CHAPTER 32

2.7K 73 20
                                    

"ALAM MO BA sinabi na niya," kinikilig pa siyang kwento kay Meg. "Na love niya ako."

"Ha?" May pagtatakang tanong nito.

Ngayon pa lang kasi sila uli nagkaroon ng time na magkwentuhan, busy sila lahat. Meg is busy with the position she handles for the company at siya naman ay busy sa pagpapalaki at pagpapaganda ng services ng Perfect Moments. Kahit na higit kalahating taon pa lang sila ay maganda na ang projects nila. Hindi na lang isa ang in collaboration niya with SV Advertising kundi lima na.

"Nagsabi na sa akin ng 'I love you' si Kairos. Kakaloka naman to, hindi man lang na-excite para sa akin." She sighed. "Hindi ko kasi agad naikwento sayo kasi busy tayo parehas."

"Gaga, ikaw lang ata kasi ang may hindi alam yun." Ibinaling na uli nito ang pag-aayos sa mga ilang gagamitin pa bukas sa kasal ni Athena Piedravino, ang pinsan nina Kairos na pinagkamalan niyang girlfriend nito noon. "I have told you time and time again na gusto ka nga ni Kuya, di ka naniwala. Then I told you that he loves you, ayaw mo din maniwala. Everyone in the family knows."

"Kasi nga ayaw kong i-assume hangga't hindi pa siya ang nagsasabi sa akin." Sabi ni Mikee habang binibilang niya ang mga nakahandang souvenirs. Mahirapa na, baka may kulang pa.

She's part of the entourage as secondary sponsor with Kairos, sila ang maglalagay ng veil ky Athena at sa mapapang-asawa nito.

Bilang regalo ay siya ang kumuha ng pre-nuptial photos ng dalawa. Iyon ang regalo niya sa mga ito. They used these photos sa mga print outs for souvenirs, invitations, and even venue designs.

"Since sinabi na niya at naniwala ka na. Kailan na ang kasal?" Nilingon siya ni Meg. "Everyone's waiting."

"Ha? Kasal? Grabe naman kayo." Si Kairos lang kasi ang makakapagdecide nun. Even if she wanted to, he needs to ask her first. Baka awkward kapag siya ang nagsabi at nag-aya. Siya na nga ang nag-aya na maging sila tapos biglang siya pa din mag-aayang magpakasal.

"So hindi niyo pa nagpag-uusapan yun?" Meg looked confused.

"Well," she stopped. Paano ba niya sasabihin na nabanggit na ito noon pang bago sila tumira sa iisang bahay?

"So nagpa-usapan niyo na. How did it go? Was he hesitant?" Tumigil sa ginagawa si Meg at tiningnan siya. Hinihintay na sagutin niya ang tanong. "Well?"

"He did mention it before we moved in together pero..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nagsalita na si Meg uli.

"Let me guess, you being you, you turned him down and told him that it wasn't necessary." Napabuga ito ng hangin. "Hindi ko talaga gets kung bakit mahal na mahal mo si Kuya pero takot na takot ka din. I mean shouldn't love be liberating?"

"Siguro dahil mula pa noon ay itinanim sa utak ko na I don't deserve love." She remembered all those times her father told her so. "I didn't want him to ask me kasi it was the next step, gusto ko kung itatanong ko sa kanya ay dahil he's sure that I'm the one."

"Ugh, such a romantic." At bumalik na ito sa pag-aayos ng mga gagamitin pa. But she looked at her again when she remembered something. "Wait. Oo nga pala, I saw the guest list. The Pontefinos are invited, Ninong ni Ate A si Senator."

"Sabi na at hindi pupwede na hindi ko na sila makikita ever again." She sighed. "Wala namang problema sa akin. It's not as if may magagawa naman sila eh."

Kinabukasan ay naging super busy na lahat, oo nga at may mga wedding coordinators pero syempre hindi na pupwede na wala silang gagawin. Halos hindi niya pa nga nakikita si Kairos mula noong mag-umagahan sila.

"Hindi ba dapat wala ng mas maganda sa bride?" nagulat siya ng biglang pumulupot sa beywang niya ang mga braso ni Kairos.

"Who is? Bawal yun."

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now