Chapter 6

851 84 5
                                    

Chapter 6

Care

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Nakalimutan ko kung anong nangyari kagabi, basta ang naalala ko lang ay inaway ako ni Erich tapos after no'n ay bigla nalang akong nahimatay. Basta may sumalo saakin at binuhat ako.

Bumangon ako sa kama na hinihigaan ko. Pinagilid ko ang mga mata ko at gano'n nalang ang gulat ko nang mapansing parang nasa ibang kwarto ako.

Napatutop ako sa aking bibig. Anong ginagawa ko sa lugar na ito? Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito pero base sa nakikita ko sa paligid ay puro pang lalaki ang mga gamit dito. Agad akong nilukob ng kaba.

Lasing ako kagabi, hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos no'n at kung sino ang nagdala saakin dito. Pero lalo lang akong kinabahan nang may maamoy akong pang lalaking perfume.

Hindi kaya... Oh My God! Don't tell me someone took advantage on me? May nangyari ba saamin no'ng bumuhat saakin kagabi?

Halos palauin ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip. Imposible. Bumaba ang tingin ko sa ibaba ko at nakitang ang damit na iyon ay ang suot ko din kagabi. Agad naman akong nakahinga ng maluwag dahil safe ako.

Yes! Akala ko naman nawala na ng tuluyan ang bataan ko.

Dahan dahan kong inangat ang comforter na nakatabon saakin. Amoy pang lalaki ang kama kaya alam kong lalaki ang nagdala saakin rito. Umalis ako sa kama at dahan dahang naglakad palabas ng kwarto.

Pero bago pa man ako makakalabas ay may narinig akong nagbukas ng pinto galing sa CR at mas kinagulat ko ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa likod ko.

"Gising ka na pala," I almost gasped when I heard that familiar voice.

At first, tila natulos ako sa kinatatayuan ko pero maya maya ay unti unti akong lumingon sakanya. Gano'n nalang ang gulat ko nang makitang topless siya at tanging twalya lang ang nakaharang sa pang-ibaba niyang katawan.

Halos malaglag ang katawan ko sa ganda ng view ko. His hair is wet at tumutulo ang tubig mula sa buhok niya hanggang sa abs niya, at pababa pa ito sa takip ng twalya niya. That was freaking hot.

Parang gusto kong buhusan ng holy water ang buong katawan ko dahil sa nakikita ko. My innocent eyes. Kitang kita ko ang bukol na nakatakip sakanyang twalya at halos takpan ko na ang mata ko dahil sa nakikita ko.

It was big!

Agad kong pinilig ang ulo ko para mawala ang kung ano anong kahalayan na iniisip ko. Sa halip ay tumingin nalang ako sa mga mata niya pero kahit paano ay hindi na bumaba sa kanyang baba ang tingin ko, nakakahiya iyon.

Kumunot ang noo ko sakanya nang natauhan ako. Ibig sabihin ay siya pala itong nagdala saakin dito. Nakakahiya iyon dahil lasing ako, kinakabahan ako dahil baka may ginawa akong masama.

"Anong ginagawa ko rito?" sabay paligid ng mata ko sa kabuuan ng kwarto niya.

Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ng condo niya at hindi ko inaasahan na mas maayos pa ang kwarto niya kaysa sa kwarto ko sa condo. It was indeed clean and organized. Wala kang makikitang nakakalat na mga damit kumpara sa kwarto ko. Malinis din ang kanyang sahig na parang laging nililinis.

Ako kasi, nililinis ko nga ang kwarto ko pero maya maya ay magugulo nanaman kaya minsan tinatamad na din akong ayusin ang mga gamit ko kasi madudumihan din naman sa huli kaya bakit pa ako maglilinis.

"You passed out yesterday night," sagot niya.

Kahit anong pilit kong maalala ay wala talaga. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa hangover. Ganito ba talaga ako kalasing kagabi? The only thing I remembered ay si Erich na sinugod ako.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now