Chapter 10

3.7K 67 4
                                    

Nagising na lang ako na nasa ibang kwarto. Nakita kong 7PM na. Tinignan ko ang suot ko, kompleto pa naman at walang nabago pero may nabago sa katawan ko. Ang dami kong pantal at nagsugat sugat na. May nakain akong hindi pwede sa akin. Kaya siguro ay bigla akong inantok kanina. Hindi ko na matandaan ang kinain ko kanina. Kinuha ko phone mo at tinawagan si Travis.

"Travis. Sunduin mo ako dito kila Zane. Alam mo naman bahay nila diba? Paki na lang. Dalan mo na din ako ng jacket, may allergies ako." Pagkababa ko ng call ay sakto namang pumasok si Zane sa kwarto.

"Kumusta ka? Ano nararamdaman mo?"

"Eto pakiramdam ko at mamamatay na ko. May shrimps ba ang iba sa handa mo? Hindi ko napansin sa gutom ko eh." Oo, napakatimawa mo kasi Maria Sophia.

"Meron, dami mo ngang nakain na chopseuy kanina. Seafoods yon eh." Napafacepalm na lang ako sa nalaman ko. Kaya naman pala ganito ang allergies ko ngayon. After a minute ay sinundo na ako ni Travis at umuwi na. Luckily ay may gamot ako sa bahay at hindi na masyadong lumala ang allergies ko.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng building namin at iniisip kung ano ang dapat kong unahin na mga requirements. Hinihintay ko na din ang tatlo kong kaibigan. Habang nakaupo ako ay syempre kasama na doon ang pag-aabang sa aking hinahanggaang guro na si Sir Luis. Hindi naman ako nabigo dahil dumaan siya at hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Nakita ko lang siya pero iba yung naramdaman ko. Nanginig tuhod ko at nanlambot ito buti na lang ay nakaupo ako at saktong dating din nang tatlo.

"Bakit namumula ka?" Tanong sakin ni Siena.

"Bakla. Nakita ko si Sir Luis. Kinilig lang ako."

"Ay true ba bakla? May chika ako sayo about kay Sir!" Eto na ang dakilang chismosa ng USE, Paris Kate Collins! Agad kaming nagkumpulan sa pwesto namin at sinimulan na ni Paris ang pagkwekwento. "Alam niyo bang tatanggalin na daw yang si Sir dito sa University?" Nanlaki mata namin sa sinabi niya.

"ANO?!" Sigaw ko. Tinakpan naman agad ni Cindere at Siena ang bibig ko.

"Bakla. Kalma ka lang. Hindi namin alam kung ano ang dahilan pero iyon ang sinasabi." Sabi pa ni Paris.

"Paano ba naman kasi bakla, kalat na kalat na kagaguhan ni Sir sa buong building. Alam mo na, fuckboy tapos ganon nga." Sabi naman ni Siena. Alam naman na ng lahat ang ginagawa ni Sir sa ibang students at ang kalokohan niya. Crush ko pa din siya kahit ganoon. Sayang lang at nagmamasteral siya tapos ganoon pa ang nangyari.

Madami pa kaming pinagkwentuhan at naikwento ko sakanila na akala ko ay nagalaw na ako ni Zane. Natawa naman sila dahil sa pagkalikot ng imahinasyon ko. Dahil napakagago kasi si Zane noong kausap ko si Aaron.

Tapos na din ang klase at naisipan naming tumambay muna sa may circle para magkwentuhan ulit. Hindi kami nauubusan ng pag-uusapang apat. Ewan ko ba naman saamin.

"Sofie, naisip mo bang magcheat kay Aaron even once?" Out of nowhere Cindere asked me that question.

"Hindi, never pumasok sa isip ko yon. Kahit na ganoon ang ginawa saakin ni Aaron dati. Na nagcheat siya, hindi sumagi sa isip ko na gawin yon kasi mahal ko siya." I answered.

"Pero paano kung hindi mo na napigilan? For example, si Zane. Naisipan mong ientertain. Usap, call ganon to think na nakalimutan mo na si Aaron." Pasunod na tanong pa ni Siena.

"Siguro kakausapin ko si Zane as a friend wala ng iba pa. Pero hindi ko makakalimutan na may Aaron ako dahil lang sa ibang lalaki." I answered. "Kayo, kailan niyo balak magboyfriend at hindi puro ako yung pinupuntirya niyo?"

"Kapag may anak ka na. Tsaka kami magboboyfriend." Sabi ni Siena sabay tawa.

"Narinig ko nga kayo nag-uusap ni Travis. Wag mong ideny! Rinig na rinig ko! Video call pa kayo ha." Naibagsak ni Paris at Cindere ang hawak nilang libro dahil sa sinabi ko. "Ano? Gulat kayo? Akala niyo hindi ko alam." Inirapan ko sila. Alam kong tinatago nila saakin.

"Siya nga pala, diba sabi mo may ginawa kang spoken poetry? Para kanino ba yon?" Pag-iiba ng usapan ni Paris.

"Secret. Gusto niyo bang marinig?" Sabi ko. Tumango na lang sila atsaka ko binasa. "Marahan akong naglalakad, malalim na nagiisip ng aking kinabukasan. Sa daluyong ng aking mga kapwa estudyante, siya kong natanaw, anino ng lalaking minamahal. Ako'y palihim na sumulyap sa kaniya at aking natuklasan, ganon pa rin pala.

Wala pa ring nagbago. Siya at siya pa rin ang tinitibok nitong umiibig na puso. Lahat ng aking iniisip ay mabilis na naglaho. Isang simpleng katanungan ang humalili, nakita kaya niya ko sa gitna ng maraming tao? At sa sariling isipan, nasagot ang katanungan, sa tila napakabilis na oras na mata namin ay nag-tama.

Pero bakit parang ang lupit ng tadhana? Bakit pinagtatagpo kami sa maling panahon? Panahon kung kailan hindi ka pa handang harapin na ang taong minamahal ay hindi talaga sayo. Bakit sobrang sakit? Bakit sobrang hirap? Puso'y sumisikip sa kaiisip nang mga bagay na maaaring mangyari kung hindi sya pag-aari ng iba. Bakit?

Puso'y lumuluha, mga bituin na tila ba nangungutya ng kanilang mga ningning. Wala dapat sila sa gabi ng aking paghihinagpis.

Habang sumasaksi ang apat na haligi ng aking kwarto sa aking dalamhati, maliit na liwanag ang biglang pumukaw sa aking atensyon. Inakalang guniguni lamang ngunit sa sunod sunod na pagtunog ng aking telepono pinilit kong itinayo ang nahahapong katawan.

Liwanag nga, liwanag na may pag-asa. Pagka't ikaw na pala. Sinasabi ko na nga ba, ikaw lang ang makapaghihilom sa pusong nagdurugo. Habang binabasa ang mensahe mo, maiksi man at sa iba ay tila walang halaga, tila unti-unting tinatagpian ang nadurog na pag-asa ng pusong nagmamahal.

Ngayon alam ko na kung bakit di kita kayang pakawalan, dahil sa isip at puso ko, alam ko na tunay na pagibig at kasiyahan ay sayo ko lamang mararanasan."

Napatingin ako sa tatlong nakikinig lang at ngayon ay nakatulala sa akin at nakanganga pa. Alam kong ganyan talaga magiging reaksyon nila at alam ko din na puzzled sila. Oo, alam kong umibig ako sa isang tao habang kami pa ni Aaron. Hindi ako perpekto. Nagcheat na ba ako non? Ewan ko, ang tanga ko lang. Nagmamalinis lang ako na kakasabi ko lang na hindi ko magagawa pero eto ako't halatang nasasaktan sa aking ginagawa.

"Kakasabi mo lang na hindi mo magagawa. Pero sa binasa mo samin pakiramdam ko ay nagmahal ka sa isang tao. Sa taong may mahal ng iba at sa taong alam mong hindi kayang suklian ang ibinibigay mo." Sabi ni Cindere. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"I never thought that you'll guess the meaning. Masyado ako nagmamalinis." Malungkot kong sabi.

"Kahit ano pa yan. Kahit sino pa yan. Kahit ano ang mangyari, nandito kami. Handang unawain ka." Sabi naman ni Paris

"Sino ba yung guy?" Tanong ni Siena.

"Si Sir."

---

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin