Chapter 3

5.6K 115 13
                                    

Pangarap kong maging guro. Bata pa lang ako. I don't know why. I'm not that good in explaining. I just want to help the others. Those people who can't go to school.

Time really flies. It's already December 20. 5 days before christmas. Christmas shopping! I love shopping!

"Gumayak na kayo mga anak. Aalis na tayo ng 9:00. Alam niyo naman na madaming tao. Hihintayin na natin magbukas ang mall." Sabi ni Mommy.

7AM pa lang ng umaga. Nakaupo kami lahat sa living room. Si Anastacia at Adelaide ay nakasimangot pareho. Hindi ko ba malaman sa dalawang to. Mga dalaga na ganoon pa umasta. Nakakainis. Binebaby kasi nila Mommy. Kaya isip bata pa.

"Hoy. Kayong dalawa. Ayusin niyo mukha niyo. Nakasimangot na naman kayo." Hinampas ko hita nila. Natawa naman si Travis kasi pinagalitan ko na naman yung dalawa. Umiyak naman si Adelaide.

"Mommyyyyy! Si Ate!" Nagpapadyak siya doon. "Hinampas ako!" Iyak ng iyak. She's only 10 years old. Adopted siya and she knows about that. She's 4 years old noong mapunta siya saamin. Tanggap naman namin siya. Tinuring na namin siyang kapatid.

"Sophia naman. Ikaw pinakamatanda. Ikaw pa nagpapaiyak sa kapatid mo." Napangiti na lang ako. Hindi kasi ako nakikipagtalo.

"Sorry po, Mommy. Mauna na po akong gumayak." Pumanik na ko sa kwarto at naligo na. Napakanta kanta pa ko habang naliligo.

"Ateeeee!! Bilisan mo diyan! PaCR ako. Okupado lahat ng CR eh!" Si Adelaide. "Ateeeee! Ihing ihi na ko!"

Diyos ko tong batang ito. Binuksan ko yung pinto ng banyo. Mabilis siyang pumasok sa banyo at umihi... sa sahig.

"Bwisit ka Adelaide! May inidoro naman sa sahig ka pa umihi! Nakakainis!" Binuhusan ko siya sa inis ko at tuwang tuwa naman siya. Tinuloy ko na at  pinaluguan na lang siya.

"Ate. Kailan ka magboboyfriend ulit?" Out of the blue she asked me that question.

"Soon. I'm not yet ready for that. Masakit pa din kasi yung break up namin ni Aaron." Hindi ko namalayan na nasasabunutan ko na pala siya.

"Aray ko ate! Masakit!"

"Ay sorry. Naalala ko kasi panloloko sakin ni Aaron. Basta hindi muna ako magboboyfriend. Kaya ikaw! Wag na wag ka magboboyfriend! Magboyfriend ka kapag successful ka na at nakita mo na talaga yung tamang lalaki para sayo. Okay?" Sermon ko sakaya.

"Oo na ate!" Nakanguso na naman. Feeling cute. Pero cute naman talaga siya.

Grabe ang daming tao! Hinawakan ko mabuti si Adelaide. Habang si Travis hawak si Anastacia. Walain kasi si Anastacia kahit na dalaga na siya. Ewan ko ba sa babeng ito!

"Walang magtuturo ng hindi importante. Walang hihiwalay." Paalala ni Daddy at nagsimula na kaming maglibot. Siksikan ang mga tao. Diyos ko po! Kung sana lang ay isa akong Prinsesa. Ipapasara ko ang mall para lang makapag shopping ako.

Bili dito. Bili doon. Kung anu-ano na nabili nila. Kaninong bulsa nakawawa? Sakin at kay Daddy. Buti na lang talaga at may trabaho ako at nakakuha na ko ng 13th month pay at bonus ko.

It's christmas eve! Nakaugalian na naming mag gift giving every 24 ng gabi. Bumili ako ng gifts para sakanila. I'm not expecting na may matanggap ako from them.

Nagbigayan na kami ng gifts atsaka kami kumain. Ang daming handa. Hanggang bukas na to, sigurado ako. Hahaha. Nagvideo call kami nila Arisha to celebrate our Noche Buena together. Nasa kanya kanya silang province habang kami nandito lang sa bahay namin. Sila Tita kasi ang umuuwi sa bahay.

Nagfacebook ako bago matulog. Nakita kong may message na naman etong si Vren. Bahala ka nga diyan. Sinearch ko na lang Mr. Aguillanes. Gotcha! Hihihi. Alam kong bawal, pero walang masama kung itrtry kong iadd. Inadd ko siya patid na din yung kakambal niya at hindi ako inaccept. Hays. Followers na lang. Hihi. Pinatay ko na wifi ng phone ko at natulog.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now