Chapter 7

4.4K 79 9
                                    

"Sophia. I like you."

Ulit ulit kong naririnig sa isipan ko ang sinabi ni Zane habang nasa klase kami. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Nakakaloka!

"Hey, Sophia! Naabduct ka na ba ng Alien?" Nagulat ako ng may bumatok sakin. Ay punyeta.

"Aray! Punyeta! Sino ba yon?!" Sigaw ko. Natauhan ako bigla sa ginawa nila. Paglingon ko ay nakacrossed arms ang tatlo na nakatingin sakin habang nakataas ang kilay nila.

"Kanina ka pa namin kinakausap. Nakailang tawag si Ma'am sayo hindi ka nagrerespond kanina. Tapos etong si Daniel malapit ng mapaos kakakausap sayong bakla ka!" Talak sakin ni Cindere. Hay jusko. Ano ba ang nangyayari saakin. Bwisit kasi na Zane yan! Bigla na lang magsasabi ng ganon. Tinignan ko si Zane Axl ng masama. Nakangisi siya halos mawala na yung mata tapos yung malarabbit niyang ngipin inilabas pa. Walangya! Hinampas ko na ng libro si Vren para matigilan siya.

"Punyeta ka, Zane! Bigla ka na lang nagsasabi ng ganon. Lumipad utak ko sa galaxy!" Paulit-ulit ko siyang hinampas hanggang sa awatin nila ako. Nakakabwisit!

"Sofie! Ano ba yan. Ano ba sinasabi mo diyan?!" Sabi sakin ni Siena habang hawak hawak niya ang kamay ko.

"Eto kasing si Zane! Napakawalangya! Bigla na lang nagsasabi na gusto niya ako! Eh may boyfriend naman ako!" Nagpapadyak pa ako habang sinasabi yon.

"Ano naman masama don? Sige na. Aalis na ko. Baka malate pa ko sa klase ko. Bye, Sophia!" Tumayo si Zane at lumakad na palabas ng room.

"Nakakaloka ka, bakla. Zane na yon! Zane na. Aayawan mo pa. Like ka lang naman! Wala namang gagawin na masama." Usig pa sakin ni Paris. "Tsaka sa pagkakaalam ko eh..." Tumigil siya. Nakatingin lang siya samin at ganoon din kami.

"What?" Sabi ni Cindere. Yieh, curious.

"Wala nevermind." Tumalikod bigla si Pariz at kinuha yung gamit niya. "Halika na!" Aya niya samin..

"Sa pagkakaalam ko famous si Zane. Hindi lang siya pinagkakaguluhan dito. Kasi sa ibang scho sikat din siya." Sabi naman ni Siena. May pagkachismosa naman pala ang mga friendship ko.

Mabilis ang oras ngayong araw at uwian na namin. Nakita kong nakaabang si Zane sa tapat ng room namin. Sige, wala namang masamang gagawin. Makikipagkaibigan na ako sakanya.

"Hi." Bati niya sakin pagkalabas ko ng room namin.

"Hello, Zane." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko. Ang pabebe ko sa part na yon. Taena. "Sino hinihintay mo? Mukhang kanina ka pa naghihintay." Ngumiti ako pagkasambit non.

"Ikaw ang hinihintay ko Sofie. Gusto ko sana sabay tayong umuwi. Napag-alaman ko kasi na sa parehong subdivision lang tayo umuuwi. Tara?" Nauna na siyang maglakad at hindi na ako hinintay pa. Ay iba talaga si Kuya niyong Zane. Sumunod na lang ako sakanya at tinext ko si Aaron na wag na akong sunduin dahil kasabay ko ang kaklase ko pauwi. Pumayag naman siya kasi may lakad naman daw siya at hindi niya ako masusundo.

Naglakad kami papunta sa parking lot at huminto sa tapat ng isang kotse... Kotse niya. Mustang. Mustangina. Yayamin! Nanlaki mata ko sa nakita ko eh. Eto ang gusto kong sasakyan! Mirage lang kasi ang sasakyan ko pero ayos na din yon. Tumingi ako kay Zane.

"Sayo itong kotse?" Ibinalik ko sa kotse yung tingin ko. Wala akong narinig na sagot mula sakanya at binuksan na lang yung passenger side. Sakanya nga. Nang sumakay ako ay sumakay na din siya. Ang ganda talaga neto. Inggit si Ma. Sophia S. Alvarez.

May kalayuan din ang subdivision namin sa USE. Kaya naisipan kong buksan umidlip muna. Awkward pa din kasi lalo na sa sinabi niya kanina. Nagising na lang ako ng may humawak sa pisngi ko. Pag dilat ko ay nakita ko siyang malapit na sakin. Napaatras ako kahit alam kong wala naman ng aatrasan.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon