Chaptet 15

3.4K 66 8
                                    

NOTE: Sa chapter na ito lang ang POV ni Aaron at Cindere.

Aaron's POV

Nakita ko kung paano siya dinugo. Sa mismong harap ko pa nangyari iyon. Alam kong anak ko ang dinadala niya pero kailangan ko lang talagang tigasan ang loob ko dahil sa nangyari. Ilang segundo akong nakatayo doon at nang bumalik ako sa wisyo ay agad akong tumakbo papunta sakanya na ngayon ay buhat buhat ni Zane.

"Ako na magdadala sakanya sa hospital." Ang sabi ko. Pero hindi nila ako hinayaang dalhin si Sophia sa hospital. Inaalisan na ba nila ako ng karapatan sa mag-ina ko? Kaibigan lang sila, boyfriend ko! Oh shit. Nakipagbreak nga pala ako sakanya at alam kong ako ang dahilan kung bakit siya dinugo.

Sumakay na din ako ng kotse ko at sinundan sila. Hindi na nila ako mapipigilan. Mag-ina ko ang nasa peligro. Hindi ko sila dapat pabayaan. Sa H.C Medical City nila dinala si Sophia hindi muna ako bumaba ng kotse hanggang sa makapasok sila sa emergency room. Nagdasal ako habang nasa kotse ko.

"Lord, Please save my wife and our baby. I know we both made a mistake but please don't take our baby away. I want a family. I want to see my baby alive. I want to take care of her."

Agad akong bumaba at nagtungo na sa emergency room. Dinala na daw sa operating room si Sophia. Hindi pa din ako lumalapit kila Siena dahil ayaw ko ng gulo.

"Kuya." Si Sydney. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya. "Tatagan mo loob mo." Niyakap niya ako. "Alam kong naliwanagan ka sa mga sinabi ko. Huwag mo na taasan pa lalo ang pride mo." I sighed and tapped her shoulder.

"Kakausapin ko siya." I smiled with full of confidence.

Isang oras na lumipas pero hindi pa din inilalabas si Sophia. Nawawalan na ko ng pag-asa. Kumusta na ba ang mag-ina ko? Napaupo na lang ako sa sahig habang nagdadasal.

Napatingin ako sa pintuan ng inilabas na si Sophia. She's sleeping. Nakahinga ako ng maluwag. She's safe. Sikreto kong kinausap ang doktor kung ano na ang lagay niya.

"Ano po kayo ng pasyente?"

"I'm her boyfriend. The father of the baby." Ngumiti ako.

"Ligtas po ang asawa mo. Pero..." Napailing siya. Napahawak ako sa balikat niya at niyugyog.

"Pero ano? Tell me! Safe ba ang baby ko? Ano? Sumagot ka!" Umiiling iling siya.

"Aaron!" Narinig kong sigaw. Hindi ko alam kung sino at hindi ko tinignan.

"Sorry Mister for your lost.." Sinapak ko ang doktor sa sinabi niya.

"Bawiin mo sinabi mo! Bawiin mo! Buhay ang anak ko! Buhay! Bawiin mo!" Kinuwelyuhan ko siya sa galit ko.

Cindere's POV

"Ano ba Aaron! Hindi naman kasalanan ng doktor ang pagkawala ng anak ni Sophia! Kasalanan mo!" Nakatayo lang kami sa likuran nila. Galit na galit si Zane kay Aaron dahil naging malapit na talaga sa puso niya si Sofie. Nakita ko din na umalis na ang doktor.

"Fuck off! Wag ka makialam dito! Wala kang alam!" Sigaw ni Aaron kay Zane at sinuntok ito.

"Gago ka ba! Kami ang nasa tabi niya habang wala ka! Habang tahimik mo siyang sinasaktan! Ilang buwan siyang nagsuffer dahil sa ginawa mo! Alam kong alam mong ikaw ang ama! Gago! Tangina mo! Lakas ng loob mong magpakita dito!" At nagbugbugan na silang dalawa.

"Tigil niyo yan. Nakakaganda ng sitwasyon ang ginagawa niyo?! Mga bwisit kayo! Hindi kayo titigil? Ha?!" Awat ni Sydney sakanila. Hinawakan ni Sydney pareho ang tenga nila at binitbit. Kahit maliit siya ay malakas naman siya. Natawa kami bigla sa ginawa niya. Pareho silang napa-aray. "Sa susunod, intindihin niyo ang sitwasyon! Hindi yung init ng ulo pinapairal niyo!"

Lumapit na din si Kate. "Alam natin na nawalan tayo ng anghel. Sana ay maintindihan niyo din na kailangan natin ipagdasal ang pagkawala ni Baby Syvel at sana matanggap agad ni Sofie ang nangyari. Sigurado akong madedepress siya lalo sa nangyari."

Sobrang nakakalungkot ang nangyari sa anak ni Sofie at sakanya. Hindi niya deserve. Ilang buwan na lang ay manganganak na siya pero nawala pa ito sakanya. Binilhan na din namin siya ng mga gamit para sa baby niya. Pumunta na kami sa kwarto niya at naabutan namin sila Travis na nag-iiyakan. Sinabi na pala ng doktor sakanila. Nakayuko lang kami malapit sa may pintuan.

Nilapitan ni Aaron sila Tita. Niyakap ni Tita si Aaron at napaiyak lalo.

"I'm sorry Tita. Kasalanan ko po." Tumango tango lang si Tita habang hinihimas ni Travis ang likod ni Tita. Hindi na din makapagsalita si Tita dahil sa kakaiyak.

Napagdesisyunan nilang pamilya na lumabas muna at kami muna nila Siena ang magbabantay. Mahimbing ang tulog ni Sofie. Napakaamo ng mukha niya. Naaawa ako dahil nawalan siya ng anak.

Grabe na ang sinapit ng babaeng to. Kahit na hindi maganda ang impression nila sakanya, 100% guaranteed. She's nice and lovely.

"Kawawa naman si Sofie." Malungkot na sambit ni Kate.

"Wala eh. Gago kasi kapatid ni Sydney." Sabi naman ni Siena. Napakibitbalikat na lang kami.

"Alam ni Kuya na siya ang ama talaga. Mataas lang sadya ang kanyang pride dahil sa nangyari. I talked to him so many times to convince that he's the father. Pero nitong buwan ko lang siya nakumbinse kaya umuwi siya. Eto namang si gago. Gumawa pa ng kalokohan. Sinabi ko na din na depressed si Sofie at ilang beses ng nagspotting." Nagkwentuhan pa kami ng mahaba habang binabantayan si Sofie.

Biglang bumikas ang pinto at iniluwa nito si Travis. "Ako na diyan. Kumain na muna kayo. Ako muna magbabantay kay Ate." Ngumiti siya saamin pagkasabi niya. Lumabas na kami at kumain na. Nakita naming nakaupo sa bench ang magulang ni Sofie at si Aaron. Mukhang seryoso ang pinaguusapan.

Nakarating na kami sa café ng hospital at umorder na kami. Nang makaupo na kami ay biglang nagsalita si Siena.

"Alam niyo nakakainis si Aaron. Kasi diba? Alam na pala niya na siya yung ama. Bakit niya hinayaan magkaganoon si Sofie? Naging miserable siya." Inis na sabi ni Siena.

"Pasensya na kayo sa ginawa ng kapatid ko." Yumuko lang siya.

"Mga ate! Gising na si Ate Sofie! Pero nagwawala siya!" Hangos na sabi ni Adelaide. Tumakbo kami papuntang kwarto ni Sofie kahit di pa kami tapos kumain.

Narinig naming nagwawala siya. Sa hallway pa lang ay rinig na rinig na ang sigaw ay iyak niya.

"Yung anak ko! Ibalik niyo anak ko! Alam kong tinatago niyo lang sakin anak ko!" Sabi niya pagpasok namin. "Syvel! Anak!" Hagulgol niya pa. Nilapitan namin siya at niyakap.

"Shh. Sofie." Pakalma kong sabi. "Kumalma ka muna, please." Hagod ko sa likod niya.

"No! Yung anak ko, Cindere! Kinuha nila sakin ang anak ko!" Tinanggal niya ang IV niya at tumayo.

"Saan ka pupunta Sophia!" Hinarangan namin siyang lahat. Pinalibutan.

"Kukunin ko ang anak ko!" Pilit niya kaming hinahawi.. This time nagpakita na si Aaron.

"Sophia." Unti-unti ay kumakalma siya ng makita niya si Aaron.

"A-aaron." Ngumiti siya pero nanghihina siya.

"Sophia. Wala na ang anak natin. Tanggapin na lang natin na wala na siya." Niyakap niya si Sophia. Narinig kong humagulgol na naman si Sophia. "Gagawa na lang tayo ulit kapag ayos ka na. Huwag ka na umiyak."

Sa sinabi niya ay nasamid kaming lahat at nagsilayuan. Inaya na kaming lumabas ng magulang ni Sophia para makapag-usap silang dalawa..

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now