CHAPTER 7

3.1K 89 20
                                    

"I'M SENDING YOU HOME." He said as he sat her down and buckled her in. Wala na siyang kawala. "Don't be stubborn."

"Ayaw ko pa ngang umuwi." She insisted.

Naiinis na din kasi siya. Bakit kailangan na niyang umuwi? If he doesn't want her to be there kailangan lang naman nitong sabihin sa kanya hindi yung ganito siyang itataboy. She's here as Omega and Delta's friend kaya ano ang say nito sa pag-stay niya sa party?

"Ano pa bang gagawin mo dun? Hindi ka pa tapos? Nakainom ka na." Pumasok ito uli sa sasakyan at nag-seatbelt na din. He took one look at her and took of his coat and threw it towards her legs. "Masyado ka nang madaming nainom."

"Kairos, bakit ba? Sorry kung nandito ako kasama ng pamilya mo. Sorry ah. Sorry na nakakaalibadbad ng sobra ang existence ko sayo." Naiiyak na sabi niya dito. Nakatingin lang siya sa lalaki habang nagmamaneho ito.

Ang haba na masaydo ng araw na ito. Dati ang motto niya ay kapag di na siya masaya ay dapat bitawan na niya pero bakit hirap na hirap pa din siyang pakawalan tong pangarap niyang ito? May mga times naman na nagsasawa din siya na para siyang tuta na sunod ng sunod sa lalaki. She keeps on insisting her feelings for him pero wala naman siyang nakukuha, she only got his civility and some random acts of kindness in between. Kailan ba niya nakita na magpakita man lang ito ng kahit na kakaunting interes sa kanya?

"You don't get it." Seryoso ito sa pagmamaneho. Medyo malapit lang ang bahay niya sa club kung saan ginawa ang party ni Delta kaya naman sinundo na siya ni Meg kanina.

"Kaya nga explain it to me. Di naman ako tanga to not understand at least, diba?" Nilingon niya uli ito. He was pissed but so was she. "I do like you, very much. Pero minsan nakakapagod din naman. Kaninang tanghali it was as if I was nothing but a person you knew kasi kaibigan ako ng mga pinsan mo. Alam ko naman na wala akong karapatan pero kasi masakit kaya!"

"Sino ba ang pumilit sayo?" He stopped the car by a quiet side of the road.

"Yun na nga eh. Wala." She smiled bitterly. "Kasalanan ko. I liked you because I felt something I've never felt from anyone else but you."

"Mikaela—"

"Why can't you call me Mikee? Kahit isang beses lang please? You feel so distant kapag yan ang tawag mo sa akin. Isang beses lang please?" She cried. Nailabas niya din ang luha na kanina pa niyang iniipon. Akala niya masu-supress na ng alak pero mas lumala pa ata.

"Bakit ba gusto mong tawagin kita like everybody else?" He asked.

"Kasi kapag tinawag mo akong 'Mikee' feeling ko lumalapit ka na kahit na papaano. Kahit konti lang." Surely she's had too much liquid courage kaya nasasabi niya ito. She would not ever dare tell these things to him when she's sober. Matapang siya sa pakikipag-usap dito pero she always keeps the line neat and uncrossed.

"Calm down," Pag-aalo nito sa kanya. Para siyang bata na halos humagulgol na sa iyak.

"Bakit ba kasi ayaw mong subukan? Date me. If ayaw mo talaga sa akin then tell me and I'll walk away. I will!" Pinipigilan niyang umiyak kahit na ayaw tumigil tumulo ng luha niya. "Kasi lagi mong sinasabi na bata pa ako. I'm 23. Some of the people my age are married, they have kids, they live like adults. Why can't you treat me like an adult? Pinipilit ko naman na maging mas mature pa para sayo."

"Mikaela, you're drunk." He mumbled again.

"I am not." She sobbed. Kaya naman niya ang alak, mas nagiging matapang lang talaga siya. She will never say these things kung hindi siya lasing. She will not have the courage to ask Kairos to tell her kung may pag-asa ba. "I am tired, pero ayaw ko pakawalan yung feelings ko kasi hindi ko naman alam kung may chance ba tayo o kung magkakasundo ba tayo kapag naging tayo. I have so many questions and so much of this stupid emotion for you. I can't let you go."

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon