Chapter 17

4.5K 78 6
                                    

Mahal ko talaga siya. Sobra. Wala na akong iba pang mahihiling kundi siya lang. Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kapag wala na siya.

Nakatitig ako sakanya habang siya din ay nakatitig sakin. I smiled the moment he smiled at me. Magkaharap kami habang nasa Red Bucks Café. Dalawang taon na din ang lumipas simula noong nawalan kami ng anak.

"You look nice in your dress." He said. "I missed you so much, Sofie. Kumusta ka na, Babe?" Napangiti ako ng tinawag niya akong babe.

"I missed you more, Babe. How's states? Hindi mo ko tinawagan para sunduin ka." I pouted. Alam kong weakness niya talaga yon.

"May inayos kasi ako pagkadating na pagkadating ko." Tumingin siya sa wrist watch niya. "Tara. May pupuntahan tayo." Agad naman ako sumunod sakanya ng tumayo siya.

Alam ko ang daan na to. Papuntang Batangas to. Bakit dito ang daan namin?

"Saan tayo pupunta?" Tumingin ako sakanya. Seryoso ang mukha niya. Hindi niya ako sinasagot. Ano ba naman tong si Aaron. Sa pagkainip ko ay nakatulog na ako. Nagising na lang ako na nakaupo ako sa harap ng salamin at nakakasilaw ang ilaw. Napaupo ako ng ayos ng matauhan ako. "Nasaan ako?" They just smiled at me. Lumingon lingon ako to see kung sino mga nasa paligid ko. Pero hindi ko sila kilala.

"Ma'am. Matatapos na tayo sa make up. Wag na po tayo magulo. After po ng make-up ay papalitan na po natin ang dress mo." Sabi ng babaeng nag-aayos saakin. She's pretty. Nang matapos ang make-up ko ay agad akong pinatayo para magbihis. Pinasuot sakin ang isang pulang dress na may pagka revealing. Pati red stilleto. Ano ba meron? Naguguluhan na ako. Pero sumusunod ako sa kanila.

Tapos na akong ayusan at inilabas na nila ako. Nasa isang hotel ako. Hall way na ang nilalakaran ko.

"This way, please." Sabi ng lalaking naka-tuxedo. Sumunod naman ako. Pagbukas ng pinto ay napanganga ako sa nakita ko.

Puno ng kandila at rosas ang sahig pati na din ang mga lamesa. Ano meron? Kanina ko pa tinatanong sa sarili ko. Habang naglalakad ako ay biglang may ilaw na sumilaw sa akin. Bigla na lang lumitaw sa harap ko si Aaron. Inilahad ang kamay sakin.

"Sayaw tayo?" He smiled. Hinawakan ko kamay niya at nagsayaw kami. Hindi ako sanay magsayaw ng kung ano. Waltz yata ang sinasayaw namin. Sinasabayan ko lang siya sa pag-sway ng katawan niya.

Nang matapos kaming magsayaw ay may spotlight na samin lang nakatutok. Lumuhod siya at may kinuha sa may bulsa ng tuxedo niya. Ipinakita niya sakin yon at nakita ko ang isang singsing..

"Love is just a word until someone comes along and gives it meaning. Your love paints a beautiful picture of what love really means. I love you. Will you marry me?"

Pakiramdam ko ay huminto ang paligid. Lahat ay naka pause lang. Nakatingin siya sakin at naghihintay ng sagot. Ako naman ay nakatayo lang at umiiyak.

"Yes. I will marry you. I want to be with you for the rest of my life." He hugged me and I hugged him back. Sinuot niya sa daliri ko ang singsing. Hindi pa din ako natitigil sa pag-iyak. Bumukas na ang lahat ng ilaw sa buong function hall. May ibang tao pala..

"YES! SHE SAID YES!" Nagtatalon siya at nagpalakpakan na ang nasa paligid namin. Inilibot ko ang tingin ko nakita ko ang friends, family and other connections.

Naupo kami sa harapan kung saan may nakalagay na Soon-to-be Mr. And Mrs. Brooke. Alam na niya talaga na sasagutin ko siya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Engage na ako sa long time boyfriend ko. Ang dami naming pinag-daanan. Nawalan na din kami ng Anghel. May konting program na ginaganap at kinakausap kami regarding sa mga likes and dislikes namin at kung anu-ano pa. Tungkol sa relasyon namin. Syempre ang nakakasagot lang ay sila Sydney.

Kinabukasan ay agad naming inayos ang kasal. Kumuha kami ng wedding planner. Sinuggest ko ang sa kaibigan ko na full package na. Si Bianca ang may-ari ng The Common Table. All in na kay Bianca. Dahil may partnership siya sa Kalye Mabini isang fine dining restaurant sa Bulacan.

Ang balak naming date ay October 29, 2019.. Isang buwan na lang ang preparation namin. Masyadong nagmamadali si Aaron. Gusto daw niya bago siya bumalik sa States ay ikasal na kami.

"We only have 1 month and 1 week. I guess, kaya naman. Sa abot ng makakaya? Biro lang. Sisimulan na namin ang pag-gawa ng gown mo. Tutal ang sabi mo ay ibibili niyo na lang ng gowns ang mga abay." Sabi ni Bianca. "Pink ng motif mo diba? Sige. I'll inform you once the gown is already done."

After namin sa The Common Table ay pumunta naman kami sa pagdadausan ng kasal. Sa Manila Cathedral. Pangarap ko to. Akala ko ay hanggang pangarap na lang.

"Are you happy, Babe?" He asked. Niyakap ko siya at umiyak na lang ako. Hindi makapagsalita dahil sa saya. "I can feel that you are happy. Masaya din ako na ikakasal na tayo. Sobrang saya." Sa loob ng isang linggo ay natapos na namin ang mga dapat namin gawin..

"Hindi ko lubos isipin na ikakasal na tayo in 1 month." Hinawakan ko kamay niya at hinalikan siya sa labi.

"Kitang kita ko sa mata mo na sobrang saya mo, Babe. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba?" Hinalikan niya ako sa noo.. "Matulog na tayo alam kong pagod ka na."

After one month..

October 29, 2019

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Kung saan magiging Mrs. Ma. Sophia A. Brooke na ako. Nasa loob ako ng kotse at kasama ko si Mommy at Daddy. Umiiyak kaming tatlo.

"Ikakasal ka na anak. Hindi ko lubos akalain na ikakasal ka na talaga. Ang ganda ganda mo." Sabi sakin ni Mommy.

"Basta anak kapag sinaktan ka ni Aaron sabihin mo sakin ha?" Sabi naman ni Daddy. Natawa naman ako. Nakita kong sumara ang pinto ng simbahan. Hudyat na maglalakad na ako sa aisle. Bumaba na ako ng kotse at iniayos na nila ang gown ko.

"The bride is ready." Narinig kong sabi ng organizer. Huminga ako ng malalim at hinawakan ako nila Mommy sa braso. Namamawis ang kamay ko. Wtf.

Bumukas na ang pinto at iniluwa kaming tatlo. Tumingin ako malapit sa altar. Si Aaron. Ang lalaking pinakamamahal ko. Habang naglalakad kami sa aisle ay may kumakanta ng You're Still The One. Ang theme song namin ni Aaron. Iyak ako ng iyak hanggang sa makarating kami sa harap ni Aaron. Nagmano si Aaron kila Mommy at may sinabi si Daddy na hindi ko narinig. Tinignan ko si Aaron at umiiyak siya. I smiled and hold his hand.

The ceremony started..

Nagexchange kami ng vows.

"You're still the one.. Aaron."

"You may now kiss the bride.." Father said.

And then we kissed.

"I now announce you husband and wife." Nagpalakpakan ang mga tao.

"I love you, Mrs. Brooke."

"I love you more, Mr. Brooke."

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now