Chapter 13

3.4K 68 5
                                    

"Sino ang buntis?" Si Daddy.

"Ah wala po. Nagbibigayan lang po ng sitwasyon. Alam niyo naman po kung anu-ano tumatakbong tanong sa isipan naming mga babae." Sagot ko.

"Hindi ako kumbinsido, Maria Sophia Schaudt Alvarez. Let's talk." Napatingin ako sa mga kaibigan ko at sinesenyasan nila ako na sumunod na at sabihin na ang totoo. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto nila Daddy ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Para akong baliw na nagmomonologue sa utak ko.

"Paano kung ipalaglag nila ang baby ko?"

"Paano kung ayaw pala nila dito sa baby ko?"

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng  kwarto nila. Tinignan ko si Mommy at Daddy. Ang bata pa nila para magkaapo sakin. Biro lang ang sinabing senior citizen na sila.

"Baka may gusto kang sabihin samin, Sofie?" Panimula ni Daddy.

"Buntis po ako." Diretsong sabi ko. Tumingin ako sakanila at nakita ko ang itsura nila. Masaya sila.

"Talaga? Si Aaron ba ang ama? Ha anak?" Masayang tanong ni Mommy.. Ngumiti ako at tumango. Kahit na alam kong walang kasiguraduhan.

"Nak. Kumain ka ng healthy foods ha. Nagpunta ka na ba sa OB? Ilang months na ba ang tiyan mo?" Sunod sunod na tanong ni Daddy.

"Hindi pa po ako nakakapunta sa OB. Natatakot po kasi ako." Nakayuko ako habang sinasabi yon.

"Huwag ka matakot. Sige, sasamahan kita anak." Lumapit sakin si Mommy at hinagod ang likod ko. Nakita kong umiiyak siya. "Masaya ako nak. Nasa tamang edad ka naman na para magkaanak. Mayroon ka din namang trabaho na kahit nag-aaral ka. Kaya mo bang pagsabayin? Baka hindi mo kayanin. Alam na ba ni Aaron yan?" Napatingin ako sakanila at napaiyak na lang.

Hindi ko pa nasasabi sakanila na naghiwalay kami ni Aaron. Ilang beses ko siyang kinumbinsi pero wala pa din. Hindi man lang niya ako pinakinggan. Sinabi ko na din kay Sydney na kausapin at kumbinsihin ang kapatid niya. Pumunta na daw ang kapatid niya patungong Canada.

Bakit naman ganon? Siya lang naman ang ama ng anak ko. Sigurado ako doon.

Nagkukulong ako sa kwarto ko na halos isang linggo na. Hindi ko matanggap. Oo alam ko na nagloko ako. Hindi ko naman sadya. Ewan ko ba!

3 months later...

I can't still imagine that he left the country without saying goodbye. Days passed by at medyo lumalaki na din ang baby bump ko. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Huwag ka mag-alala nak. Bago ka lumabas ay may tatay ka na ulit."

Hindi ko tinitigilan si Aaron sa lahat ng social medias niya. He even blocked me. Ganon na lang talaha ang galit niya sakin.

Nakatulala ako sa may bintana ng naramdaman kong bumukas ang pinto. Sila Kate.

"Kumusta ka na?" Bungad ni Siena.

"I'm fine." I answered.

"You're not fine." Sagot ni Siena. I just smiled. Nilapitan nila ako at niyakap.

"Buti na lang at hinarap mo na kami ngayon. Makakasama sainyo ni Baby ang pagkikimkim ng sama ng loob." Sabi ni Cindere.

"Oo nga naman, mahal. Kinausap ko na din si Kuya. Gusto niyang ipaDNA si Baby paglabas. Gusto niyang malaman kung sakanya talaga." Sabi ni Sydney. Napansin kong may hawak silang cake..

"Para sakin?" I asked. Abot langit ang ngiti ko hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tumango sila. "Wow! Tara sa kitchen!" Mabilis kong kinuha ang cake at pumunta sa kitchen.

"Bakit ba humahangos ka, Hija?" Tanong ni Daddy.

"May cake po kasi ko." At pinakita ko yon. Nang buksan ko ang box ng cake ay tila nawalan ako ng gana at nasusuka ako kaya mabilis akong nagtungo sa lababo. Naglilihi pa din ako. I hate the smell of coffee or mocha or whatever it is.

"Ayaw mo ba nung cake?" Tanong ni Siena.

"Ayaw ko ng ganiyang amoy. Sorry." Sabi ko sakaniya at pumunta sa living room.

"Kumusta naman kayo ni Aaron? Nakakapag usap pa ba kayo?" Mahinang tanong ni Kate.

"He blocked me. Remember?" Napabuntong hininga na lang ako. Hindi man lang niya ako kausapin. Talagang tiniis niya ako. Sigurado naman talaga ako na sakanya itong batang dinadala ko.

Kinuha ko ang pang cross-stitch ko sa box malapit sa sofa namin. Simula noong naghiwalay kami ni Aaron ay ito na ang hilig ko. Nakakalibang. Hindi ko alam na may talent at tiyaga ako sa ganito. Nagtututor pa din ako kahit na buntis ako nagpalipat na lang ako ng time slot dahil hindi ako pwede magpuyat.

"Uy. Hindi ko alam na nagcrocross stitch ka na pala? Kailan pa?" Paris asked.

"Simula nung nagbreak kami." Ngumiti ako. "Sa katunayan ay ako ang gumawa ng Jesus cross stitch na yan." Tinuro ko ang nakaframe na gawa ko sa may hagdan.

"Ayos pala eh! So, ano naman yang ginagawa mo?" Sinilip ni Cindere ang ginagawa ko.

"Picture namin ni Aaron." I smiled. "Hindi ako titigil na mahalin siya." Napatigil ako saglit at pinunasan ang likidong dumaloy sa pisngi ko na nagmula sa mata ko.

Umiiyak ako..

Nasasaktan pa din ako.

Aaron, kailan ka ba babalik?

Kailan mo ba ako kakausapin?

Hanggang kailan mo ba ako titiisin?

"Stop crying. Hindi makakabuti sa baby mo yan." Hinimas ni Siena ang likod ko. "Si Aaron ang iniisip mo ano? Kaya ka umiiyak. Naiintindihan naman namin, Sofie. Lalamig din ulo ni Aaron. Tsaka papaDNA naman niya ang bata paglabas diba? Wag ka na mag-alala. Sigurado naman tayong sakanya yan." Niyakap niya ako na nakapagpaiyak sakin lalo.

Sobrang tanga ko.

Ang landi ko! Nagawa kong makipagrelasyon sa professor ko habang kami ni Aaron. Ngayon, hindi ko alam gagawin ko dahil iniwan na ko ng lalaking pinakamamahal ko.

Sa totoo lang ay pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko. Lahat ng katangahan kong ginawa. Pero ang pagbubuntis ko sa anak kong to ay hindi ko pinagsisihan. Alam ko sa sarili ko na biyaya ito. Gift from God.

"Mahal, may gusto kumausap sayo." Putol ni Sydney sa pagkayakap sakin ni Siena. "Si Kuya." Tila ba naexcite ako dahil gusto na niya akong kausapin after 3 months.

"Hello babe." Bungad ko sakanya.

"Sophia." Cold na tawag niya sakin. "I heard that you're crying because of me. Kalimutan mo na ako. Isipin mo ang batang dinadala mo. Masaya na ako kung nasaan man ako. Huwag mo na ko isipin. Kalimutan mo na nakilala mo ako. Mag-simula ka ulit. Sorry.." Bumuhos lalo ang luha ko.

"A-aron. L-let's fix t-this. P-please." Naramdaman kong hinagod nila ang likod ko. "Please." Tuluyan na kong umiyak ng binaba na ni Aaron ang tawag.

Wala na ba talaga?

Hindi na ba mababago?

Hindi na ba mababalik?

Hindi na maaayos?

Kasi kung hindi na tatapusin ko na lang ang buhay ko.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now