Chapter 1

2.3K 125 9
                                    

Chapter 1

Playgirl

"You bitch! Mang-aagaw, sulutera, lahat lahat na ugali mo. You're such a playgirl. Malandi. Maaga ka sigurong mabubuntis, lahat na yata ng lalaki mo kinakama mo!" sigaw ni Erich saakin.

Kasalukuyan kaming nasa gitna ng cafeteria ngayon. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa eskandalo ng babaeng ito. Hindi ko din alam, nananahimik ako dito tapos bigla akong bubuhusan ng tubig tapos susugurin pa.

Ang kapal pa ng mukha niya para sabihan ako ng mga gan'yan salita. First of all, oo bitch nga ako pero hindi ako nang-kakama ng mga lalaki ko kasi nakakadiri iyon. Hanggang kiss lang ako pero ayoko na pagdating sa kama.

Duh, hindi ako gano'n. May dignidad naman ako para hindi ibigay ang pagkababae ko kung kani kanino lang.

Basang basa tuloy ako ngayon dahil sa tubig na sinaboy ni Erich saakin kanina. Hindi ko siya kilala pero nalaman ko ang pangalan niya kasi nagpakilala naman siya saakin bago ako sabuyan ng tubig.

Siya daw iyong girlfriend ni Joseph, na naging ex ko at ang sinasabi nito saakin ay inagaw ko daw ang boyfriend niya kuno. Na kaya daw nakipag-hiwalay sakanya si Joseph ay dahil daw inagaw ko.

Kasalanan ko ba na maganda ako at pangit siya para iwanan?

"What's happening here?" maya maya pa ay lumapit na saakin ang kaibigan kong si Shinalyn.

Agad niya akong dinaluhan, pinanlakihan ng mata dahil nakita niya akong basang basa ngayon. Pagkatapos ay akmang susugurin niya sa Erich ngunit pinigilan ko na siya. Baka mamaya ay magkagulo pa ng tuluyan dito.

Nakakasilaw na ang mga flash ng camera ng mga estudyante dito. Picture doon, video doon. Hindi na ako magtataka kung sisikat na ito sa facebook, auto viral pa tuloy ako ngayon pero alam kong bagsak kami nito sa discipline office.

Nanaman! For the nth time, babagsak nanaman ako sa office na iyon. Pakiramdam ko nga ay parang bahay ko na 'yon dahil lagi akong naroon pero s'yempre to the rescue naman ang kuya Drake ko pati na rin sila Mommy.

Pasalamat ako dahil isa sa mga sponsor ng school na ito ang parents ko. Kung hindi lang malakas sila Mommy ay malamang napatalsik na ako rito sa school dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nasasangkot sa gulo.

Pero ako naman 'yung laging biktima. Ako iyong mga sinusugod ng mga babae at minsan pa ay 'yung ibang lalaking pinaasa ko. Sinusugod talaga nila ako at sinasabunutan ng mga babaeng inggit na inggit saakin. Kaya ang ending ay pinapatulan ko din.

Kahit ayaw kong patulan ay ginagawa ko pa rin. Ilang beses na akong sinusuway ni kuya patungkol rito. Paano ba naman kasi, minsan naaabala ko na siya sa game niya at minsan pa ay kapag mismong nasa game na sila ay umaalis talaga siya roon para daluhan ako.

Minsan pakiramdam ko pabigat na ako sa kuya ko, wala kasi talaga siyang sinasanto basta kapag kailangan ko ng tulong ay dadating at dadating talaga siya. That's why I really love having a older brother.

"Oh, tapos ka na?" walang emosyon kong sambit kay Erich.

"Wait! Hindi pa ako tapos sa'yo. Hindi na ako magugulat kung someday, buntis ka na tapos sa dami ng lalaki mo ay hindi mo na alam kung sinong ama!" singhal niya saakin, hingal na hingal pa siya habang sinasabi 'yon.

Ako na walang pake, pinaglalaruan ko lang ang buhok ko habang walang emosyong nakatitig sakanya. Pinaikot ikot ko ang buhok sa daliri ko tapos ay tinagilid ang ulo habang pinapakingan siya.

"Tapos?" I let here to continue, ganoon pa din ang ginagawa ko sa buhok ko.

"Talagang gustong gusto mo, 'no? Tama ako 'di ba? Magiging gano'n naman ang kapalaran mo. Kasi malandi ka! Nakakarindi ka. Hindi ko alam kung paano mo pinapaikot ang mga lalaki sa palad mo at nabibihag mo sila!" akmang susugod siya ngunit humarang naman si Shin.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon