CHAPTER 3

3.3K 77 9
                                    

"PWEDE KO BANG mahingi yung number mo?" Mikee looked at Kairos who was staring at the dark scenery in front of them.

It has been a few minutes since Kairos came here. Hindi naman sila masyado nag-uusap at nakatingin nga lang naman sa malayo ang lalaki. It was quiet but it was okay, there was comfort in the stillness of the spot they were in. the muffled music from the ballroom was just white noise. Mikee felt happy just looking at this guy.

"No," sagot naman nito.

"Ilang beses mo na ako nakita ayaw mo pa din? This may be destiny Kai." She smiled at him.

Nilingon siya nito, his brows furrowed na parang naguguluhan o naiirita, hindi niya maipaluiwanag. "Did you just call me Kai?"

"Yes," Mikee nodded. "I did. Cute kaya."

"Hinayaan na nga kita na hindi ako tawaging kuya o kung ano man tapos bibigyan mo pa ako ng nickname? Baduy pa." Gustong matawa ni Mikee sa lalaki. He's quite simple yet he looks so complex too. Anong baduy dun eh yun ang unang syllable ng pangalan nito?

"Anong baduy dun? Bagay naman sayo. Tsaka at least dahil ayaw mo yung nickname na yun ako lang makakatawag nun sayo. Diba, sweet?" Mikee's mustering every ounce of courage in her system to be able to talk this confidently to this man. Hindi naman niya to magagawa kung hindi niya kinakapalan ang mukha niya. "Let's make a bet."

"Ang kulit mo."

"Pero di ka naman pumapasok." Kahit na kanina pa niya itong ginugulo ay nandoon pa din naman ito at nakatayo kasama niya habang nakatitig sa kung saan.

"Kasi kahit magulo ka, mas tahimik pa din dito." Paliwanag nito. "Papasok na lang ako?"

Mabilis niyang nilapitan ito at hinawakan sa braso. "Konti pa? Maya-maya, onti na lang okay na talaga ako."

"Masama ba talaga pakiramdam mo?" He asked. Mukhang may pake naman pala ang isang to.

"Not physically pero something like that, nakakasama din naman ng pakiramdam ang emotional burden." Bumitaw siya dito at medyo lumayo uli siya. "Masyado kasi akong infatuated sayo."

"There you go again, you're joking again." He smirked.

"I made you smile, achieved na ako for tonight." Ngumiti siya. "Pero let's make a bet muna. Pumayag ka na. Di na kita kukulitin tonight."

"Why would I do that?" he cocked his head to the right looking so smug. Grabe, gwapo pa din.

"Kasi masaya to, promise."

"Why am I listening to an eighteen year old?" Nakakatawa ang hitsura nito. The man in front of her is so different from the man that they described in interviews or write ups, iba din ito dun sa seryosong lalaki sa ballroom. "Sige, pakinggan ko lang."

"Pupusta ako na magkikita uli tayo within six months. Yung coincidental meeting lang. If I get to see you that one more time, ibibigay mo na sa akin yung number mo?"

"Six months?"

"Yun lang naisip ko eh." She laughed.

"And that is fun because?" He asked. Hindi naman niya sinabi na ito ang sasaya eh.

"Kasi sasaya ako." Pagmamalaking sagot naman niya dito. "Tsaka ililibre kita kapag nangyari yun. Kahit saan mo pa gusto. I think lahat naman gusto ng free food diba?"

"Odds are, you'll stalk me." Well fact to ponder on nga naman yun pero hindi niya gagawin kasi gusto niya din makita kung possibleng mangyari.

San Vicente 1: Tenacious ✅Where stories live. Discover now