Wakas

2K 60 114
                                    

Wakas

Padaskol akong humiga sa kama dahil pagod na pagod na ako. Simula kasi kaning umaga ay wala akong tigil kakalaro sa video games sa computer ko dito sa kwarto kaya naman ngayon ay pagod na pagod ako.

Ganito talaga ako kapag walang pasok. Sinusulit ko ang mga araw na libre ang oras ko at halos madaling araw na nga ako kung matulog dahil sa kakalaro ng video games, tapos kahit iyon lang ang ginagawa ko ay napapagod din ako.

Paano ba naman kasi, sila Mommy at Daddy ay gustong gusto na dapat kapag may pasok daw ako ay no gadgets allowed kaya iyon ang ginagawa ko tuwing weekdays and every weekends lang ako nakakahak ng mga gadgets ko.

Sinabihan kasi nila ako na dapat ay lagi akong nasa top, or lagi daw dapat mataas ang grades ko. Well, nakakayanan ko naman iyon at halos nga hindi na ako magkaroon ng kaibigan sa classroom namin dahil mas'yado akong tutok sa pag-aaral.

Sinabihan din kasi ako ni Daddy na pagdating ko daw ng kolehiyo ay dapat Law ang kunin ko dahil gusto niya akong maging Lawyer katulad ng mga Tito ko. Kaya nga ngayon pa lang na Grade 6 ako ay nagbabasa na ako ng mga books na may patungkol sa law.

Nagustuhan ko na din naman iyon. Noong medyo bata pa kasi ako ay parang wala pa akong mas'yadong isip para roon, at ngayong malapit na akong mag-highschool, unti unti ay naiisip ko na din ang mga bagay katulad niyon.

Kaya nga ang laman halos ng buong cabinet ko ay puro libro about laws, sinabi ko sa sarili ko na ngayon pa lang ay babasahin ko na ang lahat ng iyan, or kung hindi kakayanin ay paunti-unti kong babasahin dahil baka mamaya ay sumabog na ang ulo ko.

Nagustuhan ko din iyon dahil gusto kong maging taga-pagtanggol ng mga taong humihingi ng hustiya. Sa ngayon kasi, kapag may pera ka lang or malakas ka sa mga tao ay makakahingi ng hustiya na nararapat saiyo pero paano naman ang ibang tao na hindi kaya ang mga bagay na iyon.

Kawawa sila. Iba na kasi ang patakaran ngayon ng Justice. Kaya ko rin gustong maging Lawyer ay para maipag-tanggol ko kung sino talaga ang tama, wala akong pakealam kung mababa man sila sa ibang tao. Every people deserves justice. Pantay pantay lang ang tao, mahirap man o mayaman ay deserve nila parehas iyon.

Isang gabi, nakarinig ako ng putok sa katabing kwarto kung saan naroon ang mga magulang ko. Nagulantang nalang ako nang makita silang nakahilata sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

"Landrien, hijo! Bumalik ka na sa kwarto mo!" pag-papaalis saakin ng mayordoma namin.

Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang sitwasyong ito. Noong mga gabing iyon ay galit na galit ako sa kahit sino. Hindi rin ako kumakain ng mga ipinapadala saakin ng mayordoma namin.

Isang araw, nawalan nalang ako ng pakealam sa lahat. Ilang araw akong nakamukmok sa kwarto at walang tigil sa pag-iyak. Narinig ko pa ang mayordoma namin na may kausap na pulis at narinig ko din na nawawala daw ang bangkay ng magulang ko.

Hindi ko alam kung malulungkot ako o magkakaroon ng pag-asa sa isiping nawawala ang katawan ng magulang ko. Sinabi kasi ng mga pulis ay dinala na daw sila sa hospital para tignan pero kalaunan ay nawala nalang daw sila bigla.

Pinag-dadasal ko nga na sana ay ligtas ang magulang ko. Sana ay nagtatago lang sila at hindi pa sila tuluyang namatay kasi hindi ko na alam kung ano pang magiging buhay ko dito.

Tumigil pa lalo ang mundo ko nang narinig ko pa ang mga sinabi ng mayordoma namin sa pulis. Dinikit ko pa lalo ang tainga ko sa pintuan upang marinig sila ng maayos dahil nasa ibaba lang sila ng salas kaya malinaw saakin ang mga salita.

"Sir, maniwala man kayo o sa hindi ay talagang batang babae po ang pumatay sakanila. Nakita ko siyang may hawak na baril." rinig kong sabi ng mayordoma.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon