CHAPTER 10

2.9K 83 15
                                    

"YOUR FEVER WAS almost 40 degrees, hindi joke yun! You called him first tapos hindi ka man lang niya napuntahan?" Meg was furious habang palakad-lakad sa tabi niya. She has an IV drip on her as instructed by the doctor.

"He called Ate Bobbie and he sent me your family doctor." She smiled. "Okay naman ako, lagnat na lang naman."

She was diagnosed with mild pneumonia and was advised to stay at the hospital for at least two days dahil na din may respiratory issues siya. Tinawagan niya si Kairos but he was in the middle of a sudden meeting in Cebu. Hindi naman kasalanan nito na hindi siya nito napuntahan. Ang nobyo niya actually ang tumawag kay Bobbie para puntahan siya. She was the closest to her place kaya naman pumunta ito at ang asawa nito to get her. Kairos saved her in proxy.

"But!" Omega stomped her foot, nagulat nga silang dalawa nung doctor. "Naiinis pa din ako. So what kung may meeting siya? My boyfriend would come running kung ako ang may sakit ng ganyan."

"My boyfriend isn't like your boyfriend and I wouldn't change him." The words rolled out of her mouth easily. "At nasa Cebu siya hindi sa Makati. Relax."

"Halata naman," finally ay umupo na si Meg sa paanan ng kama niya. "Kamusta siya doc?"

"She's doing well, her latest x-ray hasn't come out yet kaya naman hindi pa ako makapag-recommend ng iba pang mga gamot. Mabuti na lang at mild pneumonia lang. Asthmatic pa naman siya." Chineck uli nito ang IV bago nagpaalam sa kanila. "Aalis muna ako. Babalikan kita mamaya when I get the results."

"Salamat po," she smiled and the kind old man left.

Hindi nanaman maipaliwanag ang mukha ng kaibigan niyang ito. As always, ito ang nadidis-appoint kaysa na siya. She's not expecting anything from Kairos. This is enough, kahit na ganito lang okay na siya.

Minsan gusto niya maging totoong girlfriend, yung normal, hindi yung palaging ang feeling ay para siyang naglalakad sa eggshells pero this is enough. May napansin naman talaga siyang pagbabago sa relasyon nila ni Kairos. He's more open with her now and he's receiving more of her feelings as days go by. Hindi nga ba at pinaghihirapan naman dapat lahat?

***

"Kai-" naubo nanaman siya. She woke up today with a very bad cough at feeling niya may lagnat siya kaso wala naman siya thermometer sa bahay. Ang lamig din ng pakiramdam niya and her stomach feels upset too.

"Mikaela, anong nangyari sayo? You sound terrible." May kaingayan ang background nito. Mukhang madaming nag-uusap-usap.

"I feel terrible. What do I do? Uminom na ako ng gamot, paracetamol lang kasi sobrang sakit ng ulo ko." Then she coughed again. It was getting difficult to breathe lalo na at asthmatic pa naman siya.

"Nagpaulan ka kasi kagabi." Natahimik ito bigla and she heard him mumble excuses before his background became silent. "Can you call Omega? Or Delta? Call Bobbie also. Alam mo ang mga number nila. You're making me worry."

"I'll just sleep again." Hinahalughog niya ang bag niya para sa inhaler niya. "Ikaw lang ang naisip kong tawagan."

"I'm in Cebu. I had to rush here this morning." Nagsisi tuloy siya na ito ang tinawagan niya. Naistorbo pa niya ata ang trabaho nito. "Go to a hospital first. May malapit na ospital sa bahay mo. Do you know the directions? Can you drive?"

"I'm okay, wag mo nang isipin." She tried to sound a bit better but her cough just gave her away. "Naglambing lang ako. Akala ko nasa Manila ka."

"This is not a joke now Mikaela. Go to a hospital." May diin sa boses ng lalaki.

"Huwag na-"

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now