Chapter 18

4.1K 56 1
                                    

Pagkatapos ng kasal namin, kinabukasan ay agad na kaming bumiyahe patungong Maldives. Sobrang excited ko. Sayang lang at wala na ang baby girl kong si Syvel. Hindi man lang niya nasilayan ang mundong ito.

"Excited ka na ba, Mrs. Brooke?" Hinawakan ni Aaron ang kamay ko habang magkatabi kami sa upuan ng eroplano. Nasa may bintana ako at hindi ako sanay ng wala sa may bintana.

"Sobrang excited na ako." Ngumiti ako ng sobrang lapad pero may halong kaba dahil unang beses kong pumunta sa ibang bansa.

Plano talaga namin ni Aaron ay sa Palawan lang kami maghohoney moon pero ang Ninong namin na si Ninong Francois Danizel Aguillanes ay pinapili kami kung gusto raw ba namin sa Maldives or Palawan? Dahil sasagutin daw niya lahat. Etong si Aaron naman ay walang pakundangang sinagot si Ninong Franco na sa Maldives na lang. Actually, hindi lang Maldives eh. After namin sa Maldives pupunta pa kaming South Korea. Sagot naman ni Ninang Niniana Velaroza. Grabe naman po talaga ang sponsor namin. Sobrang mga galante. Kaya grinab na lang namin yung mga offers nila. Gusto daw nila ay gawang international ang baby namin.

Habang nasa biyahe kami ay kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. What I mean is this is our first day bilang mag-asawa. Sabi kasi nila na sa isang relasyon daw ay mas nakikilala ang isa't isa kapag nagtravel together. Nakakatakot na baka may hindi magustuhan si Aaron sa ugali ko. Or whatever. Saglit lang naman ang biyahe patungong Maldives lalo na at ang private plane ni Ninong Franco ang pinagamit samin. Grabe! Iba talaga kapag prinsipe.

"Good morning. I'm Karen, and I'm the one who's in charge on your stay here. If you need anything, you can call me. Just press the blue button in your room. Follow me, and I will give you a quick tour. By the way, I'm a Filipino, too." Ngumiti siya samin. Habang nagsasalita siya ay kinukuhanan ko ng video ang bawat pinupuntahan namin. Ilalagay ko sa vlog ko. Natuto akong magvlog dahil kay Ms. Irish. I'm a fan.

"Dito po ang room niyo." Napanganga ako sa nakita ko. "Ito po kasi bilin ni Prinsipe Franco. Ang bigyan kayo ng pinakamahal na kwarto at kailangan ko po kayong iassist 24/7." Napakamot ulo kami ni Aaron. Hay nako.

Ipinasok nila ang gamit namin, at naupo ako sa kama. "Ang laki at ang lambot naman. Sobra naman pala sa galante ni Ninong. Binigyan na nga ako ng scholarship noon eh." Napatawa ako kapag naalala ko.

"Paborito ka eh. Lagi ka kasing Dean's Lister. Hindi lang halata." Sinamaan ko siya ng tingin. "Chill, babe. Bihis ka na. Kakain na tayo breakfast and lunch sa pool."

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Breakfast sa pool! Agad kong kinuha ang two piece swimsuit ko at nagpalit. Napanganga si Aaron sa nakita niya.

"Grabe. Ang sexy mo! Ibang iba talaga tingin ko sayo ngayon. Ikaw na lang kaya kainin ko?" Sabi niya.

"Babe naman! Baka may makarinig sayo eh. Nakakahiya." Hinampas ko siya ng unan. Hindi pa rin ako sanay sa mga banat ni Aaron sakin. Lagi siyang ganiyan simula kagabi pagkatapos ng kasal namin.

"Oh, bakit? Mag-asawa naman na tayo. Ano nakakahiya doon? Kinakahiya mo na pala ako. Hindi ko alam. Kung kailan naman mag-asawa na tayo." Nagtampo kuno pa siya. Akala naman niya susuyuin ko siya. Lumabas na ako ng kwarto namin at dumiretso sa pool kung saan kami kakain ng breakfast and lunch. Habang naglalakad ako ay iniisip ko na kung ano ang mga nakalagay sa menu at kung ano kakainin namin. Sana may kanin at steak. Malakas ako kumain pero hindi ako tumataba.

Tumalon ako agad sa pool ng walang sabi sabi. Ligong ligo na ako sa totoo lang. Ang lagkit sa pakiramdam. Hinintay ko si Aaron dahil paparating na din naman ang pagkain namin. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong hindi maganda sa aking paningin. Napairap ako. She's walking towards my husband at may nakita akong nakasunod di sakaniyang lalaki.

"Sofia Denise Tan?" Tanong ni Aaron. Matalas pandinig ko sa mga ganiyan. "Is that you?" Ngumiti yung babae.

"Yes, it's me. Who's with you?" Lumingon lingon siya. Nagtago ako ng konti sa hindi niya pansin. Nakita kong parang hinahanap ako ni Aaron.

"I'm with Sofie. Honeymoon namin. Kakakasal lang namin kahapon." Nawala naman ngiti ni ate girl.

Tinawag ko na si Aaron dahil lalamig na ang pagkain. Lumapit naman siya sakin. Piningot ko siya pagkalapit niya sakin. Nakakabwisit kasi kung makatingin. Ex na nga eh. Nilingon ko yung ex niya at nakatingin samin. The audacity of that girl to look at my husband.

Hindi ko kinikibo si Aaron at nagsimula na ako kumain. Grabe, unang araw pa lang. Nabwisit na ako. Paano pa kaya sa mga susunod na araw

"Ano nangyari sayo? Bigla ka sinumpong ng topak." Lambing sakin ni Aaron. Hindi ko siya pinapansin. "Babe." Hinalikan niya leeg ko.

Diyos ko! Hindi makatiis ang mokong. Tinulak ko siya ng konti para makalayo.

"Talagang makatingin ka eh from head to toe? Miss mo?" Mataray na sabi ko sakaniya.

"Sabi na may nagseselos na asawa eh. Ano ka ba! Nanibago lang ako sakaniya. She never wear two piece." Natatawa ako na may halong inis.

"Okay, sabi mo eh." I smiled. Natapos na kami kumain at nagswimming na kaming dalawa. Solo namin ang pool dahil utos ni Ninong Franco na kailangan ay masolo namin ang bawat sulok ng Maldives. Ibang klase diba? Parang kailan lang ay napaniginipan ko siya at crush ko siya, ngayon ay ninong ko na siya.

Pagkatapos namin kumain ay nagswimming na ako. Gusto ko lumangoy ng lumangoy hanggang sa makauwi na ng Pilipinas. Napapansin ko lang ha? Simula noong nawala ang anak ko sakin ay nag-iba ugali ko. Hindi na ako kasing saya ng dati. Siguro ay hindi pa ako nakakamove on sa nangyari.

Pumunta ako patungo kay Aaron at nagulat siya dahil hindi niya alam na nasa harap ko na siya. Tulala siya sa dagat.

"I like the view." Sabi ko.

"You do?" Sumagot siya. Parang alam ko na ang ganitong sistema.

"Yes. I'm your best view." Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi. "I love you, Mister ko. You are the best. Ano iniisip mo? Mukhang malalim. Muntik na akong malunod."

"Iniisip ko lang kung hindi ka sana nakunan ay kasama na natin siya." Ngumiti siya sakin at yung ngiti niya ay hindi masaya. May halong lungkot.

Niyakap ko siya. "I know babe. Walang may kasalanan. Kasama naman natin siya. Nasa puso't isip natin siya at may angel na tayo." Sabi ko sakaniya. Kahit papaano ay naramdaman kong umayos ang pakiramdam niya. "Gagawa naman tayo kapatid niya. Huwag ka mag-alala." Pasunod ko pa.

"May naisip na nga akong name eh. Kapag lalaki, Andrew. Kapag babae, Yulia." Natawa naman ako sa sinabi niya. Tumango na lang ako. Hindi na ako umangal pa. Dahil iyon naman ang gusto niya. Maghahapon na noong bumalik kami sa room namin at namahinga. Napagdesisyunan naming sulitin talaga namin ang Maldives.

Humiga siya sa tabi ko at niyakap. Unang araw na mag-asawa kami. Akala ko ay hindi na kami sa huli dahil sa mga ganap namin sa buhay. Sobrang saya ko na siya na pala ang huli ko.

[Crossovers:

Characters of ArishaBlissa

Francois Danizel Aguillanes
Niniana Velaroza

Character of gorgyjell
Sofia Denise Tan]

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon