatid ko. Hindi ko na sila inobligang gabayan kami dahil alam kong nasa tabi lang namin sila lagi. Nakaempake na ang mga gamit namin. Ang mga kagamitan sa bahay ay pinagtatakpan na muna namin ng tela.

"Siguro dapat ay paupahan na lang natin itong bahay. May caretaker naman akong kinuha." Suggestion ko.

"Magandang idea 'yan. Ang hulog sa bahay ay ipapadala sa bangko natin." Sagot naman ni daddy. Ibinilin ni daddy ang bahay sa mga kapatid niya na sila na ang bahala.

Kinabukasan

Lungkot ang naramdaman ko sa pag dilat ng mga mata ko. Iiwanan ko ang lupang aking sinilangan at maninirahan sa bansang hindi ko naman alam ang kultura.

"Sofie, anak. Tara na. Aalis na tayo." Lumingon ako sa may pintuan at tumango. Kinuha ko ang bag ko. Mga gamit namin ay nasa kotse na.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Ngumiti ako at tumalikod na. Sa pagtalikod ko sa bahay ay iyon na ang hudyat na isinasara ko na ang libro ng aking buhay.

Masakit man sabihin. Hindi ko man matanggap. Pero eto ang kailangan.

Paalam.

Hanggang sa muli.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon