CHAPTER 9

3K 76 27
                                    

"HE'S TAKING ME to the car dealer today," masayang sabi ni Mikee kay Meg habang nag-aayos. "Sasamahan niya akong i-finalize yung sale and pick up."

"Car dealer? Jusko, akala ko naman kung saan ang date ninyong dalawa. Bibili ka lang ng sasakyan pero ganyan ang suot mo?" Natatawang sabi sa kanya ng kaibigan.

Dito kasi ito natulog kasi nga chinicheck daw nito kung nagpupunta ang pinsan nito doon. Akala mo naman may kung anong Rated-19 silang gagawin ni Kairos when she's really just seen him a couple of times over the course of their still short relationship.

Totoo nga ata ang sabi ni Kairos, he doesn't have time for anyone else in his life. But she won't demand anyway. She won't want to ask for more than what he already gave. At least ngayon kahit na papaano may karapatan na siyang tawagan ito, i-text, o makita man lang. She does not need to trust on fate anymore so that their paths cross. Okay na siya sa ganito. She will enjoy it as long as Kairos allows her to.

"Kahit saan ako dalhin ni Kairos, date na yun para sa akin." She focused on her slightly damp hair, then on her plain pink colored lips. "Kaya kailangan prepared ako and pretty."

"Gusto ko talagang malaman ang puno't dulo ng pagkagusto mo kay Kuya. I mean, intense eh." Naiiling na sabi nito sa kanya. "But don't you think a white halter dress is just too much when you just want to get a car?"

"OA ba?" She asked.

Kanina nung pinili niya ang damit niyang ito ay parang okay lang naman. She felt girly and pretty at the same time. A modest portion of skin is exposed. A lot of girls wear these and in much shorter lengths, mahaba pa nga yung kanya eh. Besides, her long hair is covering her back anyways. Looking at the mirror, she thinks she looks presentable.

Then the doorbell suddenly rang. Mukhang napaaga si Kairos. Nako, no time to change kasi sayang ang oras nito kung mamimili nanaman siya ng damit at mag-aayos ulit. She's a girl after all, kailangan niyang mag-ayos talaga lalo na at para kay Kairos yun.

"Ako na magbubukas," Then Meg was off to the living room.

Mikee took one look last look at herself in the mirror. She decided na uso naman na ang ganitong mga damit ngayon sa Pilipinas at hindi naman bastos tingnan. Kaya naman pinaresan niya na lang ito ng itim na canvass shoes para di ganun ka-pormal.

"Hey, tara na?" Nadatnan niya si Kairos sa sala na nakasuot lang ng casual lang na damit. She may still be a bit too overdressed with how laid back he looks right now.

"What are you wearing?" He asked.

"Damit," natawa siya.

"Hay nako Kuya, umalis na kayo. Akala ko naman kung anong date to, bibili lang pala tong loka-lokang to ng sasakyan." Meg said.

"Date? We're just going to pick up your car diba?" Hindi naman kasi niya binaggit na gusto niyang makipag-date dito. Minsan kailangan na lang niyag utakan ito.

"Date na yun, kakain din naman siguro tayo diba? Kahit sa isawan, okay lang ako. Basta kasama ka." Kinindatan niya ito.

"My gosh Mikee, ang corny mo!" Meg looked like she wanted to gag. Di lang ito sanay na maging affectionate kaya ganun.

"Inggit ka lang," she immediately clung onto Kairos, pulling him to go out. "Ikaw na bahala dito, thank you!"

Paglabas nila ay dumiretso na agad siya sa sasakyan ni Kairos. Sobrang excited niya na akala mo ay kung ano ang gagawin nila. Every single time with this man makes her feel happy.

"Alam mo ba na two months na tayo?" Nilingon niya ang lalaki habang busy ito sa pagmamaneho.

"Ah, sorry I was busy." sabi nito sa kanya.

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now