Chapter 18

649 57 2
                                    

Chapter 18

Mystery

"Ma'am, may sumusunod po yata saatin." sabi ng driver na siyang nakapukaw ng atensyon ko, patingin tingin siya sa side mirror at halatang kinakabahan.

Hindi na nag-reply ang Unknown na iyon, basta ay sinabi ko lang sakanya na magkita kami sa park. Napatingin ulit ako sa side mirror at nakitang nakasunod pa din ang sasakyan.

He/She's really going, huh? Magpapakilala na kaya talaga siya saakin? Sino naman kaya iyon at anong dahilan niya para gawin ito saakin? Malalaman ko ang kasagutan mamaya pagdating sa park.

"Hindi po, Manong. Nagka-taon lang yata." palusot ko at tumango naman ang driver.

Mabilis na nakarating ang taxi sa park na sinabi ko. Binayaran ko ng mas malaki ang driver para hindi na siya mang-usisa pa tungkol do'n sa sumusunod na sasakyan. Nang makatapak sa park ay agad akong sinalubong ng malakas na hangin.

May playground dito at may mga bata din. Pero may isang lugar doon na wala mas'yadong tao. Nagtungo ako sa lugar na iyon at umupo sa bench na nakita ko. Dito kasi ay wala mas'yadong dumadaan dahil may mga nakapaligid na

Tahimik lang ako habang nakaupo at pinapanood ang buong paligid. I'm just waiting for that mystery person to arrive. Tinignan ko ang phone ko at nakitang wala na siyang sinabi pa, hindi din siya nag-reply sa text ko.

Sisipot kaya iyon? As far as I remember, may sumusunod saaming sasakyan at alam kong siya na 'yon pero bakit kaya ngayon ay wala pa siya dito? Hindi kaya, hindi siya ang sumusunod saakin kanina?

I texted that mystery person again.

Ako:

Where are you? I want to see you. I'm at the bench, sa may liblib na lugar at madaming tao.

Gusto ko sana siyang tawagan ngunit parang umaatras ako. Isa pa ay alam kong hindi niya iyon sasagutin dahil mukhang ayaw niya ngang magpakita saakin.

Unknown Number:

Are you really sure you want to meet me? Baka mamaya ay matakot ka lang or umatras. And, anyway, I can see you from a far so don't worry.

Napakunot ang noo ko sa reply niya. Pinagilid ko ang mga mata ko at halos tinignan ang bawat sulok ng lugar pero wala akong nakitang ni-anino manlang ng tao. Sa halip, puro nakikita ko lang ay ang mga matatahib na damo at puno.

Dapat ko ba itong gawin? Dapat ko ba talagang kitain ang mystery na iyon kahit hindi ko siya kilala? Paano nalang kung may dala siyang baril o kutsilyo tapos ay papatayin ako.

Damn it. Ginulo ko ang buhok ko sa frustration na nadarama. Bakit ngayon ko lang ito naisip kung kailan nandito na ako at posibleng nakikita niya ako ngayon. Pinapanood niya ako kung nasaan man siya.

Sino ba kasi talaga siya? Bakit niya ito ginagawa saakin? May ginawa ba akong masama para gawin ang mga bagay na ito? Wala. Wala akong ginawang masama. Depende nalang kung nabagok ang ulo ko tapos nakalimutan ko ang mga nangyari saakin noong nakaraan.

Tanga. Imposible ang mga naiisip ko. Amnesia, really? Ano ito? Soap opera? So malabo talaga itong mangyari saakin, at kung totoo man iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Ako:

Magpakita ka saakin. Don't just watch me from a far. I want to see you.

Unknown Number:

Why would I?

Ako:

'Cause you're so freaking a mystery to me! Ginugulo mo ang isip ko. I don't know you. I don't have any idea kung bakit mo ito ginagawa saakin. Sabihin mo lang saakin kung isa ka sa mga kaaway ko noon.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now