CHAPTER 24

2.6K 73 11
                                    

IT'S THREE DAYS before opening at sobrang excited na niya. They are just installing the equipment in the studio and the additional computer setups before the opening. Mikee wasn't planning on doing the extravagant opening stunt. Ayaw niyang gumastos pa ng sobra kaya naman ang opening niya ay isang simpleng blessing at kainan lang.

"Ma'am, may tao po sa labas na naghahanap sa inyo." Lumapit sa kanya ang security guard ng studio niya na si Mang Emil.

Ito lang at isang utility staff ang employees niya at the moment. She's yet to start talking to her contacts for business proposals and the likes. For now, kaya niya munang mag-isa ang lahat ng to.

"Sino daw po Manong Emil?"

Wala naman na kasi siyang ibang maalala na kailangang dumating na gamit niya. Everything is here. Mukhang hindi naitanong nito kaya hinayaan niya na lang. Sinundan niya naman ang guard pababa at papunta sa main entrance ng studio. Kakatapos lang ng interior doon kaya naman naglilinis pa ang mga tao doon.

"Mikee!" Nagulat siya na nakita niya ang isang pamilyar na mukha doon.

"Ms, Rina? Hi!" Gumapang ang isang maluwag na ngiti sa labi niya.

She was surprised kasi kliyente sa dati niyang studio ang magazine na pinagtatrabahuhan nito, ang Estelle. They usually contract out their photographers for cover shoots and the likes. It just so happened na natuwa ang mga ito sa business proposal nila noon and they hired them for the job.

"I heard what happened dun sa studio niyo before, it's good na nagtayo ka uli ng sarili mong studio. Mas malapit ka na din sa office namin." Kwento nito.

Inaya niya ang bisita sa opisina niya mismo kasi mas less ang kalat doon at di sila magugulo sa pagpukpok from time to time.

"Nagpahinga lang ako saglit Ms. Rina, ito naman kasi talaga ang passion ko." She smiled. "Paano niyo nga pala nalaman na dito ang studio?"

"Lorna, she told me nung tinawagan ko siya. I'm not happy dun sa output ng last shoot namin kaya hinanap talaga kita." May dismaya sa mukha nito. "Akala ko naman Aurora Pontefino would live up to the hype. May bago siyang mga photographers but they were all not as good as you."

"Salamat sa compliment Ms. Rina." She smiled.

"Kaya ako na ang manliligaw sayo at sa studio mo, give us your fees and we'll accommodate it." Hindi niya alam kung dapat ay kuhain niya na ang opportunity na ito o hindi pa. Ano kayang iisipin. Ina Aurora at Zia? "Please Mikee, pagbigyan mo na kami. Alam mo na ang vibe namin kaya gusto namin na ikaw na ang maging photographer namin talaga. You've handled so many of our models and covers."

"Baka kasi may contract pa kayo Ms. Rina sa 'LTRTO'? Ayaw ko din naman na kakasimula ko pa lang ay magkaproblema kung may exclusive contract kayo. I hope you understand." Paliwanag niya dito, ayaw niya lang na sa korte naman sila mag-away-away.

"Wala kaming exclusive contract, may per project contract lang kami but not really an exclusive one." Ms. Rina smiled. "Hinihintay lang sa office na pumayag ka and we'll draft the contract with you."

"If that's the case, wala akong problema Ms. Rina." Mikee smiled. "I'd be glad to work with you again."

"This is amazing! Thank you Mikee, babalik ako agad to give you the contract. You can also give me you fees and we'll incorporate that." Kita ang saya sa mukha nito. "After those numerous times of working with you, na-gets ko na kung bakit ka very recommended ni Kairos San Vicente."

"Huh? Kairos?" Nagtaka siya dun. "H-he recommended me?"

"Yes, tanda mo yung first time na ikaw ang kinuha namin to take his pictures for that month's issue?" Mikee couldn't even leave out that memory. Ang saya kaya niya nun kasi her goal of taking his photos came to reality. "He suggested you and you know him, there's no way we won't heed his suggestion kaya kinausap ka na namin nun."

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now