CHAPTER 30

3.3K 82 19
                                    

"IT'S STILL NOT DEFINITIVE na ang tatay niya ang may gawa ng nangyari." Sabi ni Alpha sa kanila ni Kairos.

She was half praying and wishing na sana ay hindi naman ganun kawalang puso ang tatay niya. Mikee did not want to hate him that much. Wala naman siyang kasalanan dito other than living.

"May mga nag-iimbestiga pa pero right now, walang kahit na anong koneksyon kay Senator." Medyo gumaan ang paghinga niya doon. Mikee really did not want her father to be the root cause of what happened. "Pero wala pa din kaming balita kung saan napunta ang isa sa mga gumawa nito kay Mikee, both of them are on the loose now."

Ilang araw makalipas sa insidente ay nagising yung naiwang lalaki, yung napuruhan ni Alpha. They thought that they can force the truth out of him or at least pay him enough to tell them who ordered them to do it pero nawala ito biglaan sa ospital. Ibig sabihin lang nun ay planado ang lahat at may mga taong nakabantay lang sa paligid nila.

"Salamat Kuya sa pagtulong sa amin sa paghahanap nung nagsunog ng building. Gusto ko lang talaga malaman kung tungkol sa saan ang ginawa nila. Wala naman kasi akong matandaang tao na may nagawa ako para pagplanuhan na patayin ako o masaktan." She sighed, hindi niya talaga maisip kung ano ang rason ng lahat ng ito.

"You're part of the family, same kind of security applies to you. We won't let anything happen to you." Paninigurado nito sa kanya. "Besides, Kairos and Meg keep nagging me, not that this isn't my free will."

"Balitaan mo kami kung may developments okay?" Bilin ni Kairos sa pinsan.

"Oo naman." Tumayo na ito at nagpaalam, madami pa din daw kasi itong aasikasuhin.

"May sinabi ba sila sayo when they attacked you?" Tanong sa kanya ni Kairos nang maihatid nila sa pintuan si Alpha.

"Nothing too specific, ang alam ko lang talaga ay may nag-utos sa kanila kasi may tinawagan sila at sinabihan na hawak na nila ako and they told me themselves too." Ilang beses na niyang ni-replay sa utak niya ang gabing yun. She wanted to understand what had happened too. She wanted to know what terrible thing she did to deserve that. "Paano kung malaman na natin kung sino ang may gawa noon? Gusto ko lang malaman kung ano yung napakalaking kasalanan ko at nagawa niya yun."

"You did not do anything wrong, naniniwala ako sa sinasabi mo na wala kang ginawang masama. I know you, you won't do anything to warrant that much retaliation." Inalo siya ni Kairos.

"It just bothers me." Bumuntong hininga siya.

"It kind of worries me that this is because of me, the business. Madaming tao ang may galit din sa akin." He said.

"Huwag na nating isipin, let's not assume until we really know. Tayo lang ang mahihirapan sa pag-iisip." Mikee smiled.

Hindi niya kasi talaga maisip kung papaanong nangyari sa kanya ito. She vividly remembers when those men said na hindi na siya makalalabas ng buhay sa opisina niya ng gabing iyon.

"Okay." Kairos smiled nang haplusin nito ang buhok niya. "Focus on your recovery, okay?"

Tumango naman siya, Kairos has been this angel towards her this whole time. Hindi niya alam kung paano niya pa mahahandle to without him by her side.

***

"Alam mo miss, malas mo lang." Tumawa ang kalbong lalaki na nagtatali ng mga kamay niya. "Bakit mo kasi ginalit yung nag-utos nito sa boss namin?"

"Wala akong ginagawa! Bitawan niyo ako!"  Patuloy na pagpipiglas niya.

"Kahit sumigaw ka, di ka naman maririnig sa labas eh. Ngayon na ang huli mong gabi. Pasensyhan na lang, napag-utusan lang." Sabi naman nung isa nitong kasama.

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now