CHAPTER 27

2.6K 71 19
                                    

THIS DAY HAD to come, kailangan niyang makita uli ang tatay niya. She had to set things straight para matapos na din ang lahat.

Today, she will cut him off of her life. Hindi rin naman siya nito gusto o mahal. She was always the unwanted child. Nagsinungaling siya kay Kairos na may pupuntahan siyang outdoor shoot kaya siya aalis ng late na. She just assured him na magsasabi siya dito kung may kahit na anong mangyari.

When she saw the smug face of the man that is her father, there was this knot in her stomach. Takot siya pero kailangan niyang magmukhang matapang sa harap nito. She cannot be that weak child who tried everything to get some love out of him. Tapos na ang panahon na yun sa buhay niya.

"How does it feel? Losing everything?" Tanong nito sa kanya. "Are you crawling back here para humingi uli sa akin?"

"No." Umiling siya. She will not get anything from him ever again. "Sawa na akong manlimos ng kahit na ano mula sayo. Bakit nga ba hindi pa ako natuto sa nangyari kay Mama? She spent her life chasing after something she can never have."

"Bakit ka nandito?" Binaba nito ang baso ng kape at hinarap siya.

This is one of his houses in the Metro. Madalas itong andito but Mikee doubts if his wife or daughter knows about this place. Kaya din inalam niya kung andito ito ngayon.

"Sasabihin ko lang sayo na tigilan mo na ako. Gusto ko nang tapusin ang kung ano mang ugnayan na meron tayo." She took a deep breath to calm herself down. She was shaking deep inside. "I will consider myself fatherless from here on out."

"Tingin mo ganun lang kadali yun? When you have in your hands something I want to have?" She didn't have to think, she knew immediately what it was."Hindi ko alam kung papaano but you have Kairos wrapped around your fingers, even his family. They were all talking about you na parang hulog ka ng langit sa kanila. Kung alam lang nila kung ano ka."

She will not give away her cards and let him know na alam ng mga ito ang sikreto niya. Hahayaan niya lang ito sa paniniwala nito na may ginagawa siya sa pamilya ng mga San Vicente para magustuhan siya.

"I have been talking to Rafael to marry Kairos and Aurora pero sinabi nila sa akin na ikaw ang magiging manugang nila and that you're living with Kairos now." Natawa ito. "Anong gayuma ang meron ka at napapaikot mo sila ng ganun? Tuso ka katulad ng nanay mo."

"Stop talking about my mother like it was just her fault. Hindi ba at ginusto mo din siya? Hindi ba at hinabol mo din siya?" Sabi niya dito. Nakita niya ang pamumuo ng galit uli sa mukha ng ama. "Nilandi mo din siya! Niloko mo ang pamilya mo para sa kanya. Siya lang ba talaga ang babae mo—"

Naramdaman niya ang paglapat ng mabigat na palad nito sa kaliwang pisngi niya. Imbes na maiyak ay natawa na lang siya. She expected this and now it didn't hurt anymore. Alam niyang pumutok uli ang labi niya but it felt liberating in a sense. This will be the last time, the only time that he could hurt her ever again. When she walks away, she's leaving all that is him behind.

"Sa lahat ng maskara na suot mo, kilala mo pa ba ang sarili mo? You are the doting husband and father to your legal family, a good politician for the people pero hindi nila alam kung sino ka ba talaga. You are a bad person!" She shouted.

He took a hold of her wrists, mahigpit iyon at halatang nagtitimpi na saktan siya uli. Alam nila parehas na tama ang sinasabi niya. He doesn't deserve anything that he has right now, the good social standing, the good name, it's all a lie.

Nagulat silang dalawa ng ama nang biglaang magbukas ang pintuan ng library. It was Aurora na may mga kasunod na bodyguards na humahabol dito. Mabilis na dumapo ang mata nito sa pagkakahawak sa kanya ng ama. Her eyes were full of rage and unexplainable anger.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon