CHAPTER 25

2.9K 85 16
                                    

WHEN MIKEE woke up ay katabi niya sa kama si Kairos. She was holding onto his arm. She roamed her eyes at inisip kung nasaan niya. The room isn't that familiar to her pero may kakaunting recognition naman.

She was about to stand up ng magmulat si Kairos ng mata at bumangon ito ng mabilis. "You're awake."

"Ah, oo." Tumango siya.

There is still a conversation na kailangan magkaroon sila and she still doesn't know how to do that.

"How are you feeling?" He asked bago kinapa ang noo niya. May kung anong nakadikit doon which she figured out later was a cooling patch. "Wala ka ng lagnat."

"Nasaan tayo?" She asked.

"We're here at my house." Kaya pala pamilyar na din siya. She's been here a few times.

"Bakit mo pa ako dinala dito? You could've let me stay sa apartment..."

"Noong umiiyak ka bigla ka na lang nawalan ng malay. I know how you don't like hospitals kaya dito na lang kita dinala so a doctor can see you also." Paliwanag ng nobyo niya. "At hindi ka na uuwi dun. Delikado. Baka balikan ka nila, you're all alone there."

"They won't hurt me." She grumbled. "It will take a while bago sila bumalik lalo na at dahil sa nangyari."

"Look at you, mukha bang hindi ka nila sasaktan? Lalo na nung lalaking yon? Had you not known how to fight saan na lang kita hahanapin ngayon?" He looked so worried yet so angry at the same time. "Sino si James Lopez?"

Nanlaki ang mata siya ng sabihin ni Kairos ang pangalan ng head of security ng tatay niya. Naramdaman niya ang panlalamig ng katawan niya sa tanong nito. She can't even look him in the eye and tell him the truth. Ito na ba ang end?

"Why do you look so scared Mikaela? Sino ba siya? Alam mong aalamin ko pa lalo kung sino siya maliban sa pangalan niya. You can spare me the time at sabihin mo na lang kung sino siya." May diin ang tanong nito sa kanya. "Who is he to you?"

"N-no one," umiling siya.

"Bakit mo ba pinagtatakpan kung sino siya? May problema ka ba? Pera? May atraso ka ba sa iba? Tell me, so I can help you." His voice was getting softer. "I will help you."

"I'm scared." She cried again. "I don't want to lose you."

"They can't hurt you, you're with me. You're safe. Hindi ko hahayaan na masaktan ka niya." Hinaplos nito ang buhok niya habang pinapatahan siya. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako aalis, hindi ako mawawala."

"Hindi ako takot sa kanila." Humihikbing sabi niya. "Natatakot ako na kapag nalaman mo, aalis ka na."

"What are you saying Mikaela? Hindi kita naiintindihan." Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya bago inalis ang ilang strands ng buhok sa mukha niya.

"Kairos," hindi niya alam kung paano simulan ang sasabihin. Should she just keep on lying? Ayaw na ayaw pa naman ni Kairos that he's kept in the dark.

"What are you hiding?" He looked at her intently and she just can't think of anything else. Wala siyang maisip o masabi na ibang bagay. She just froze there for a good few seconds.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon