Chapter 29

831 29 1
                                    

Chapter 29

Pyscho

Mabilis na lumipas ang ilang araw at sa mga araw na iyon ay madalas kong kitain si Landrien dahil nga sa nalalapit na trial na mangyayari na bukas. Hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng ebidensya na si Kaia nga ay may gawa pero basta hindi niya pinakita saakin.

Nagtataka man ay hinayaan ko nalang siya sa kung anong plano niya. Pagkakatiwalaan ko siya sa plano na ito dahil alam kong bukas ay mapapatunayan talagang wala akong ginawang masama at hindi naman talaga ako ang mastermind.

Hanggang ngayon, kahit ilang araw na ang nakalipas ay ang sakit pa rin sa puso ko nang kinumpirma niya na nga saakin na si Kaia nga ay may gawa ng lahat ng iyon. Noong una ay hindi pa ako naniniwala pero ngayong madami na akong naisip na mga nasabi niya saakin noon ay 'tsaka ko pa lang natanggap sa sarili ko.

Tanda ko noong mga bata pa kami, close nga kami pero hindi rin nagtagal dahil lumabas ang totoong sarili niya. Ilang beses niya akong sinigawan at sinabihan ng mga masasakit na salita. 'Tsaka ko lang naalala na konektado ang mga sinabi niya saakin noong bata pa ako sa natanggap kong mga sulat.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan si Landrien na nasa katapat ko at nakaupo. Nandito ulit kami sa bahay niya para pag-usapan namin ang mangyayari bukas. Ilang araw na din akong pumupunta rito.

Buti at mabait naman si Shin dahil pinayagan niya akong mag-leave sa work for 1 week. Nakakahiya nga sa totoo lang dahil kakasimula ko pa lang ng trabaho pero heto ako at magle-leave agad. Thank God at pinayagan ako ni Shin.

Ilang araw na akong pumupunta dito sa bahay ni Landrien pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naitatanong sakanya kung kailan niya ito pinatayo. Hindi sa interesado ako pero curious lang.

Tumikhim ako para mapukaw ang atensyon niya na may binabasa sa folder habang may suot nanamang salamin na mas lalong nagpa-hot sa itsura niya.

"So, kailan mo pala napagawa itong bahay?" tanong ko.

Tumingin siya saakin sandali bago muling binalik ang tingin sa binabasa niya. "Last year lang. Actually, pinatayo ko lang ito para may mauuwian ako pero sa totoo lang ay halos hindi na ako umuuwi dito dahil sa opisina na ako halos natutulog." he said without looking at me.

Tumango ako at naintindihan ang sinabi niya. "That's why you have an room at your office," tumatangong sabi ko.

Nakita ko siyang biglang natigilan sa binabasa. Kalaunan ay tinignan niya ako gamit ang mapag-tanong mga mata. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa naging reaksyon niya, parang gulat pa siya sa sinabi ko.

"H-How did you know?" hindi makatinging tanong niya saakin.

I chuckled. "Remember, pumasok ako sa office mo tapos habang naghihintay sa'yo ay nagawi ang tingin ko sa maliit na kwarto at doon ko nalamang saiyo pala 'yon. Hindi ko naman sinasadyang tignan." nahihiyang ngumiti ako sakanya.

Bakas pa rin sakanyang mata ang gulat kaya tumawang muli ako. "Anong nakita mo?" makahulugang tanong niya.

Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko dahil napansin kong nang binaggit ko ang tungkol sa kwarto ng office niya ay parang bigla siyang kinabahan. Parang may tinatago na kung ano, wala naman akong nakitang kakaiba.

And something hit on my mind. Na-realize ko na baka kaya kinakabahan siya dahil mamaya ay may makita akong damit ng babae or, gamit na condom. Well, it's normal for him.

"Wala naman, kama lang. Bakit? Are you expecting me to see something?" mapanuksong tanong ko sakanya.

Nakita kong lumunok siya ng malalim. "Ah, wala. Sige na, let's discuss for tomorrow." pag-iiba niya sa usapan.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now