CHAPTER 38

3.2K 75 46
                                    

"NAKO MIKEE, magagalit si Kuya kapag nakita niya yang pasa mo." Nag-aalalang sabi sa kanya ni Meg. "Ikaw talaga!"

Nagkamali kasi siya sa pagpapractice sa paglalakad kaya bumagsak siya at nagkaroon ng pasa sa may hita. It hurts and her body is on edge dahil sa ginagawa niya but she's working within what her therapist limited her to. Ayaw naman niyang mas mapalala ang kalagayan niya.

Since Mikee came back to Manila, she's been filled with this new wave of hope for herself. If Kairos believes that this is just a new chapter in her life and not a dead end then she has to believe it too. Kung gusto niyang gumaling at hindi maging pabigat, kailangan niyang ilaban din ito.

It's been more than four months at religiously ay nagpupunta siya sa ospital para sa therapy niya. She asked her therapist, Meg, and Alpha to not say her real progress to Kairos. She wants to surprise him when she can walk again. Hakbang-hakbang pa lang kasi ang nagagawa niya and although it frustrates thr crap out of her ay progress pa din iyon.

"He won't know," she smiled. "Necessary evil lang yan for me to get back up on my feet, well to stay longer up on my feet."

"Baka naman mapwersa ka masyado." Naghihintay ito na subukan niya uling makadami ng mga hakbang. Lately kasi ay nagiging confident siya sa sarili and she's making more steps than each day before her latest therapy session.

"No, kaya ko naman." Nakangiti siyang umiling. She has to do this for herself too. "Okay, isa pa. I feel like magagawa ko na."

She focused all her strength on her legs and stood up. Matagal na niyang nagagawa ito, kahit si Kairos ay nakita na siyang tumayo. Natatandaan nga niya noong mangyari yun na niyakap siya ni Kairos ng mahigpit. He was so happy and excited for her. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakalakad na talaga siya?

Mikee felt a bit wobbly but she managed to straighten her back and take a few steps. After those steps, she tried again, then a few more, and then she reached the end of the room. This was something she has never one before. Napatayo lang siya doon at napatingin sa sarili sa salimin. You did it Mikee.

"Mikee! You did it!" Kita niyang naluluha ang kaibigan niya sa achievement niyang ito, "You did it."

"Hindi ako nananaginip diba?" Tiningnan niya uli ang sarili niya sa salamin. She stood there and took the last step para mahawakan niya ang salamin mismo. "I can do it again. I can walk."

"Congratulations Mikee," bati sa kanya ng therapist niya. "A few more sessions, maybe in a couple of months ay makakabalik na sa dati ang movements mo. Okay lang ba na magpa-assessment uli tayo ng nerve response mo?"

"Of course. Thank you, thank you," she sobbed. Kinuha na uli ni Meg ang wheelchair niya at pinaupo siya. "I owe this all to all of you."

"Let's go and get your assessment." Masayang sabi ni Meg sa kanya. "Matutuwa si Kuya nito."

"Remember, secret muna." She smiled. "I will surprise him dun sa party na hinahanda niya para sa birthday ko."

"Hay nako, si Kuya talaga hindi magaling kapag siya lang ang bahala sa surprise." Naiiling na sabi nito.

Binaggit kasi niya na Kairos is planning a surprise birthday party para sa kanya but she found out kasi he left the papers for it sa desk nito and she happen to see them.

"It's kind of funny but it's definitely sweet." He's doing so much for her. "Hay, ang swerte ko sa kanya Meg. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tinaguan ko siya."

"Hindi ko din alam kung anong sumapi dun nung umalis ka." She said. Naikwento na nito sa kanya how Kairos struggled then. If only she knew how much he'd be affected ay hindi na sana siya umalis. She was wrong. "You are both wrecks kapag wala ang isa kaya naman, parang awa niyo na huwag kayong maghihiwalay. Okay?"

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now