Chapter 9

3.6K 73 2
                                    

⚠️ This is just a short update.

Zane Axl is calling...

Buti ay hindi napansin ni Aaron iyon at dinecline ko kaagad ang tawag niya. I turned on the Airplane Mode para hindi niya ako matawagan. I don't want to ruin my vacation. I know that I liked him before. But that was before. Nagkabalikan na kami ni Aaron wala ng dapat ibang lalaki sa buhay ko.

Maggagabi na ng bumalik kami sa Rina's Mansion at nagsimula na silang magluto. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Aaron para magpahinga. Nakakapagod maglibot sa burnham park. Mamaya after dinner ay babalik kami sa burnham park para naman sa night market. Ukay is the best kung magaling kang pumili at mamili. Naiidlip na ako ng naramdaman kong may tumabi saakin at niyakap ako. Tinignan ko kung sino. Napairap ako kung sino nakita ko, si Travis. Nakayakap lang siya saakin at hindi nagsasalita.

"Ano kailangan mo, Travis?" Masungit kong tanong sakanya. Kung tutuusin ay dapat talaga ko mainis ss kaharutan niya eh.

"Sorry na talaga ate. Wag ka na magalit. Bati na tayo ha. Alam kong galit o naiinis ka pa din kanina. Mahal na mahal kita ate." Mahal ko ang mga kapatid ko kahit na pasaway sila.

"Sige. Ayos na saakin yon. Wag mo ng uulitin. Sa harap pa talaga ng madaming tao mo ginawa yon. Hindi ako natuwa. Pero pinapatawad na kita." Niyakap ko siya at nakatulog na ako. Namalayan ko na lang na may kumikiliti sa paa ko. Pagkadilat ko ay nakita ko si Sydney. Nakangiti at sinabing kakain na kami. Bumaba ako at sinabayan silang kumain. Tinulungan ko din magligpit sila at nag-ayos papunta sa night market. Nagdala ako ng 1,000PHP para kung may mabili man ako.

Kasama ko sila Sydney at namili kami sa ukay. Nakaka 500PHP na ako at ang daming plastik na ang hawak si Aaron. Puro saakin. Napakagaganda kasi. May mga stuff toys pa kaming nakita at binili ko yon. Sobrang saya ko dahil sa halang 500PHP ay madami ka ng mabibili. Naglibot pa kami para maghanap ng makakainan. Nakakita kami ng korean stall ang doon kami kumain. Ang sarap ng fishcake! Pero mas masarap si Aaron. Tama! Mas masarap boyfriend ko.

1am na ng bumalik kami sa hotel na tinutuluyan namin at mga kanya kanyang higa na kami. Kami ni Aaron ay may sariling kwarto. Wala gusto nilang may sarili kaming kwarto. Pumayag naman kami. Gusto ko man may mang-yari samin kaso tulog na yung boyfriend kong malaki. Sumiksik na ako sakanya at natulog na din.

Gumising ako ng may ngiti sa mga labi. Paano ba naman kasi nakaamoy ako ng tuyo. Nagbaon pala sila ng tuyo. Napakasarap noon lalo na kung may atsara. Agad akong naligo at at nag-ayos para mamaya ay lilibot na ulit kami. Sabay sabay kaming kumain at mga nagsilabas na para mamasyal. Masarap pala sa pakiramdam ng ganito. Kasama ang mga kaibigan. Minsan ay tinatawagan ko sila Mommy thru video call.

Kinahapunan ay umuwi na kami dahil nabalitaan namin may paparating na bagyo. Mabuti na yung maingat. Madami din kami nabiling pasalubong. May mga 8 for 100 pa na pasalubong. May 12 for 100 na keychains.

Almost 12 na din kami ng makauwi paano ba naman ay nagkanda ligaw ligaw kami. Ewan ko ba naman kay Aaron. Nag-away pa kami habang nass biyahe. Pagkauwi ay pumasok na ko sa kwarto para magpahinga. Umuwi na din si Aaron dahil alam niyang hindi ko siya papansinin.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagcheck ng facebook ko. Nakita kong madaming chat si Zane. Inignore ko yon at nagoff na ng wifi. Maya maya ay tumatawag na siya.

"Hello! Ano ba?!" Pangbungad ko.

"Bakit parang binabalewala mo ko? Gusto lang naman kitang kamustahin eh." Sabi niya saakin.

"Ano ba kailangan mo?"

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Kita tayo bukas." Nagbuntong hininga na lang ako.. "Please?"

"Sige. Text mo sakin kung saan tayo magkikita. Pagod na ako. Gusto ko na magpahinga." Inend ko na yung call ng hindi nagpapaalam sakaniya. Binaba ko phone ko sa side table, at natulog na ako.

Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw. Masyado atang napasarap ang tulog ko. Pagtingin ko ay past 9AM na. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may nagtext. Nakita kong may text si Zane na address. Ah! Naalala ko na, nagusap kamo kagabi bago ako makatulog. 10AM niya ako pinapapunta sa bahay niya kaya mabilis akong naligo at nag-ayos. Napagalaman ko din kay Sydney na umalis daw si Aaron, out of town with friends daw. Hindi man lang nagpaalam sakin.

Mga 10:30AM papunta na ako kila Zane at hindi ko alam kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagdoor bell ako at sinalubong niya ako. Wala siyang suot na pang-itaas na damit. Nginitian ko siya.

"Come in." He smiled. Pumasok na kami sa bahay niya at bumungad saakin ang madaming pagkain. "Nagluto ako kasi gusto ko may makain ka pag punta mo dito. Tsaka ano.. birthday ko kasi." Napakamot siya sa batok niya kahit may konting pawis siya ay hindi alintana dahil hindi siya amoy pawis. Mabango.

"Tayong dalawa lang nandito?" I asked. Ang panget lang kasi na pumunta ako dito tapos kaming dalawa lang. Baka kung ano pa ang isipin ng ibang makakita saamin.

"Mamaya ay dadating ang mga kabarkada ko. Maupo ka muna maliligo lang ako tapos kakain na tayo." Tumango ako at naupo sa sofa. May kalakihan ang bahay nila at full glass ang bahay nila. Talagang nakakamangha. Mayaman pala siya hindi ko alam. Habang hinihintay siya ay inilibot ko ang tingin sa buong bahay nila. Mayroong malaking family portrait. So, may dalawa pala siyang kapatid na lalaki. I wonder where they are. Nakita kong bumaba si Zane ng hagdan at nagtungo saakin.

"Tara kain na tayo." Tumayo ako at sumunod sakanya. Nagkwekwentuhan kami habang kumakain. Napagalaman ko din na kabarkada niya si Sir Luis. Nasabi ko din na crush ko si Sir Luis. Natawa siya at sinabing fuckboy daw ang Sir Luis. I don't care. Crush ko lang naman siya eh. Pagkatapos namin kumain ay nanood lang kami sa living room nila hindi kami nagkikibuan. Ang awkward kasi. Napipikit na ako noong nagvibrate ang cellphone ko. Aaron is calling.

"Hello babe." Napatingin sakin si Zane at kumunot ang noo. Ewan ko kung ano pumasok sa isip neto at lumipat sa tabi ko.

"Where are you, Sophia?"

"Nasa bahay ng kaklase ko, babe." Nakatingin lang saakin si Zane at nagulat ako noong hinalikan niya ang leeg ko. Wtf.

"Sinong kaklase? Hindi ka man lang nagsasabi saakin." Nakapikit ako at nakakagat labi. Pinipigilan kong huwag umungol.

"Hindi mo kilala, Babe. Sige kakain na kami. I love you." Sabi ko at pinutol na ang tawag. Gagong Zane. Itinulak ko siya at sasampalin sana pero bigla akong nanghina at nahilo. Wtf? Humiga na lang ako at hindi siya pinansin. Nakatulog na ako at hindi ko na alam ng nangyari.

--

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now