CHAPTER 13

2.8K 91 17
                                    

IT HELPS THAT everybody knows her already because in one event or the other ay nakasama na siya ni Meg o ni Delta. She's probably closest here sa nanay ng mga ito, si Tita Anna. She's been like a mother to her these past few years and she's thankful for all of that. She somehow felt like she had a family to belong to dahil sa mga ito.

"Oh darling," bati sa kanya ni Rosanna San Vicente, ang nanay nina Alpaheus, Omega, at Delta San Vicente. "I'm so glad na ikaw ang girlfriend nitong si Kairos. At least ikaw alam namin na gusto mo talaga siya. Unlike some girls that go after him kasi San Vicente siya."

"Ay, thank you po." She smiled.

"Sayang at hindi ka kay Alpha nagkagusto." Pabirong sabi nito sa kanya ng maupo sila sa dining table. "You could've straightened him out, masyadong mainitin ang ulo at babaero."

"Kuya Alpha is a good person Tita," naupo na din sa tabi niya si Kairos. "He'll find someone."

"Ay sana nga, yung mapapatino siya," the old lady can only sigh. Natatawa na lang siya kasi ito ang palaging dilemma ng ginang. Alpha is hot-headed but he loves his family dearly and he protects them with all that he can.

Nasa mahaba silang dining table ngayon. The table comfortably sits all twenty of them, imagine the grandeur that this home is. Nakaupo sila ni Kairos malapit sa mga nakakatanda. Kanina pa nga ang mga ito na nagtatanong sa kanya, sa kanila.

Lahat sila ay interesado talaga sa kanila, lalo na kay Kairos kasi he never really had a girl that he introduced to his family. Oo at nagkakaroon ito ng mga girlfriends pero walang nakarating sa bahay nila, except maybe her sister, Aurora, na apparently ay naging nobya ni Kairos noon.

"So how did this happen, paano naging kayo?" Tanong ni Almira San Vicente-Piedravino, ang nanay naman nina Athena, Arthur, Alistair, at Arslan.

"Uhm," napangiti lang siya. Paano ba niya sasabihin na iniyakan niya si Kairos tapos para tumigil siya kanga lasing na lasing siya ay pumayag na ito then here they are several months later. "Nung birthday po ni Delta –"

"I asked her to be my girlfriend when I brought her home that night, auntie." Napalingon siya kay Kairos, he's been quiet the whole night pero nagsalita ito ngayon. "Gusto mo ba ng shrimp?"

"Ah, oo." Tumango siya ang Kairos placed some already peeled ones on her plate.

"We're happy na si Mikee ang dinala ni Kairos dito ngayon." Sabi ng tatay ni Kairos na si Rafael San Vicente. It's high praise na ang mismong patriarch ng mga San Vicente ang nagsabi nun. "Kampante kami sa pinili mo anak."

"Oo nga Kuya!" sang-ayon naman ni Atalia na nasa may gitna banda. "I love Mikee, complete contrast diyan sa cold and brooding exterior mo."

"He even told me kung ano ang mga hindi pupwede kay Mikee," natatawang sabi ng ni Kamila. That made her heart feel warm, Kairos always looks out for her. She should take care of him more lalo na at sinusubukan niyang kuhain ang puso nito. "I am amazed with all the changes I see, I like them. I can finally see my only son in love."

Nasamid naman siya sa sinabi nito. Is he? Hindi ba at ganito naman na sila noon pa? He takes care of her and notices her movements lalo na kapag magkasama sila o nasa paligid siya. He cares for her like how he cares for his sisters and cousins. It might be a bit more now and somehow she can sense naman na may kaunting nagbago na sa pagtingin nito sa kanya but he doesn't say a word. He seems to just tolerate and care for her at the same time.

"Water," abot sa kanya ng nobyo.

"Thanks." She said as she accepted the glass of water.

"And, balita ko nga din nagbalikan ka mula Cebu to Manila and back when she was sick." Singgit naman ni Cleo. Malamang ay kinuwento na din ni Meg iyon. Hindi pa naman kasi niya nasasabi kahit na kanino ang source of kilig niyang yun eh.

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now