Chapter 24

668 23 2
                                    

Chapter 24

Goodbye

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa lalaking nasa harap namin ngayon. It was Van Isaac if I'm not mistaken. Kaagad na bumakas sa akin ang pagtataka kung anong ginagawa niya dito at kung bakit siya nakasuot ng pang-nurse?

Kinakabahan talaga ako. Nakita ko siyang nanlaki ang mata habang nakatingin ngayon ng diretso kay Landrien na ngayon ay nakakunot ang noo at bumakas din ang taka sa kanyang mukha.

Nagtama ang tingin namin ni Van Isaac at pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa hawak niya kanyang kamay. 'Tsaka lang rumehistiro saakin na parang may kakaiba sa hawak niyang injection.

Madilim ang mata niyang nakatingin saakin. Napahawak ako sa sentido ko at parang unti-unting nandidilim ang mga mata ko. Kaagad akong napahawak sa braso ni Landrien nang pakiramdam ko ay babagsak na ako sa sahig.

Kaagad na tumuon saakin ang atensyon ni Landrien at kaagad na hinawakan ang braso ko. "Fuck. Are you okay?" alalang tanong niya.

Ngunit hindi ko na nakayanan ang sarili ko. Bigla nalang akong bumagsak sa sahig dahil sobrang hinang hina ng katawan ko pero hindi pa ako nawawalan ng malay at ramdam ko na kaagad akong dinaluhan ni Landrien.

"Secret? What did you do to her? Bakit siya bumagsak? Or should I ask you... if you're really a nurse or not?" biglang nandilim ang mga mata ni Landrien.

Kinagat ni Van Isaac ang pang-ibabang labi niya at kalaunan ay dinilaan ito. He looks hot and attractive pero iba na ang naiisip ko sakanya ngayon... walang ibang sisisihin kung bakit nangyari ito saakin kung hindi siya lamang.

Sobrang bigat na ng pag-hinga ko at ramdam ko ang galit ni Landrien na naka-dalo pa din saakin. Hindi niya alam kung anong gagawin, kung lalabas at tatawagin si Darius o ang doctor, o kung hindi niya ako iiwan kasama si Van Isaac.

Siya ang may gawa saakin kung bakit ako nagka-ganito. Natatakot ako sa maaaring mangyari saakin na dulot ng turok na iyon saakin. Noong una ay akala ko normal lamang pero maya maya lang ay nakaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo.

"Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Zyaeni ang totoo?" Van Isaac then smirked playfully.

Kahit gusto ko ng ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko pero ayokong ipikit ang mga mata ko dahil hindi ko hahayaang maiwan si Landrien kasama ang gagong lalaking ito.

"What are you talking about?" iritang sabi ni Landrien.

He hissed, kalaunan ay tumawa ito ng malakas. "You're so idiot, Zyaeni. Did you know that? May pagkakataon ka ng sabihin kay Landrien na nandoon ako kung saan ka kinuha pero hindi mo pa rin sinasabi pala. Actually, handa na nga akong tugisin ng mga pulis pero walang dumating. So.." he shrugged.

"W-What? K-Kasama ka do'n?" hindi makapaniwalang sinabi ni Landrien.

Hinang hina ang katawan ko at mabibigat na ang mga mata ko pero nakuha ko pa ring tumingin kay Van Isaac. Nakadungaw siya saamin ngayon ni Landrien na nakaupo sa lapag, habang ako ay nakahiga sa braso niya.

Huminga ng malalim ang gago habang hindi inaalis ang tingin saakin. "Ang tanga mo, Zyaeni. I expected you more than that pero binigo mo ako. Sino ba naman kasing tanga ang maniniwala saakin na kakampi ako pero ang totoo..."

Lumuhod siya saakin at akmang hahawakan ang mukha ko nang kaagad na tumayo si Landrien at binitawan ako upang bigyan ng isang malutong na suntok si Van Isaac.

Napa-igik ako nang maramdamang parang umiikot na ang mundo ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko na kaya pero pinipilit kong magising pa rin. Sumandal ako sa kama na siyang malapit lang saakin.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now