Chapter 20

2.8K 67 2
                                    

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Hindo ko alam na nakatulog na pala ako pagkatapos ng ilang rounds namin. Ngayon ang flight namin papuntang South Korea. Nakita kong nageempake na si Aaron nang gamit namin.

"Good morning, wifey." Tumingin siya sakin at ngumiti. "Ang aga ko nagising. Excited akong pumunta sa South Korea na kasama ka. Alam mo naman na madalas din ako doon pero iba sa pakiramdam na kasama ka."

Ngumiti ako at umupo sa kama. Sinuot ko ang aking tsinelas at nagtungo sa sink para mag gargle at hilamos. Nalapitan ko siya pagkatapos at tinulungan. Tatlong araw na pala ang lumipas simula nung dumating kami dito sa Maldives at kailangan na namin magtungo sa South Korea.

Two hours before ng flight namin ay pumunta na kami sa airport. Hindi ko maitago yung excitement ko. First time ko sa Korea. Ang pangarap kong puntahan na bansa ay matutupad na. Ang alam ko ay halos 3 days and 2 nights lang kami doon.

Medyo nahihilo ako kasi may hang over pa ako sa pag-inom namin ni Aaron kagabi. Nakaupo lang ako at tahimik. Sumandal ako sa balikat niya. Biglang pumasok sa isip ko ang trabaho. Sa ngayon ay hindi ko pa naiisip kung saan ako magwowork after this. Dahil gusto ko na ng matinong trabaho. Utang na loob.

Nakasakay na kami sa eroplano at mabuti naman aang pwesto ko ay sa tabi ng bintana. Vlinovlog ko kaso ang mga nangyayari sa honeymoon namin. Vlogger na rin ako pero nagsisimula pa lang. Siguro ay nasa 1000 subscribers pa lang ako. Kinuha ko ang camera ko at nagsimula na ipakita ang loob ng eroplano. Tinignan ko si Aaron bago ko siya kuhanan.

"Say hi to my vlog babe!" Ngumiti ako.

"Hi! We're on our way to South Korea. This is our second trip. Stay tuned to our next vlog, okay?" Sabi niya. Inunahan ako. Ngayon ko lang siya pinakita sa vlog ko. Ayaw ko siyang gamitin dahil sa subscribers pero dahil honeymoon namin to. Pinakita ko na siya. Pinatay ko na ang camera.

"Akala ko ba ayaw mo rin magsalita sa mga vlog ko?" I pouted.

"Nagbago na isip ko. Tulungan na kita sa vlogs mo." Hinalikan niya ako sa noo. Napangiti ako. Umandar na ang eroplano at nagsimula na naman ako mabingi.

After 9 hours ay nakarating din kami sa South Korea. Direct flight kami. So, 9 hours din akong tulog. Hindi ko na nagalaw yung pagkain na ibinigay ng flight attendants.

Paglabas namin ng airport nagulat ako kasi may sumalubong samin. Bodyguards? Huh? Saan galing to? Kinausap ni Aaron ang mga bodyguards dahil sanay naman siya magkorean. Pinadala daw sila ni Ninang Niniana. Napanganga na lang ako. Grabe! Nahiya ako sa nangyayari. Sobra sobra na yung regalo nila saamin.

Sumakay na kami sa limousine. Napanganga na naman ako dahil first time kong sumakay at makakita ng ganito. Si Aaron naman ay parang normal na sakaniya. Siya ang mayaman na hindi mo alam dahil napakasimple lang niya.

"Hmm. South Korea, natupad na ang pangarap ko!" Sabi ko habang nakadungaw sa bintana ng limousine. Napakapresko ng hangin. Ibang iba sa Pilipinas. Pero mas mahal ko ang bansa ko.

"Are you happy?" Tanong sakin ni Aaron.

"Yes, sobrang happy ko." Tumingin ako sakaniya. "Babe, ayaw ko ng may bodyguard. Gusto ko tayong dalawa lang. Baka hindi ko maenjoy eh." Ngumuso ako.

Hinalikan niya ako sa labi. "Sige, sasabihin ko sakanila. Pwede pa din naman pero malayo sila satin. Mahirap na kasi, Babe. Pogi asawa mo." Napairap ako.

"Alam ko naman! Wag mo na ipagkalandakan sakin." Natawa kaming dalawa. Mahaba din ang biyahe. Huminto kami sa tapat ng isang hotel. F Hotel. Familiar to ha.

"Ibang klase. Sobra na ang regalo ni Ninong Franco at Ninang Niniana. Dito tayo sa hotel ni Ninong Franco." Sabi ni Aaron. Sabi ko na familiar ang pangalan. Grabe. Libre lahat! Excited na ako mag libot sa South Korea.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon