CHAPTER 20

2.9K 69 10
                                    

THE MOOD WAS GOOD for everybody else maliban sa kanya na siya mismong birthday girl. Masaya naman siya na andito ang mga kaibigan niya. This is a surprise party that Omega and Delta set up for her and she's very thankful.

Everybody was laughing, dancing, and drinking. Kanina nga ay tumutugtog ang paborito niyang banda kasi hinanda yun ng magkakapatid nina Omega, kakilala kasi ng Kuya ng mga ito na si Alpha ang main vocalist kaya mabilis lang napapayag na tumugtog. Pero kahit masaya siya may hinahanap pa din siya.

"Are you having fun?" Tanong sa kanya ni Alpha.

"Oo naman Kuya," she smiled. "Thank you dun sa isa pang surprise kanina. Balita ko ikaw ang nakipag-usap sa kanila to play, Meg told me."

"Sabi ni Meg favorite mo daw sila eh." saglit nitong hinawakan ang ulo niya at medyo ginulo ang kanyang buhok. "May hinihintay ka ano?"

"Ako? Wala." Umiling siya pero sa totoo lang ay hinihintay niya si Kairos kasi sabi daw nito ay pupunta ito. Meg asked him several times pero sabagay, madali lang naman kanselahin ito kumpara sa ibang mga ginagawa pa nito sa trabaho.

"I see you looking at the entrance every two minutes Mikee, halatang-halata ka." Sabi nito bago uminom sa bote ng beer na hawak nito. "Si Kairos?"

"Lagi namang siya ang hinihintay ko Kuya," she tried to smile pero hindi niya magawa. These feelings of hers is sometimes bothersome.

"Alam mo, Kairos is..."

"Not coming," she sighed. "Gets ko naman kuya kaso hindi ko naman mapigilan na hanapin siya or hinatyin. Malay natin biglang dumating o magpakita."

"I wish someone liked me the way you like Kairos." Alpha commented. "Nakakatamad na din na pulos fling lang ang meron ako."

"Naku, bakit naman? I think Kairos gets annoyed with me a lot of times. Makulit lang talaga ako kaya hindi ako tumitigil, malay ko ba kung biglang ma-in love sa akin." She laughed, alam niyang baka hindi ever masuklian ang pagmamahal niya dito but at least she tried. Uminom din siya ng alak na hawak niya. "Tsaka kung gusto mo na pala ng seryosong relasyon edi sana magsimula ka na maghanap."

"May kakilala ka ba?" He asked.

"I love you like a brother Kuya so I would want na mag-reto sayo ng babae na magme-meet sa mga criteria mo at ni Tita Anna but most of my friends are either taken, too young, or your cousins." Sabi niya dito.

"Touché," Tumawa si Alpha. Sinubukan naman niya noon kasi kinukwento ng nanay nito na palikero nga masyado ang isang ito pero her circle just isn't that big to begin with.

"Wala ka bang gusto sa mga nire-reto sayo ni Tita? Balita ko yung huli beauty queen." Mahilig magkwento sa kanya ang mga kapatid nito kaya updated din siya sa mga blind dates ng lalaki.

"Maganda nga pero di naman makasabay sa usapan." Mukhang dismayado ito. "One of these days I'll just steal some girl from some guy."

"Ay, bad ka Kuya," she said. "Sasama ang loob nina Tita kapag nang-agaw ka ng may asawa na."

"Hindi ako pumapatol sa may asawa na, ikaw talaga." Natatawang sabi nito sa kanya.

"Eh kasi yun ang sabi mo, some girl from some guy." Pag-uulit niya sa sinabi nito. "Doesn't that mean na taken na yung babae?"

"Oo nga, that's the context. Walang marriage involved." Lumagok ito mula sa bote ng beer na kanina pa nitong hawak.

"Well, balitaan mo ako. I-brief na namin agad siya sa aabangan niya with you." She laughed. "Di bale, when guys meet the one for them, they change naman. Rest assured, darating yun for you."

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now