Chapter 12

3.4K 60 1
                                    

Dumating si Paris na may dalang pregnancy test. ISANG BOX.

"Ang tagal mo, Bakla." I said.

"Sorry naman. Nakakahiya kayang bumili ng pregnancy test! Tinawagan ko pa si Zane para siya yung bumili ng pregnancy test mo na yan!" Sabi pa niya sakin habang inaabot yung pinabili ko. Pumunta na ako sa banyo pagkakuha ko sakanya ng box. Lahat to gagamitin ko. "Bilisan mo. Excited na ko malaman kung sino ama este kung buntis ka talaga!"

Agad kong ginawa ang tamang proseso kung paano gamitin ang pregnancy test. Napabuntong hininga ako. Kung possitive to ay ano kaya ang gagawin ko? Si Aaron, iniwan pa ako. Ang sabi sa instruction ay 5 minutes bago lumabas ang result. Lumabas muna ako ng banyo at napaatras ako sa nakita ko. Bumungad sakin si Cindere, Siena, Sydney at Paris. Hinahanap niyo ba si Arisha? Ayon. Nag-ibang bansa na.

"Ano ang balita?" Sabi ni Sydney. "Si Kuya, umalis na ulit ng bansa." Matamlay niyang sabi. Ngumiti lang ako ng mapait habang tinitignan sila. Hindi ko mapigilan lumuha. Kakabreak lang namin, umalis na kaagad siya ng bansa. Hindi na niya talaga ako kayang patawarin?

"Alam mo na kasing mali Sophia, ginawa mo pa. Alam mo ng nangyari na noon ginawa mo pa. Nagbago na kamo si Aaron. So ano pa ba ang dapat mong ikaloko? Bakit ka pa nagloko? Tapos ngayon ay iiyak ka? Ngayon ay magsisisi ka dahil sa kagagahan mo?" Dirediretsong sermon saakin ni Cindere habang umiiyak ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Guys." pinutol ni Siena ang tensyon sa pagitan namin ni Cindere. hawak niya ang isa sa mga pregnancy test. "Buntis si Sofie." Pinakita niya saamin ang pregnancy test. Napaiyak ako lalo.

"Ngayon, isipin mo kung sino ang ama niyang bata na yan. Iyong lalaki o ang kapatid ko?" Seryosong tanong ni Sydney. "Mahal naman kasi! Ano ba naman pumasok sa kokote mo!"

"Tigilan niyo na yan. Hayaan niyo na munang mag-isip si Sophia. Iwan na muna natin siya. Dito na din tayo matulog." Sabi ni Paris.

Buntis ako.

Buntis ako.

Alam kong si Aaron ang ama nitong ipinagbubuntis ko. Alam kong siya lang. Tinatawagan ko si Aaron sa viber pero hindi niya sinasagot. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero hindi niya ito sinasagot. Pinili ko na lang matulog. Hindi ko akalain na may dinadala na ako.

Kinabukasan nagising akong amoy mabaho. Pag gising ko ay may dalang almusal sila Paris.

"Dito ba kayo natulog? Ano ba yung umaamoy ang baho naman." Inamoy ko yung dalang breakfast nila Paris. Bacon, itlog at rice. "Ilayo niyo sakin yan. Ang baho." Tumayo ako at tumakbo sa banyo para sumuka.

"Naglilihi ka na yata, Bakla." Sabi ni Cindere na hinahagod ang likod ko. "Samahan ka namin sa OB Gyne." Tumango na lang ako at nanlalata ako.

Pinaligo na nila ako at aalis daw kami. Si Travis at ang mga bata ay wala dito sa bahay. Doon daw muna sila sa bahay ng mga Tita namin. Pumunta kami sa HC Medical City at naghanap ng OB Gyne. Luckily on duty ang OB Gyne.

"Good morning. I'm Dra. Miller. Maupo kayo." Naupo ako malapit sa doctor habang ang mga kaibigan ko ay nasa sofa. Nasabi ko na din na buntis ako. "Ilang buwan ka ng hindi dinadatnan?"

"One month po."

"Huling menstruation?"

"Hindi ko na po matandaan."

Madami pa siyang tinanong saakin at nasagot ko naman.

"Halika. Ultrasound kita."

Sumunod ako sakanya at inultrasound ako. Nakita ko ang baby ko. Blood or fetus pa lang siya. 2 months pregnant na ako. Nang matapos ako ay dumaan kami sa mall, nakatakip lang ang ilong ko dahil ang baho sa mall. Nagpumilit ang mga kaibigan ko na mamili na ng mga damit ng anak ko. Yung unisex dahil hindi pa namin alam ang gender.

"Sa Jollibee tayo kumain." Sabi ko. Pumayag naman sila. Gusto ko kasi ng manok. Nakapamili na din kami. Lunch na kaya kailangan na naming kumain ni Baby. Noong nasa Jollibee na kami ay hindi ko malaman kung ano nangyayari saakin. Ang baho. Hindi ko gusto yung amoy.

"Umalis na tayo. Hindi ko gusto dito." Naduduwal kong sabi.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Siena.

"Kahit saan wag lang manok." Sabi ko.

"Doon ka kasi nag-aya tapos aayaw ka." Sabi naman ni Cindere.

Hindi ko na lang sila pinansin. Habang naghahanap kami ng makakainan ay nakakita ako ng isang babae, buntis siya at kasama niya asawa niya. Napangiti ako. Sana kapag malaki na tiyan ko ay kasama ko na si Aaron. Sabi ni Sydney ay pumunta ng Australia at magpapalamig na muna. Nalungkot naman ako. Naisip ko din yung kasalanan ko.

"Si Sir Luis yon diba?" Sabi ni Paris. Napatingin ako sa direksyon na sinasabi ni Paris. Si Sir Luis nga. Kasama niya yung girlfriend niya. "Lapitan natin?" Sabi pa ni Paris.

"Huwag na! Para ka namang engot." Sabi ni Siena at nagbangayan na sila dahil sa "engot" thingy.

"Kapag nakita mo ako in public places na kasama ko ang girlfriend ko, tawagin mo akong Sir."

Siraulo ka pala eh.

"Ayaw ko ng nagmamano ka saakin kapag nakakasalubong mo ako."

Pero kapag nakakasalubong ko siya ay nagmamano ako. Ang ginagawa niya ay hahawakan lang niya ang kamay ko ng mahigpit. Napangiti ako habang naiisip ko yon.

"Nangingiti ka mag-isa. Sino iniisip mo? Si Sir?" Tanong ni Siena.

"Hindi kaya si Sir Luis ang ama ng dinadala mo?" Sabi naman ni Paris.

"Baka nga." Pag sang-ayon ni Cindere.

"Salamat sa suporta niyo. Nakatulong kayo mabawasan pag-iisip ko eh." Sarcastic kong sabi at nagtawanan pa sila.

Hindi ko iniisip na siya ang ama ng dinadala ko dahil...

Umiling ako.

Hindi pwede.

Ayaw ko.

Umuwi na kami dahil sinamaan ako ng pakiramdam. Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat ako sa nakita ko.

Sila mommy.

"Anak." Lumapit sakin si mommy. "Kumusta ka na?"

"Ayos naman po. Kailan pa po kayo umuwi?"

"Kanina lang anak. Sino sila?" Tanong ni mommy.

"Mga kaibigan ko po. Si Siena, Paris at Cindere po." Nagmano isa isa sila Siena.

Buti na lang ay hindi niya inusisa yung bitbit namin. Nakahinga kami ng maluwag. Nagbubulungan kami ngayon dito sa kwarto para hindi nila marinig ang pinagiusapan namin kung paano sasabihin sa kanila na buntis ako.

"Bakla! Sabihin mo na kasi na buntis ka!" Napalakas na sabi ni Siena. Tinakpan namin ang bibig niya. Sakto namang may kumatok at pumasok.

"Sino buntis?" Si Daddy.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now