Chapter 21

1.5K 31 5
                                    

Ikalawang gabi na ng burol nila Travis. Dalawang araw na rin akong walang pahinga. Ayaw ko matulog na gusto ko.

"Dalawin niyo ako sa panaginip. O kung nandito man spirits niyo, yakapin niyo ako. Bibigyan natin hustisya pagkamatay niyo." Nasa gitna ako, ako na lang ang kulang. Kumpleto na kaming nakahiga. Hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Hindi nauubos ang luha ko. Iyak pa rin ako ng iyak.

"Sofie, condolences. Sorry ngayon lang kami nakapunta. Nasa biyahe kami noong nabalitaan namin." Tinignan ko kung sino, ang girlfriend ni Travis. Si Siena at ang iba ko pang kaibigan. Tumango lang ako. Anong klaseng girlfriend ka? Hindi ka man lang umiiyak? Anong klaseng kaibigan ka? Tanong ko sa isip ko.

Simula noong dumating ako dito ay wala akong kinausap na mga nakikiramay. Sila mommy ang kumakausap. Buong buhay ko kasama ko mga kapatid ko. Lahat ng problema namin sa isa't isa alam namin.

"Babe, magpahinga ka muna kaya? Baka kung ano mangyari sayo." Malambing na sabi ni Aaron. Tumayo ako at naglakad papunta sa mga kabaong nila.

"Uuwi na muna si Ate. Magpapahinga lang ako. Babalik ako." Pinagyayakap ko ang mga kabaong nila. Nagpaalam na ako kila mommy na uuwi na muna ako para matulog. Sasamahan ako ni Aaron. "Sa bahay tayo nila mommy. Gusto ko doon matulog." Tumango lang si Aaron.

Habang pauwi kami ay hindi ako nakaramdam ng antok. Tinawagan ko ang imbestigador ng kaso nila Travis.

"Good evening. Ano na po balita sa kaso?" Seryosong tanong ko. Pinaliwanag sakin na nawalan daw ng preno ang kotse na sinasakyan nila Travis at may iniwasan silang tao na dumadaan. Kaya mas pinili na lang na ibangga sa pader, pero may kasunod din pala silang truck at pumailalim sila.

"Pinadala po namin ang CCTV footage at Dashcam footage sa email niyo. Magandang gabi." Pagkatapos noon ay binaba ko na. Agad kong binuksan ang gmail account ko. Plinay ko kaagad. Kitang kita ko kung paano iniliko ni Travis ang kotse at kung paano sila pumailalim sa truck. Sa dashcam footage narinig ko ang sigaw nila Ana. Awang awa ako sa mga kapatid ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Iyak ako ng iyak. Dahil narinig ko sigaw nila na "Ate." Imbes na si Mommy ang tawagin nila ay ako ang tinawag nila. Hanggang sa huling sandali nila.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay nila Mommy ay umiiyak ako. Nasa labas pa lang kami ay parang ayaw ko na pumasok. Para bang nagflaflashback lahat ng alaala namin sa loob ng bahay.

Nakatayo lang ako sa may gate.

Bigla kong nakita na lumiwanag ang bahay namin at nakita ko sa loob ng bahay sila Travis. Naghahabulan, as usual. Lagi sila magkakaasaran. Nakita ko sarili ko na nakikihabol sakanila.

Naramdaman ko na lumalakad na ako papalapit sa bahay.

Habang naghahabulan ay nagtatawanan din kami. Nahuli ni Travis si Anastacia atsaka niya ito inikot ikot. Sabi ni Ana ay nahihilo na daw siya. Bitawan na siya.

Pumasok na ako sa bahay kasama si Aaron. Hinawakan niya ang kamay ko. Muling lumiwanag ang kapaligiran.

Nakita ko silang nakaupo sa sala at nanunood ng TV. Sabay sabay silang napatingin sa pinto kung saan kami nakatayo.

"Ate!" Sabay sabay nilang sabi. Umiiyak ako. Kasi akala ko totoo. Kasi akala ko, ako yung tinawag nila. Oo ako nga. Pero yung ako na sa alala ko lang. Nakita ko sarili ko na may dalang mga pagkain at paper bags nandoon din si Aaron.

Humagulgol ako. Binuksan ko ang ilaw at inilibot ko ang tingin ko. "Travis. Ana. Adel. Nandito na si ate. Yakap niyo ko. Pagod na pagod na ako." Naramdaman ko ang yakap ni Aaron. Tinapik niya likod ko.

"Babe, wala na sila. Tanggapin na natin na wala na sila. Please? Magpahinga ka na. Tama na kakaiyak. Hindi nila gustong umiiyak ka diba? Naalala mo noong nagbreak tayo? Iyak ka ng iyak noon, hindi mo alam tawag ng tawag sakin si Travis at inaway ako nung mga kapatid mo. Wag na wag ka daw nila nakikitang umiiyak kasi mahal ka nila." Kalmadong sabi ni Aaron sakin. Nasa tamang tao na ako. Alam niya kung paano pagaanin ang loob ko.

Tumingin ako sakaniya at ngumiti. "Hindi ko alam na ginawa nila yon. Wala na magtatanggol sakin kapag nag-away tayo." Napakamot siya ng ulo at natawa. Alam ko naman na nasa isip niya na away na naman ang nasa isip ko.

Sa isang relasyon hindi talaga nawawala ang away ano? Hindi ko malaman kung bakit. Pero kapag hindi naman kayo nag-away parang may mali na sa relasyon niyo. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng perpektong relasyon at perpektong pamilya.

Nasa kwarto ko na ako at nakahiga na kami ni Aaron, agad akong nakatulog pag higa ko pa lang.

Nagising na lang ako sa isang haplos. Nakita ko si Travis. Nakangiti saakin.

"Ate, gising na. Malalate ka na sa lakad mo. Diba makikipaglibing ka? Sama mo kaming tatlo ha?"

"Babe? Babe, wake up."

Nagising ako na lumuluha.

"You're crying." Sabi ni Aaron. Niyakap ko siya.

"Si Travis. Ginising niya ako. Makikipaglibing daw ako at sasama sila. Ngayon ang libing nila. Sasama sila? It means tanggap na nila?" Umiiyak na naman ako. Alam kong hindi na healthy sakin to. Hindi kumibo si Aaron. Inabutan lang niya ako ng tubig at hinaplos ang buhok ko.

"Maligo ka na. Mamaya ay aalis na tayo. Nakapagluto na din ako ng breakfast natin. Gusto mo samahan kita sa banyo?" Tumango ako. Hindi ako tatanggi, baka kung ano gawin ko sa banyo sa sobrang kalungkutan.

Ilang oras lang ay tapos na ako maligo, gumayak at kumain. Pumunta na kami ni Aaron sa burol ng mga kapatid ko. Ngayon ang libing nila. Ayoko na umiyak. Mukhang masaya naman si Travis doon sa panaginip ko. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa libingan. Hindi ako kumikibo at nakahawak lang si Aaron sakin. Feeling ko anytime ay babagsak na ako.

Lahat ay nag-iiyakan. Ako ay tahimik na umiiyak at nakatingin lang sa kabaong nila. Hindi pa kami naglalast viewing. Hinahanap ko si Siena, bakit parang wala siya? Anyway, I don't mind. Iba kinikilos niya lately. Tinawag na kami for last viewing, tumayo na kami nila Mommy para silipin sila. Niyakap ni Mommy isa isa ang kabaong nila. Ako ay nakatayo lang sa gitna. Hindi ko kayang makita si Mommy na umiiyak at binabanggit pangalan ng mga kapatid ko. Tumalikod ako at niyakap si Aaron atsaka ako umiyak ng umiyak. The next thing I knew, wala na akong malay.

Nagising ako nasa hospital na ako. Lahat sila ay nakatingin sakin. Napaupo ako agad. "Ano nangyari?" Tanong ko.

"Nahimatay ka anak. Kakaiyak mo at sa pagod. Nailibing na mga kapatid mo." Malatang sagot ni Mommy sakin. Nakatingin lang ako sakaniya. I'm waiting for some good news naman or something.

"Ayan na pala si Doc." Dumating ang Doctor ko. Lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok ko.

"Hija, sa susunod wag ka iiyak ng sobra. Nakakasama yan sa baby mo. Hay naku. Ingatan mo na ang baby mo. Ano ka ba?" Sabi ni Doctora.

Nagkatinginan kaming mga nasa kwarto at gulat na gulat.

"Dra. Alam niyo naman po na nagluluksa kami at kakalibing lang po ng mga anak ko. Wala naman po sanang joke time dito." Sabi ni Daddy.

"Ay hindi po ako nagbibiro. Nagsasabi po ako ng totoo. Dahil din po kasi sa buntis siya kaya siya nahimatay. Wag lang po sana na magpakastress si ganda. One month pregnant na siya. I heard na kakakasal niyo lang." Sabi ni Dra.

Nagkatinginan kami ni Aaron at nangiti kami pareho. Nagpapasalamat ako sa Diyos at hindi niya kami pinabayaan.

"May pumalit agad. Kung nandito lang sila at paniguradong masaya sila." Sabi ni Daddy.

"Sana nga po triplets. Ikakasaya ko. Alam kong mahirap pero kakayanin ko po na ipagbuntis ang triplets." Sabi ko sakanila

"Aba. Hindi malabong mangyari yan anak. Ipagdasal natin yan. Malakas tayo kay Papa Jesus." Sabi ni Mommy. "Magpahinga ka na. Uuwi muna kami at ikukuha kita ng damit. Magtulog ka muna."

Lumabas na sila at lumapit sakin si Aaron. Niyakap niya ako.

"Gusto mo ba triplets? Kakayanin mo ba yon? Pwede naman na kambal muna o kaya isa isa. Baka mahirapan ka." Sabi ni Aaron. "Pero kung ayon ang gusto mo."

"Gusto ko. Gusto ko maging triplets to at alam kong sila at eto ang second life nila."

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now