Chapter 30

1K 36 0
                                    

[Warning: R-18]

Chapter 30

Crazy

Habang papalabas kami ng court room ay parang tangang nakatulala lang ako sa harapan. Ilang beses akong tinangkang kausapin ni Landrien pero hindi ko siya pinapansin dahil mas'yadong okupado ang isip ko ngayon.

Sobrang bilis ng pangyayari. Ngayon ay dinadala na si Kaia sa presinto upang makulong dahil siya na rin mismo ang sumuko at umamin sa kasalanan niya. Hindi lang isa, marami siyang kasalanang nagawa saakin at lahat ng iyon ay hindi ko inaasahan.

Sabi ko sa sarili ko noong nalaman na posibleng siya nga ang may gawa ng lahat ng ito ay tatanggapin ko ang buong katotohanan. Ngunit ngayon ay parang hindi matanggap ng mismong sarili ko kahit nasa harap ko na ang mismong katotohanan.

Habang naglalakad palabas ay kamuntikan na akong matapilok at matumba sa kinatatayuan. Mabuti nalang ay may matipino agad na brasong kumapit sa baywang ko para pigilan iyon.

"Shit! Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa baywang ko dahil pansin ko din na may mga nakatingin na saamin. Siguro ay nagtataka kung anong nangyayari saamin.

Nginitian ko lang siya ng tipid. "Hindi. Okay lang ako." halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ko.

Naiiling na inalalayan niya nalang ako habang naglalakad kami palabas ng court room. Nang nakalabas ay parang nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi ay parang naiipit ang sarili kong hininga dahil sa tensyong naganap.

Batid kong narinig ni Landrien na huminga ako ng malalim dahil nilingon niya ako. Nang magtama ang mata namin ay kaagad ko siyang nginitian ng matamis, utang ko sakanya kung bakit nangyari ang mga bagay na ito.

Without his help, malamang ay sa kangkungan na ako dadamputin.

"You sure you're okay? Kanina pa kita napapansing nakatulala." mahinang sinabi niya saakin para siguro hindi marinig ng ibang tao.

Nag-angat ako ng tingin sakanya at tumango. "Oo, ayos lang ako. Salamat nga pala." ngiti ko sakanya.

Hindi na siya sumagot at tanging tango na lamang at iginanti saakin. Napatigil naman ako sa pagtingin sakanya nang biglang lumapit saakin sila Mommy at Daddy at bigla nalang akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi ko inaasahan na mangyayari ang mga bagay na 'to!" hagulgol ni Mommy.

Hindi ako nakaimik at pinipigilan kong umagos nanaman ang luha ko. Kanina ay medyo okay na ako pero ngayong muling pina-alala saakin ni Mommy ang nangyari kanina ay hindi ko nananaman napigilan ang sarili ko.

Nang tignan ko si Daddy ay tanging tango lang at binigay niya saakin at hanggang ngayon ay pilit pa din niyang inaawat si Mommy. Naaawa na nga ako sakanya dahil alam kong kanina pa niya pigil ang nararamdaman habang nasa loob.

"Mom, kalma po," pagpapakalma ko sakanya habang naka-yakap pa din saakin at walang tigil ang hagulgol.

Rinig ko ulit ang hikbi niya."How can I calm down? Halos atakihin ako sa puso sa mga nalaman ko sa loob. Hindi ko matanggap na ang kapatid ko at halos tinuring ko ng anak ko ay magagawa pala iyon sa'yo! Kung alam ko lang may tinatago siyang inggit sa'yo..."

I sighed. "Mom, wala po kayong kasalanan. Miski ako ay nagulat din po sa mga nangyayari pero wala na po tayong magagawa dahil nangyari na iyon. Kasalukuyan na pong dinadala ngayon si Kaia sa presinto."

Maya maya lang ay kumalas na siya sa pagkakayakap saakin. Dali dali niyang pinunasan ang luha sa pisngi at pinaypayan pa niya ang sarili. Umayos din siya ng tayo na animong inaayos niya ang sarili.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon