Chapter 2

1.5K 110 6
                                    

Chapter 2

Neighbor

Nagmamadali kaming pumunta sa library ngayon ni Shin. Medyo nalate kasi kami at ilang oras nalang ay time na namin kaya halos tinakbo na namin ang distanya ng cafeteria papuntang library.

Kaya ang ending ay parehas kaming hinihingal ngayon. Napahawak pa ako sa dibdib at sinabing si Shin na ang maunang pumasok kaya nauna na siya roon at sumunod naman ako. Hanggang library ay hinihingal pa din ako.

Peste kasi talaga si Shin. Ang dami pa kasing kung ano anong ginawa kaya nagmamadali tuloy kami ngayon. Kung wala lang talaga akong target ay hindi ako sasama sakanya, isa pa ay hindi naman talaga ako pumunta sa library.

Nang makapasok ay agad akong umupo doon sa bakanteng table samantalang si Shin naman ay nasa may mga shelves at kukunin daw iyong nobel na babasahin niya.

Nanatili lang akong nakaupo habang hinihintay siya and at the same time ay pinapaikot ko ang mga mata ko sa paligid para tignan kung may gwapo ba akong makikita. Iyon lang naman talaga ang habol ko dito.

Madaming table ang nandito sa library, kadalasan ay bakante at ang iba naman ay may mga tao nga pero mga babae naman at bibihira lang ang babae.

Napaisip ako. Mukhang hindi ako makakahanap talaga dito. Kadalasan naman kasi ng nandito ay puro babae tapos ang iba naman ay lalaki nga pero puro mga nerds naman.

The heck? Ako, papatol sa nerds? It's a big no.

Nang makabalik na si Shin sa table ay may dala dala itong isang makapal na libro. Agad naman kumunot ang noo ko, grabe din talaga ang sipag ng babaeng ito sa pagbabasa ng mga novels. Kaya niyang basahin ang isang makapal na libro samantalang ako ay tinatamad naman.

"Tatapusin mong basahin 'yan ngayon?" nagtataka kong tanong sakanya habang umuupo siya sa tapat ko.

Binuklat niya muna ang makapal na libro at sinimulang basahin ang unang pahina. Kung ngayon pa lang siya magsisimula tapos ganito kakapal ang libro ay hindi niya ito matatapos ngayong araw, baka abutin siya ng ilang araw.

Pagkatapos niyang buklatin ang pahina ng libro ay 'tsaka lang siya nag-angat ng tingin. "Ano ulit?"

I sighed. "Nevermind. Aalis nalang ako tutal wala naman akong mahahanap na malalandi dito."

Akmang tatayo na ako nang bigla niyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa palapulsuhan ako. Automatiko naman akong napaupo dahil sa lakas ng pagkakahawak niya saakin.

"Aalis ka na agad? Maghintay ka lang dahil anong oras pa lang naman." sabi niya sabay tingin sa kanyang wrist watch.

"E, ang tagal tagal naman tapos malapit na ang time natin." napabuga ako ng marahas na hangin at pumalumbaba nalang sa lamesa.

Nawawalan na ako ng gana at inaantok na din ako. Ang tagal tagal na may dumating na lalaki dito at unti unti na akong naiinip. Kapag naka- idlip ako dito ay bahala na lang talaga basta inaantok na ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at ang ulo ko ay nasa lamesa na pala. Bigla lang akong napabangon nang may yumugyog sa braso ko at nakita kong nakatayo na si Shin.

"Nakatulog ako?" wala sa sarili kong tanong habang kinukusot ang mata.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa library pa naman ako at katulad dati ay wala pa ring tao, wala pa ring lalaki kaya mas lalo lang akong nawalan ng gana. Natulog na ako't lahat ay wala pa ring dumadating.

"Ay hindi! Idlip lang 'yon. Tara na pati dali, time na!" sabay hiklat niya sa braso ko kaya nagpatianod nalang ako.

Wala sa sarili nalang akong sumunod habang papalabas kami ng library. Tama nga ang sabi niya at time na namin pero buti nalang ay kasabay lang naming pumasok ang prof namin sa room.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon