Chapter 20

719 42 1
                                    

Chapter 20

Black

Naiiling na napatitig ako sa wasted na mukha ni Kaia. Kawawa talaga siya dahil parang lantay gulay siyang nakahiga sa sofa, tapos ay nasa ibaba pa nito ang parehas na paa at hindi nakahiga ng maayos.

Inayos ko nag pagkakahiga niya. Dis oras na ng gabi kaya tulog na ang kasambahay namin, kaya naman ako nalang ang mag-aalaga sa babaeng ito. Ayaw ko na din namang gisingin sila Mommy dahil alam kong pagod sila.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng bowl at malinis na towel para ipang-linis sa buong katawan niya. Mabuti nalang at kaagad din akong natapos nang hindi siya nagigising.

Kinabukasan, bumangon ako sa kama at bumaba patungong dining area at roon ko naabutan sila Kaia at Mommy na kumakain, pero wala si Daddy na malamang ay nasa work.

Lumapit ako sakanila at hinalikan sila sa pisngi. Mukhang bad mood ngayon si Kaia dahil busangot ang mukha nito, habang si Mommy naman ay mukhang sinesermunan si Kaia. Napatawa nalang ako at umiling.

Tumusok ako ng hotdog at kumuha ng tinapay para kainin. Habang kumakain ay kitang kita ko ang padabog na nguya ni Kaia habang nakatingin kay Mommy at si Mommy naman ay hindi lang iyon pinapansin.

"Sinasabi ko sa'yo, Kaia, akala mo siguro hindi ko alam na lasing ka nanamang umuwi kagabi? Kung hindi pa kita nakitang lantay gulay na nakahiga sa sofa ay hindi ko pa malalaman. Mabuti nalang ay inalagaan ka ni Zya." sermon ni Mommy habang kumakain kami sa hapag.

Tinikom ko nalang ang bibig ko at tahimik nalang na kumain. Parang hindi na ako nasanay sa kanilang dalawa na parang hindi magkasundo. Daig pa ako ni Kaia dahil siya ang laging pinagaligan ni Mommy, ako kasi ay madalas lang.

Well, mukha namang anak na din ni Mommy si Kaia simula nang namatay ang parents nila. Bukod sa dito siya nakatira na ay hindi din nalalayo ang edad naming dalawa kaya tinuring ni Mommy si Kaia na parang anak na din niya.

Pasabog na binaba ni Kaia ang tinidor at sinamaan ng tingin si Mommy. "Ano naman sainyo? Wala naman kayong pake." sabay irap niya sa kawalan.

Hinampas ni Mommy ang lamesa ng malakas kaya napag-igtad naman kaming dalawa ni Kaia. Galit na galit si Mommy at alam kong dahil iyon kay Kaia, nagpupuyos na siya sa galit dahil sinasagot pa siya nito.

"Keep your mouth shut, Kaia. Hindi kita tinuruang sumagot." sabi ni Mommy sa matigas na boses kaya naman natigilan si Kaia.

Pagkatapos kong kumain ay ako na din ang nagligpit ng pinagkainan namin kahit may mga maids naman kami, pinilit ko na nga lang sila at sinabing ako na ang mag-huhugas tutal ay minsan lang naman ako nalalagi dito.

Pumunta ako sa garden kung saan nasa likod ito ng bahay. May swimming pool din roon pero mas pinili kong maupo nalang sa bench para makalanghap ng sariwang hangin.

Ilang linggo na kasi ang nakakalipas at wala akong ibang maisip kung hindi ang kapakanan ko. Natatakot pa rin ako kahit alam kong marami akong mga bantay, alam kong hindi pa rin iyon sapat kung matalino ang babaeng 'yon.

Speaking of that, hindi na siya muling nagparamdam saakin. Hindi ko alam kung bakit tumahimik siya bigla pero iyon ang kinakatakot ko sa lahat, kapag nanahimik ang isang tao. Dalawa lang ang ibig sabihin no'n, it's either tumigil na talaga siya or may masama siyang binabalak.

Napabuga ako ng marahas na hininga at kasabay no'n ay ang pag-ihip ng sariwang hangin na nanggagaling sa puno ng garden, hinahangin din nito ang mga matataas na damo kaya dito ko nalang tinuon ang atensyon ko.

Naalala ko nanaman ang panaginip ko no'ng nakaraang linggo, namatay daw ako sa panaginip ko. Oo nga at panaginip lang iyon pero hindi ko pa ring maiwasang mangamba lalo na't hindi ko alam kung tumigil na ba talaga siya or nagsisimula palang.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now