Chapter 3

1.1K 93 4
                                    

Chapter 3

Cook

While we're eating, I can't take my eyes off him. Kahit habang kumakain ay ang gwapo niya pa rin, kahit anong ginagawa niya ay hindi nawawala ang ka-gwapuhan sa mukha niya. Talagang labis siyang pinagpala ng nasa itaas.

Habang kumakain ay hindi nawawala ang kadaldalan ko. Kanina ko pa siya tinatanong ng kung ano ano at minsan pa ay mga walang kwenta ang itatanong ko para naman may mapag- usapan kami hindi iyong sobrang tahimik lang habang kumakain.

"Anong course mo?" tanong ko habang kumakain kami sa hapag.

Nilunok niya muna ang kinakain bago nagsalita. "Law. Ikaw?" honest niyang sagot.

Muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko. He's taking Law!? Hindi ako makapaniwala pero base sa tindig niya ay p'wede naman siyang abogado. Sa katunayan nga ay bagay sakanya ang gano'n.

Eat me, attorney!

"Well, tourism ako kahit hindi naman iyon ang gusto ko." I shrugged.

Totoo naman na hindi talaga tourism ang una kong gustong maging course. Napilitan lang ako dahil iyon nalang naman ang natitirang slots kaya may magagawa pa ba ako?

Pero okay lang naman saakin kasi unti unti ko ding nagugustuhan itong kurso ko. Kaso nga lang ay hindi ko inaasahang ganito ang magiging buhay ko pero okay na din iyon dahil nandito na at wala na akong magagawa pa.

Natigil siya sa ambang pagsubo ng noodles at parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit?" he asked.

I shrugged. "E, iyon nalang ang natitira kaya doon nalang ako. Noong una ko lang naman ayaw pero sa huli nagustuhan ko din."

"Ano ba'ng gusto mo dapat?" he looks curious.

"Secret!" I winked playfully at him.

Napasimangot naman siya at kitang kita ko kung paano siya umirap saakin. Aba, marunong pala siyang magtaray? Bakit sa iba ay mukhang bakla pero kapag siya, sobrang hot.

Pagkatapos naming kumain ay agad na akong nagpaalam sakanya at sinabing babalik na ako sa condo ko. Ngiti lang ang tinugon niya saakin at hinatid lang ako hanggang sa pintuan.

Gusto kong itanong talaga sakanya kung gusto niyang pumasok sa condo ko pero mukha naman akong ewan kung gagawin ko 'yon, baka din isipin niya na talagang sinusulit ko ang mga oras namin.

Friendly naman siya I think. Madami kaming napagkwentuhan habang kumakain. Mostly it's about school and stuffs, just like that. Nalaman ko din na sobrang talino niya pala talaga pero malayo ang room niya sa room ko.

That's sad. Sayang nga, e. Pero at least naman ay kapitbahay ko siya tapos posible ko pa siyang makita araw araw sa school.

Minsan tuloy naiisip ko kung alam niya ba or kilala niya talaga ako. Hindi naman kasi malabo dahil medyo may kasikatan ako sa school at nabangsagan bilang playgirl. Kaya nga bawat taong nadadaanan ko ay umaatras at wala mas'yadong gustong makipag-kaibigan saakin.

Ewan ko ba! Hindi naman sa lumalayo sila saakin pero alam kong natakot na din sila dahil ilang beses na kaya akong napupunta sa discpline office pero gusto kong sabihin sakanilang wala naman akong kasalanan at talagang ako lang iyong sinusugod nila.

But when it comes to boys, sila mismo ang lumalapit saakin. Minsan ako 'yung lumalapit sakanila like kunwari may tatanong lang ako sakanya pero ang totoo ay nilalandi ko na talaga patago, at ang nagiging ending ay flings ko lang sila.

Sa dami ng mga naging flings ko, siguro half of them ay sinubukan akong habulin tapos sasabihing seryosohin na daw namin ito. S'yempre ako ay hindi pumayag kasi bago ko sila naging fling ay nilinaw ko munang walang seryosohan.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon