Chapter 28

768 29 0
                                    

Chapter 28

Revenge

Ilang segundong namayani ang katahimikan. Nang sabihin iyon ni Landrien ay para akong natulos sa kinatatayuan. Wala akong masabi at tanging nakaawang lang ang labi ko nang mga sandaling iyon.

Naputol ang katahimikan nang biglang may kumatok sa pintuan. Nang walang sumagot saamin ay biglang pumasok sa pinto ang kanyang secretary na si Nina. Noong una ay tila nagulat ito dahil ang tahimik naming dalawa pero kalaunan ay dumiretso pa din ito.

"Sir, may urgent meeting po kayo with Mr. Sandoval." parang nagdadalawang isip pa nang sabihin iyon ni Nina.

Sandali pang napatitig si Landrien saakin kalaunan ay binaling din ang tingin nito kay Nina. "Okay, susunod ako," sabi niya at muling binalik saakin ang tingin.

I want to ask him why he's staring at me. Pakiramdam ko tuloy ay ang dumi ng mukha ko sa paraan ng titig niya saakin. Inaamin ko na kahit nakalipas na ang ilang taon ay hindi ko pa ring maiwasang hindi ma-intimida sa titig niya.

I badly want to hug him. Miss na miss ko na siya. Miss ko na marinig ang boses niya, hindi iyong malamig. I missed his hug and kisses. Kung p'wede ko lang balikan ang mga araw noong sabay naming pinag-uusapan ang tungkol sa pangarap namin.

Aaminin ko na lubos akong nasaktan nang marinig ko ang kanyang boses. Cold iyon at ganoon din ang titig niya saakin. Para bang isa akong bagay na kinamumuhian niya dahil sa paraan ng titig niya saakin.

Bahagya siyang tumikhim para mapukaw ang atensyon ko. Kaagad ko siyang nilingon at roon ko lang nalaman na nakatayo na pala siya sa harapan ko at handa ng umalis. Wala naman sa sariling napaayos ako ng tayo.

"I will go for now. Wait me here in my office, may pag-uusapan pa tayo." he said in a baritone voice that made me kill alive.

Tigalgal akong nakatitig lang sakanyang mukha at hindi na hinintay ang sasabihin ko dahil dumiretso na siya sa pinto and the next thing I knew, wala na siya sa paningin ko at narinig ko ang pag-sarado ng pinto.

Sa ngayon ay wala akong kasama dito sa office niya. Iniwan niya akong mag-isa dito dahil may urgent meeting siyang pupuntahan kaya wala akong nagawa at pinalibot ko nalang ang tingin sa kabuonan ng office niya.

Unang tingin mo pa lang dito ay alam mo nang lalaki ang may-ari nito. Wala sa sariling napaisip ako kung may babae na kaya siyang dinala dito at... alam niyo na, boys will always be boys. Hindi naman p'wedeng wala siyang dalhin na babae sa office niya tapos ay may gagawin silang milagro.

Napapilig ang ulo ko sa mga naiisip ko. Bakit ba kusa nalang iyong pumasok sa isip? Naiinis ako sa sarili ko dahil sa isiping iyon at mas nakakainis pa lalo dahil nakakaramdam ako ng kakaibang reaksyon na hindi ko naman dapat maramdaman.

Pinigilid ko ang mga mata ko sa buong office niya. Cream and black ang theme. May isang cabinet roon kung saan nakalagay ang madaming libro niya. Nilapitan ko iyon at hinugot ang isang libro.

Hindi na ako nagulat nang makitang about sa law ang libro niya. Well, para saan pa at naging Lawyer siya. Nadaan din ng tingin ko na may parang pinto sa likod ng opisina niya, parang may sariling paa ako at dinala ako roon.

Nang makatapat sa pinto ay nagulat pa ako nang buksan ko iyon ay nagbukas siya at hindi naka-lock kaya malaya akong nakapasok sa kwarto na iyon. Kung titignan mo ito ay parang kwarto ito ni Landrien dahil may kama na sakto lang para sa isang tao at may aircon sa loob, may cr din sa kabilang dulo at cabinet.

Amazed ng tinignan ko ang buong silid. I guess, kapag over time siya sa trabaho ay dito na siya natutulog. Napaisip tuloy ako kung saan na kaya siya nakatira. Malamang kasi ngayon ay may sarili na siyang bahay, knowing na isa na siyang succesful na Lawyer.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon