Chapter 5

4.9K 88 1
                                    

Kinabukasan na ako nagising. Wala ng nagtangka na gisingin ako. Pero nagising akong may unan at kumot. Pati ang electricfan ay nakatutok sakin. Sabado ngayon at general cleaning namin. Dahil wala pa yung kasambahay namin. Sa Monday pa daw babalik ng Luzon. Kaya kami muna ang maglilinis ng bahay. Every week talaga ay naglilinis kami dahil ayaw namin sa alikabok. Allergy kaming lahat doon.

Pumunta ako sa kusina at nakita kong may nakahain na. Nagluto na pala si Travis at Anastacia. Mukhang masarap ang breakfast! Hotdog, egg at fries rice! Masarap partneran ng coffee neto. Naupo na ako at tinawag sila. Nakahain na pero wala naman sila dito sa dinning area.

"Halika na kayo! Lumalamig na ang pagkain!" Sigaw ko at tumayo ulit para magtimpla ng kape. Makakalimutin kasi talaga ako. Narinig ko na ang pag-uunahan nila sa pagbaba ng hagdan. Mga batang ito talaga! "Ilang beses ko bang sasabihin na walang magtatakbuhan pababa ng hagdan! Paano kung madisgrasya kayo? Hindi biro ang maospital at mabalian ng buto!" Piningot ko silang tatlo at pinaupo na. Umupo na din ako ng makapagtimpla ako ng kape. Nagbubulungan ang mga kapatid ko na parang mga bubuyog at naghahagikgikan pa! Humigop na lang ako ng kape ko.

"Good morning." Nanlaki mata ko ng makita kung sino ang nasa harapan namin.

"Kuya Aaron!" Nagtakbuhan sila papunta sa lalaking dumating habang ako ay naibuga ko ang kape na iniinom ko.

"Ate! Kadiri ka naman! Bakit naman ganyan ka!" Pagalit sakin ni Anastacia. "Nakakahiya kay Kuya Aaron."

"HEH! LUBAYAN NIYO AKO AT PAALISIN YANG LALAKING YAN!" Sigaw ko at umalis sa kusina. Nawalan na ako ng gana.

"SANDALI NAMAN SOPHIA!" Sigaw niya saakin nung nasa 2nd floor na ako. Pumasok ako ng kwarto ko at naglock.

Narinig kong kumatok si Anastacia after 10 minutes na pagpasok ko sa kwarto. "Ate. Papasok ako. Buksan mo yung door. Please?" She's still knocking. Binuksan ko na ang pintuan. Pumasok siya at isinara ang pinto. "Ate. He's waiting downstairs. Kausapin mo naman si Kuya Aaron. Kung wala ng chance, sabihin mo sakanya hangga't maaga."

"Hindi pa ako handang kausapin siya, Ana. Please, paalisin niyo na siya. Ayaw ko masira buong araw ko." Dumapa ako sa kama. Pabebe na kung pabebe.

"Ate. Please? Kausapin mo na siya." Sumunod siya sakin at dinaganan ako. "Sige na ate. Please. Please! Alam kong marupok ka. Kausapin mo siya." Tumayo na siya at lumabas na. Kainis. Parang sila pa mas matanda sakin. Lumabas na ako ng kwarto at hinarap si Aaron. Umupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo. Nasa dulong parte ako ng sofa namin.

"Ano ba ang ginagawa mo dito? Ang aga mo pumunta para sirain ang araw ko. Pwes nagtagumpay ka. Nasira mo na ang araw ko. Makakaalis ka na." Pagtataray ko sakanya habang abala sa pagcecellphone. Hinahanap ko ang facebook account ng instructor namin sa music.

"Nandito ako para humingi ng tawad at gusto ko sabihin sayo na itutuloy ko pa din ang panliligaw sayo. Sana magkabalikan na tayo. Pinagsisihan ko na mga ginawa ko." Napatingin ako sakanya at inirapan siya

"Sana noon ka pa nagsisi. Sana pinagisipan mo muna ang ginawa mong kataksilan sakin! Huwag ka mag-alala, Aaron. Tumatak naman sa isip ko yon, pati sa puso ko!" Sabi ko sakanya habang nangingilid na ang luha ko. Ang sakit kasi. Sobrang sakit lalo na at naalala ko pa din.

"Patawarin mo ako. Please! Patawarin mo ako. Bigyan mo pa ako ng chance. Bigyan mo pa ako ng second chance. Mahal na mahal pa din kita, Sophia" Nilapitan niya ako at pinahid niya yung luha ko na sunod sunod ng tumulo. "Alam kong galit ka pa din sakin. Alam kong mahal mo pa ako. Patawarin mo na ako." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang buhok ko.

Hindi ako kumikibo dahil hindi ko na alam ang sasabihi ko sakanya. Sobrang nasasaktan ako at oo galit pa din ako pero mahal na mahal ko pa din naman siya. Dahil siya talaga ang una ko. Lahat ng una ko ay siya. He's my first love. He's my first boyfriend. He's my first kiss and He's my first.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora