Chapter 23

2K 64 22
                                    

Comatose? I didn't know.

"Habang nakaCS ka ay nawalan ka ng heartbeat, nabigla daw ang katawan mo at nastress ka din. Nagulat kami na dahil lang doon." Sabi ni Aaron sakin.

"Ang mga bata?" I asked. Nilapit nila sakin ang kambal. Grabe naman. Ang taba ng mga anak ko. Napangiti ako. Isang buwan ko din silang hindi nakita. Ang laki na agad nila.

"Hindi pa namin pinamimili ng ibang gamit kasi gusto namin ikaw ang mamili para sakanila." Sabi ni mommy sakin. Hindi ko pa rin gustong maggagalaw dahil ayaw ko may kung ano man mangyari sakin. Ang dami pa rin nakakabit saakin.

"Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag-alala, Sofia. Hindi na ako nakatulog sa kakaisip na paano hindi ka na lang magising at iwan mo na lang din kami kagaya ng pag-iwan ng mga kapatid mo satin?" Pagsesentimyento ni mommy.

"Hindi naman po mangyayari 'yon. Hindi ko po papayagan na mangyari na mawala ako sa buhay niyo. Gusto ko pa naman po makita mga anak ko na lumaki at makapagtapos sa kolehiyo." Sagot ko. Dumating ang doctor and nurses para tanggalin mga nakakabit saakin pero ang dextrose ay nandoon pa rin.

"Hija, hindi ka na pwedeng mapagod at mastress. Alam mong may sakit ka. Ingatan mo ang sarili mo. Mabuti na lang at magaling akong doctor." Natawa si Doc Hideo. "In 3 days, pwede na kayo makalabas. And about sa bill, paid na siya."

"Yes po Doc. Pwede na po ba ako magkikilos?" Tumango si Dr. Hideo at umalis na matapos panggigilan ang kambal. Napatingin ako kay Aaron. "Sino nagbayad?" Kibit balikat na lang kaming naiwan sa VIP room. Baka isa sa mga ninong o ninang namin.

"Alam mo bang laging dumadalaw mga ninong at ninang natin dito? Lalo na si Prinsipe Franco at ang mga anak niya." Sabi ni Aaron. Napangiti naman ako sa narinig ko. Marami palang nagmamahal sakin. Noon ay buong akala ko habang buhay ako manghihingi ng atensyon sa mga kaibigan ko.

Dahan dahan ko iginalaw ang kamay ko medyo masakit pa siya dahil siguro sa isang buwan kong pagkaratay sa hospital bed. Ibinaba nila Aaron ang kambal sa higaan malapit sakin. Tinitigan ko sila. Hindi maipagkakailang anak namin dahil kamukhang kamukha namin ang mga bata.

Lumabas saglit si mommy at nilapitan ako ni Aaron. "Babe, akala ko hindi mo na ako babalikan, kami ng mga anak natin. Sobrang natakot ako. Hindi ko kinakaya sa araw-araw na makita kang parang lantang gulay na nakahiga." Hinaplos niya ang buhok ko. "Alam mo ba kahit na comatose ka? Nililinisan ka namin. Kasi alam naming ayaw mo na madumi ka at mabaho." Napangiti naman ako.

Dati lagi ko kinukwesyon ang sarili ko,

Hindi pa ba ako sapat? Ano pa ba ang kulang sakin? Saan ba ako nagkulang? May mali ba sakin?

Pero noong kinasal kami ni Aaron, I realized na sapat na pala ako at hindi naging kulang at walang mali. He made me realized that I'm enough and I'm worth it.

"Alam ko iniisip mo. Hindi ka naging pabigat samin. Okay? Ginawa namin 'to para sayo at sa ikabubuti mo. Wag na wag mo iisipin na pabigat ka, kasi hindi. Hinding hindi. Mahal na mahal kita. Mahal ko kayo ng mga bata." Ngumiti ako at niyakap siya.

"Sobrang saya ko at laking pasasalamat ko na meron akong Aaron sa buhay ko. Meron akong mommy at daddy. At dumating pa ang kambal sa buhay ko. Iniwan man tayo nila Travis, pero alam kong lagi silang nasa tabi natin. Mahal na mahal din kita, Babe."

Nahiwalay lang kami sa yakap ng pumasok si mommy na may dalang pagkain. Bumili pala siya ng paborito kong pagkain. Fried chicken sa isang sikat na fast food chain. Nagpasalamat ako at nagsimulang kumain. Sabi naman ni Dr. Hideo ay pwede na akong kumain pero dahan dahan lang daw. Habang kumakain ako ay nakatingin ako sa mga bata. Napatulog nila ang sarili nila. Napakaamo ng mukha.

Sa mga kapatid ko sana ay wag niyong iwanan ang mga pamangkin niyo. Gabayan niyo ang dalawa kapag hindi ako nakatingin. Alam kong nakabantay kayo sa malayo. Masaya akong nabigyang katarungan ang pagkamatay niyo. Masaya ako na nakasama ko kayo sa panaginip ko bago kayo pumunta sa liwanag. Paglabas ko ng hospital ay kayo ang una kong pupuntahan. Magdadala ako ng paborito nating pagkain na fried chicken at spaghetti. Ako na ang magluluto para sainyo.

Lumipas ang tatlong araw at sa wakas nakalabas na rin ako. Karga karga ko ang dalawa habang nakaupo sa wheelchair na itinutulak ni Aaron. Excited na akong maalagaan ang kambal at maipamili ng mga gamit nila. Gusto ko ako lahat ang mamimili, kahit na alam kong may gamit na silang pang new born. Sabi ko ay didiretso na kami sa bahay para makapagpahinga na rin kami. Sa bahay nila mommy kami umuwi. Nasa labas palang kami ay tumutulo na luha ko.

Napakasakit pa rin ng mga nangyari. Hindi ko pa rin pala tanggap. Maraming alaala ang nabuo sa bahay na 'to kasama ang mga kapatid ko. Ako ang tumayong magulang nila noong wala sila mommy. Pinunasan ni mommy ang luha ko.

"Alam ko anak. Mahirap pa rin tanggapin pero kailangan." Kinuha niya si Grisham sakin at pumasok na kami sa loob ng bahay. Nagulat ako ng may biglang pumutok.

"Welcome home, Sofie!" Lalo akong napaiyak sa nakita ko. Ang mga kaibigan ko. Pinagyayakap nila ako at ganon din ako. Namiss ko sila. Miss na miss ko sila. Nakita kong nag-iiyakan silang lahat.

"Buhay pa naman ako. Bakit kayo umiiyak?" Natatawa kong pinunasan ang luha ko. "Maraming salamat sainyo kasi hindi niyo kami pinabayaan. Maraming salamat dahil nandiyan pa rin kayo sa tabi namin. Sobrang saya ko at may paganito pa kayo para sakin. Sa katunayan, ay gusto ko na sanang magpahinga pero dahil nandito kayo parang gusto ko magsaya. Pakiramdam ko bigla akong lumakas dahil kumpleto kayo. Alam kong wala na mga kapatid ko, pero alam kong kumpleto tayo dito sa loob ng tahanan namin." Pumalakpak silang lahat.

Natutuwa akong makita silang masaya at nagkakasiyahan. Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapadede ko ang kambal. May gatas naman ako kahit papaano and sabi ni Doc ay safe naman daw ito. Iginala ko ang mga mata ko at puro masasayang alaala ang nakikita ko at naalala ko.

"Mahal, sobrang saya ko at okay ka na. Alam mo ba 'yang si Kuya? Halos hindi na makakain mabantayan ka lang. Ganda mo ha." Lumahad si Sydney saakin. "Bayad mo. Ako at si Cindere ang nag-alaga sa kambal habang sleeping beauty ka." Natatawa niyang sabi.

"Pamangkin mo 'to hoy. Kung makasingil ka diyan. Penge ako nung dala mo." Natatawa kong sabi.

"Sayo nga 'to. Siya nga pala, ano palang plano niyo? Sa America na ba kayo after dito o magpapahinga muna?" Nawala ang ngiti ko sa tanong niya.

"What do you mean?"

"Hindi ba nasabi sayo ni Kuya? Sa America na raw kayo titira eh. Kasama sila Tita. Sa katunayan ay ako pa ang nag-ayos ng bahay na titirahan niyo doon." Nagtataka ako.

"Wala naman silang sinabi sakin." Napatakip ng bibig si Sydney. Siguro ay naisip niyang sikreto lang 'yon. Umalis na siya at pumunta sa kusina kung saan nandoon ang asawa ko. Napatingin sila sakin at lumapit si mommy.

"Anak." Hinaplos niya ang buhok ko. "Alam kong tutol ka. Pero sana pumayag ka naman na sa America tayo tumira. Hindi naman natin ibebenta ang bahay na 'to. Dahil alam kong punong puno ng memorya ang bahay natin. Lalo na memorya nang mga kapatid mo."

"Sana bago po kayo nagdecide, nagtanong muna kayo sakin. Paano kung ayaw kong iwan 'tong bahay?" Sabi ko na parang naiiyak na.

Pinaliwanag naman sakin lahat ni mommy ang mga napag-usapan at naintindihan ko naman. Wala naman na akong magagawa dahil sila na ang nagdecide. Etong bahay namin ay magkakaroon ng care taker para mapanatiling malinis at maganda.

Planado na pala ang lahat. Pakiramdam ko ay napagkaisahan nila ako. Natawa ako ng pagak. Laban lang, Sofie. Makakaahon ka rin sa pagkalugmok.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon