CHAPTER 1

4.7K 113 9
                                    

"ILANG TAON mo na pinagpapantasyahan si Kairos, hindi ka pa ba nagsasawa?" Tanong sa kanya ng kaibigan at co-founder ng photography studio business nila na si Zia.

"Five years na." She smiled. Hinihintay niyang matapos na ayusin ang buhok ni Kairos ng stylist nito bago niya simulan ang shoot.

From Advetising Arts ay napadpad siya sa photography. It was a hobby before pero hindi niya akalain na sa tatlong taon na pagtatrabaho niya ay agad siyang makikilala dito. She does photography works for some of the biggest magazines and comapanies in the country. Noong maka-isang taon ay naisipan na niyang magbukas ng business at naging ka-sosyo niya nga si Zia dito. It's still small pero they're able to pay off their loans one by one at least.

"Ang tagal naman na pala." Komento ni Zia. "Hindi ka pa nagsasawa? Hindi naman niya pinapansin ang pagpapa-cute mo."

"Hindi ako nagpapa-cute. Nanliligaw ako." Proud pa talaga siya sa sinabi niya sa kaibigan. Hindi na kasi siya nahihiya na sinasabi iyon kasi yun naman talaga ang ginagawa niya.

She has followed Kairos around like a lost puppy since the first time they met. She wasn't intimidated by who he was or what he did with his life. Maganda nga ata talagang bata pa siya  kasi bawas ang hiya sa katawan niya.

Destiny has brought the two of them together over and over again. She did make an effort pero more on tadhana talaga ang nagtatagpo sa kanila. Katulad na lang ngayon. This has been the fifth time na ang studio niya ang may hawak ng magazine shoot nito.

"Tsaka tingnan mo, fate na ang nagdala sa amin together. This is no longer a coincidence." Kinuha niya ang camera at kumuha ng ilang candid shots ng lalaki. "One day gagawa ako ng collage ng lahat ng mga kuha ko sa kanya."

"Ang creepy mo naman." Pagpuna ng kaibigan sa kanya.

"I can't help it. He just makes me feel like I need to worship his existence too. Busog na busog ang puso ko kapag andyan siya." Ngumiti siya habang pinapanood na ayusan ito ng buhok.

"If something is supposed to happen between the two of you, matagal na sana. Tsaka he's a full zodiac cycle older than you." Oo nga pala, 12 years nga pala ang tanda nito sa kanya.

"Age doesn't matter Zia. Never." Nilingon niya ang hair stylist ni Kairos na masyadong malapit na dito. Nasaan na ba kasi yung luma? Bakit bago nanaman?

"Okay, ayos na yan. Kanina pang ayos ang buhok niya miss." Tinawag niya ang attensyon ng babae na mukhang nainis din sa kanya.

"Patapos na."

"Nope, tapos na. Balak mo ba paghiwa-hiwalayin lahat hg strands ng buhok niya? Baka bukas ka pa matapos kung hahayaan kita diyan." Pinapunta na niya sa set ang ilang mga tao kaya napilitan ang hair stylist, na hindi niya  talaga matandaan ang pangalan, na umalis sa set.

"Bakod na bakod mo ata si Sir Kairos ngayon Mikee ah." Sabi nung isa sa lightmen niya na naging kaibigan na din niya.

"Hindi ah. Nagtatagal lang talaga." She shrugged. "Start na tayo?"

Nakita niyang tumango si Kairos kaya naman nagsimula na siyang kumuha ng mga litrato nito. Sa ilang beses na siya ang naging photographer nito ay talagang hindi pa din siya nasasanay. It is always a happy treat for her na hindi na niya kailangan na hanapin pa ito anywhere else. She just adores the fact na sa buong apat na taon na gusto niya ito ay hindi pa siya nahirapang makita ito.

"I told you we were meant to be," pabulong niyang sabi kay Kairos nang lumapit siya para sa ilang head shots nito.

"We're working Mikaela." Nasabihan nanaman siya. He always treats her like a child.

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now