Chapter 19

619 50 1
                                    

Chapter 19

Past

I swear to God that I really saw her with my own eyes. Kaya naman ganoon nalang ang gulat ko nang magtama ang tingin namin mula sa peephole na sinisilipan ko, kaagad akong umatras nang magtama ang tingin naming dalawa.

Still, I can't recognize her pero isa lang talaga ang alam ko. Babae talaga ang nakikita ko ngayon. Kahit all black ang suot niya at may mask sa buong mukha ay hindi mo maiiwasang mapansin na babae ang tindig ng katawan niya.

Muli akong sumilip sa peephole at nakitang nandoon pa din siya. She's like, she is waiting for me to open the door so I did. Pero I make sure na hindi magigising si Landrien dahil baka kung ano pang gawin niya.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob para hindi makalikha ng ingay, at nang mabuksan ko na ang pinto ay bumungad saakin ang babaeng may suot na maskara.

Lumunok muna ako habang nakatingin sakanya at siniguradong hindi pa gising si Landrien bago ko sinarado ang pinto at lumabas sa condo para harapin ang babaeng ito.

Nang magawa ko na iyon ay naka-harap na ako ngayon sakanya. She's just standing there and staring at me. Kita ko ang mga mata niya pero hindi ko mas'yadong makilala kung sino iyon, pero nakakaramdam ako ng parang pamilyar siya saakin.

We stared at each other for a few minutes. Noong akala ko ay papatayin na niya ako ngayon din ngunit nagkakamali ako. Bumaba ang tingin ko sa suot niya at tinignan kung may dala dala siyang baril or anong patalim na p'wedeng gamitin saakin.

Hindi ko pinahalata na nanlaki ang mga mata ko nang makita sa gilid ng pantalon niya na may nakalagay roon na baril, it was a pistol gun. Kumurap kurap ako at muling binalik ang tingin sa babae.

I heard her chuckled, pamilyar saakin ang tawa na iyon pero hindi ko lang maisip kung sino. Maybe naalala ko lang ang nasa panaginip ko. Ganoon na ganoon ang tawa niya kaya sigurado akong iisa lang sila na nasa panaginip ko.

Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit. Medyo naguguluhan pa ako lalo na kapag naiisip ko ang tungkol sa panaginip na iyon at paanong konektado iyon sa mga nangyayari saakin ngayon. Hindi ko na talaga alam. My brain is going to explode.

Pinilig ko ang ulo ko at mas lalo pa siyang tinitigan. Gusto kong tanggalin ang mask niya ngayon din para matapos na itong lahat. Hindi ko siya ipapakulong kung natatakot siya. May natitira pa akong bait kaya I'm just going to confront her. Iyon lang ang gagawin ko.

Pasalamat siya at hindi ko siya ipapakulong. Kung tutuusin nga ay p'wedeng p'wede ko siyang idemanda sa mga ginagawa niya saakin, tinatakot niya ako at sinusundan kung saan ako naroon. At isa pa ay baka hindi lisensyado ang baril na dala dala niya.

"Don't stare at me like that," sabi ko nang mapansin ko na kanina pa rin siya nakatitig saakin.

Iisipin kong baka mamaya ay nabaril na pala niya ako at hindi ko lang iyon napansin dahil mas focus ako sa titig niya. Muli ay bumaba ang tingin ko sa baril na nasa pantalon at kalaunan ay tumingin sakanya.

Kumunot ang noo ko nang may kinuha siya sa bulsa, noong una ay akala ko baril iyon kaya bahagya akong umatras ngunit natigilan ako nang makitang ang kinuha niya pala ay walang iba kung hindi ang phone niya.

I was shocked. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa self defense pero phone lang pala niya ang kinuha. Pero mabuti na nga iyon at mukhang hindi pa niya ako papatayin.

Nakanganga lang ako at nakakunot ang noo habang pinagmamasdan siyang parang may tinitipa sa phone, at nang matapos siya ay pinakita niya saakin ang screen ng phone at may naka-type nga roon sa notes.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now