Chapter 5

893 93 2
                                    

Chapter 5

Tame

Nanatili talaga ang titig ko sa lalaki habang sinasayaw niya ako. Parang bumagal ang oras at napansin kong parang ang tagal na naming nagsasayaw kahit sa isip ko lang naman talaga iyon.

Nanliit ang mga mata ko habang tinitigan ang mismong mga mata niya. That brown eyes, that heart shaped lips. Ayon lang ang alam ko sakanya at wala ng iba.

Nagsisimula na tuloy akong maging interesado lalo sa lalaking ito. Gusto kong makita ang mukha niya at gusto kong malaman ang pangalan niya, nang sa gano'n ay parang napanagutan niya na din ang pagkuha sa unang halik ko.

Gusto kong magsalita pero parang may pumipigil saakin na hindi ko alam. Handa na sana akong magsalita nang tumunog ang bell, hudyat na magpapalit na ng partners.

Ngunit sa gulat ko ay nanatili ang hawak niya sa bewang ko, ganoon din ako sakanya na parang ayaw talaga naming maghiwalay sa isa't isa. Nagrereklamo na ang lalaking katabi niya at sabing switch partners na daw pero hindi siya nagpatinag.

Kumunot naman ang noo ko at binitawan ang pagkakahawak ko sakanya, umatras din ako para mabitawan niya ako at doon niya palang ako tuluyang binitawan. Agad akong lumipat sa next partner ko.

Pagkatapos ng sayaw na iyon ay bumalik na ako sa table namin. Nakatulala lang ako sa baso at malalim ang iniisip.

Sobrang nagtataka lang ako kung bakit hindi niya kaagad ako binitawan kahit na narinig niya ang bell na iyon? Imposible naman sigurong hindi niya marinig, at kung hindi man marinig ay makikita niya naman na nagpapalit na ng mga partners pero nanatili lang siya.

I he thinking the same thing? Iniisip niya din kaya na parang pamilyar siya saakin? Parang pamilyar ang mga mata ko? Sana nga ay gano'n din ang iniisip niya para makuryoso din siya saakin.

All I want is to know about his name, kahit pangalan nalang at ako na ang bahala para isearch ang pangalan niya sa mga social medias nang sa gayon ay makita ko ang mukha niya.

I know he has that looks, mapapansin mo iyon kahit nakasuot siya ng maskara. Nakakabighani din ang kanyang mala-tskolateng mga mata at ang mala-pusong labi niya. What more pa kung makita ko ang kabuuan niya, baka mahulog na ako nito.

Alam kong kanina pa ako nakatulala at parang walang naririnig sa tabi ko. Nabalik lang ako sa katinuan nang kalabitin na ako ni Kaia at agad akong pinanlakihan ng tingin.

"Zya, kinakausap ka!" sabay nguso niya sa matandang lalaking nasa tapat ko at mukhang kanina pa yata ako kinakausap.

Napaayos naman ako ng upo at inayos ang buhok kong medyo nagulo dahil kanina. Napatingin ako sa matandang lalaking nasa harap ko at nakitang nasa tabi niya Dad. Mukhang pinakilala na ako pero hindi ko lang napansin.

"U-Uhm, sorry?" nahihiya kong sambit, at halos makahinga ng maluwag nang ngumiti ang lalaki saakin.

"Sabi ko kung saan ka nag-aaral, sinabi kasi ni Anthony na matalino ka daw at sumasali sa mga beauty contest." sabi niya sabay turo sa Dad ko na nakangiti lang sakanyang tabi.

"Ah, opo." tanging sagot ko at hindi ko napansing tinanong nga pala niya ako kung saan ako nag-aaral, sasagot na sana ako nang bigla silang tumalikod ni Daddy at umalis na roon para mag-usap.

Galit ba 'yon? Kasalanan ko ba kung bakit sila umalis? Hindi ko alam.

Nanatili nalang ako nakaupo at inubos nalang ang mallows na kinuha ko kanina, actually ay second batch ko na ito dahil paborito ko talaga ang mallows lalo na kapag idi-dip ko ito sa chocolate.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kuya, kaya naman napalingon ako sakanya.

I smiled and nodded. "Oo naman. Why?" kalaunan ay tanong ko sakanya.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon