Chapter 2

6.9K 121 23
                                    

1 friend request

Zane Axl Resse sent a friend request

Inistalk ko yung profile niya. Hala! Siya nga! Bakit niya ako inadd? Aaccept ko ba?

"Mahal. Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Pinitik ni Arisha noo ko. Lagi na lang ako pinipitik sa noo neto.

"Inadd ako nung lalaki kanina. Si Vren. Bakit ba kasi sinigaw niyo pa pangalan ko! Maria nga sinabi ko!" Nakasimangot kong sabi. Baka kasi mamaya awayin na naman ako ng girlfriend non. "Accept ko ba? Ano?"

"Akin na nga!" Kinuha ni Arisha phone ko at may pinindot. "Confirm. Ayan na ha. Inaccept ko na for you. Para hindi ka na maaligaga diyan!"

Nanlaki mata ko noong nagwave siya sakin sa messenger. Gago ka ba? May girlfriend ka na tapos magwawave ka pa diyan!

"Hala, Mahal. Nagwave sa messenger. Parang tanga!" Sabi ko kay Arisha. Sakto namang paglabas ni Sydney ay pinindot ni Arisha ang wave back. Anak ka ng tatay mong kalbo! "Oh ayan! Ikaw na makipagusap!" Pabiro kong binigay kay Arisha phone ko.

Hindi ko nalang pinansin ang reply ni Zane nagsend pa ng picture niya na nasa gym siya dito sa mall. Pinatayan ko nga ng data. Feeling gwapo ha.

Nagpaalamanan na kaming tatlo at may kanya kanyang raket pa kami. 5PM pa lang naman. 6PM ang next tutorial ko. Makakahabol pa naman ako. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi.

Pag dating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mommy. "Nak. May sulat galing University of Sta. Elena." Inabot sakin i Mommy at umalis na. May pupuntahan daw siyang importante. If I know, pupunta lang sa mga amiga niya doon sa kanto.

Inilapag ko yung letter na galing sa University of Sta. Elena at nagsimula na magtutor. Mamaya ko na lamang bubuksan yon kapag wala na akong gagawin.

Nang matapos ko ang pagtututor umidlip muna ako saglit dahil may work pa ko mamaya. Call center agent ako diba? Kaya ang eyebags ko, parang maleta na!

"Ate! Gising na. Hindi ka na naman nakakain." Gising sakin ni Ana. "Ate. Patulong naman sa homework ko. Hirap na hirap na ako dito." Paglalambing pa niya sakin.

"Bukas na, Ana. Biyernes naman ngayon. May time pa tayo. Anong oras na ba?" Tinignan ko phone ko at 8:59PM na. Sabi ko idlip lang. Tulog na pala ginawa ko. Masarap matulog kapag malamig. December na kasi kay malamig simoy ng hangin.

Tinignan ko yung letter na galing sa USE.

To: Ma. Sophia S. Alvarez

Congratulations! You are now part of the University. You passed the scholarship. This scholarship is good for 4 years. We hope that you will enjoy you stay in our school. You can enroll now for the Second Semester. Good luck!

From: University of Sta. Elena Administration

Hindi pa din ako makapaniwala na papasok ako sa isang yayamaning paaralin at scholar ako doon! Niresearch ko kasi ang University na iyon. Napag-alaman ko na Hari pala ang may-ari noon at ang anak niya ang namamahala doon.

Binuksan ko yung phone ko at nagfacebook muna saglit bago kumain.  Binalitaan ko ang dalawang impakta na makakapag enroll na ako for second semester since may nacredit akong subjects. Natanong ko naman na din iyon sa registrar at sabi nila pwede ko daw itake ang mga iyon, since walang pre-requisites.

Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko. Pwera na lang dito sa isang to. Naalis na sa isip ko tong lalaking to. Naturn off ako sa pagsesend ng picture sakin eh.

Zane: Pansinin mo naman ako, Maria.
Zane: Hey
Zane: Galit ka din ba sakin dahil sa ginawa ng girlfriend ko? Sorry na.
Me: I'm not mad. Don't chat me. May girlfriend ka. Baka sugurin ako niyan pag nakita ako sa daan.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now