Chapter 11

3.6K 68 4
                                    

Alam kong mali ang nararamdaman ko. Alam kong hindi tama ito. Si Sir Luis talaga ang inaalayan ko ng tulang iyon.

"Bakla ka talaga!" Hinampas ako ni Paris dahil sa nalaman nila.

"NAKAKALOKA KA BAKLA! HINDI KO KINAYA ANG GINAWA MO AT GINAWA NIYO!" Sigaw saakin ni Cindere.

"Unbelievable. Pokpok ka talaga." Sabi naman ni Siena. Natatawa ako na ewan dahil sa nangyari saamin ni Sir Luis.

Nagkakausap kami ni Sir Luis thru chat at call. Nagkikita din kami palihim pero hindi ganoon kadalas. Naging kami pero hindi ganoon katagal. Isang buwan. Oo, nagtaksil ako. Ngayon ay inaamin ko na. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isipan ko kung bakit ako pumasok sa ganoong sitwasyon.

"Ayusin mo buhay mo, Sofie. Baka masampal kita. Mahal ka ni Aaron. Bakit mo nagawa yon? Bakit ka nagcheat kay Aaron at sa teacher pa." Gigil na sabi ni Paris. Napalingon kaming lahat baka may makarinig, luckily ay wala.

"Oo nga. Bakit ka nagcheat? Hindi mo ba alam na masama yon?" Sabi ni Cindere

"Nagcheat din siya." Sabi ko naman.

"Mali ang gumanti, Sophia! Ano ka ba! Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo naisip yon?" Sabi naman ni Siena. Oo alam ko naman talaga na mali. Huwag na lang sana ipamukha pa saakin.

Pagkatapos nila akong sermunan ay umalis na ako. Magkikita kami ni Aaron. Hinintay ko si Aaron sa labas mg campus. After 5 minutes ay dumating na siya.

"Sorry, I'm late. Shall we?" He said. Binuksan ko yung pinto ng kotse niya at sumakay. "How's school?"

"School pa din naman siya babe." Natawa ako ng malakas pati na rin siya. "Kidding aside. Okay naman puro discussion lang ang ginawa. Saan tayo pupunta?"

"Kakainin kita at dadalhin sa langit."

"Gusto ko yan!" I giggled. Mahal na mahal ko si Aaron kahit na nakagawa ako ng kasalanan. Naalala ko ang sinabi saakin ni Paris noong nakaraan.

Hindi solusyon ang kama para maipakita na mahal na mahal nyo ang isa’t isa. Dahil kung mahal nyo ang isa’t isa, kahit sa sahig ayos na.

Natawa ako noong naalala ko yung sinabi ni Paris. Napakaloka talaga! Napatingin pa sakinsi Aaron pero binalewala lang niya. Nakarating kami sa bahay nila. Nandito kaya si Sydney? Magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay nila.

"MAHAAAAAL!" Salubong sakin ni Sydney. Ang gaga nakabathrobe lang at basa pa buhok. Bagong ligo si Ate Girl. "Gagawa na ba kayo ng pamangkin ko? Ha?"

"Oo." Sagot ni Aaron. Nasamid ako sa sinabi niya at napatingin. "Gagawa na kami para wala ng kawala." Nagpapalakpak naman si Sydney sa tuwa habang ako napapairap na lang. Umakyat na kami sa kwarto ni Aaron, dumiretso ako sa banyo at naligo. Automatic na ang ganitong scene kapag nasa kwarto niya ako o nasa amin siya.

Pagkalabas ko ng banyo ay ang tinamaan ng lintok ay tulog. TINULUGAN AKO NG MAGALING KONG BOYFRIEND!

Masama ang loob ko ng tumabi sakanya at natulog na lang din. Kainaman naman pala netong kasintahan ko. Naglagay ako ng unan sa pagitan naming dalawa. Gigil niya ako eh.

Nagising ako ay 9PM na. Pagtingin ko sa cellphone ko ay napakadaming missed call ni Travis maski text. I called him back.

"Nandito ako kila Aaron. Why?"

"Hindi ka man lang nagsasabi, Ate. Nagiisip kami dito kung nasaan ka. Baka nakuha ka na ng puting van at dinala sa sindikato para mamalimos!" Sabi sakin ni Anastacia. "Si Kuya Travis, nakatulog na kakahintay sayo. Lagot ka pag-uwi mo."

"Ana. Kung anu-ano iniisip niyo. Si Adel nasaan?"

"Pinasama na namin sa sindikato, Ate. Para mamalimos. Joke. Tulog na po." Sabi niya. Kahit kailan talaga ang batang to! Napakagaga!

"Dito na ako matutulog. Wala pa naman akong pasok bukas. Matulog na kayo pagkalock niyo ng gate." Pinatay ko na ang call dahil may incoming call ako.

Si Sir..

Sinagot ko ang tawag kahit katabi ko si Aaron. Alam kong malalim siyang matulog. Lalo na at pagod.

"Yes po?"

"Kumusta ka na, Sofie?" He asked.

"Tapos na tayo, Sir. Tigil na po natin kung ano ang meron sa atin. Kalimutan niyo na lang po siguro iyon." I said.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Sofie? Sige. Papayag na ako." Napabuntong hininga ako.

"Maraming salamat po." Tinignan ko ang katabi ko.. Nakatingin siya saakin ng blangko. I smiled. "Kanina ka pa gising, Babe?" I asked.

"Sino kausap mo?" He asked.

"Wala naman. Magulang ng estudyante ko sa tutorial." Palusot ko pa. Lumalakas kabog ng dibdib ko.

"Ah okay. Maya pala ititigil niyo na at kakalimutan kung ano ang meron sa inyong dalawa." Tinignan niya ako ng masama at hinawakan ng mahigpit sa braso. "So, you're a cheater." He said coldly. Hindi ako makapagsalita. Nilalamon ako ng takot at nanghihina ako dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Bakit mo nagawa sakin to!! Gumaganti ka ba dahil sa nangyari noon? Sophia!! Mahal kita! Pero bakit mo ako ginago!! Bakit mo ako niloko!!" Niyugyog niya ako at hinigpitan ang hawak sa braso ko. Tumayo siya at hinila niya ako palabas.

"Aaron. Please! Let me explain! Please!" Pag mamakaawa ko sakanya. Pero sampal lang ang natanggap ko mula sa kanya. Hinihila niya ako pababa ng hagdan halos malaglag na ako sa hagdan dahil sa pagkakahila niya. "Babe. Please!" Kanina pa ako umiiyak pero hindi niya ako pinakikinggan.

"Manloloko ka! Lumabas ka ng pamamahay ko at huwag ka na magpapakita saakin kahit kailan!!" Tinulak niya ako palabas ng pinto at napaupo ako sa semento. "Tapos na tayo, Sofie. Paalam." Nakita ko sa mata niya ang galit at ang sakit na nararamdaman niya.

Nasasaktan ako para sa aming dalawa. Napakagaga ko. Napakatanga ko. Bakit hindi ko inisip ang relasyon namin bago ko ginawa yon? Tumayo na ako at naglakad palabas. Tinawagan ko si Zane para magpasundo. Siya na lang ang nacontact ko at available dahil busy ang iba kong tinawagan. Tulog na din pati si Travis. Dumating si Zane at nagmamadali siyang pumunta sa akin. Ako naman ay hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.

Sobrang pinagsisisihan ko ang nangyari.

Sobrang nasaktan ako sa pagkatapos ng relasyon namin ni Aaron.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kinabukasan ay hindi ako makatayo, nagising na lang ako na umiiyak na naman. Niyakap ko ang unan ko ng mahigpit at doon ibinuhos lahat ng sakit. Sa bawat patak ng luha ko ay puro ala-ala lang namin ang naiisip ko. Pinunasan ko ang luha ko noong may tumawag sa cellphone ko. Si Paris.

"I heard the news. Kumusta ka na?"

"Isn't it obvious that I'm not okay? By the way, kung pupunta ka dito. Can you buy me a pregnancy test. One month delayed na ako. Gusto ko lang makasigurado."

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now