Chapter 9

764 81 84
                                    

Chapter 9

Booth

Nagising ako na parang ang lamig ng pakiramdam ko, may humahaplos sa braso ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Landrien na sobrang lapit ng mukha saakin habang pinupunasan ang braso ko gamit ang basang towel.

Nang makita niyang gising na ako ay kaagad siyang lumayo ng kaunti saakin pero patuloy pa din siya sa pagpupunas sa braso ko, at sa leeg ko at sa mukha ko.

"Morning," he greeted in a husky voice.

"Good Morning," medyo masiga ko ng bati.

Napabangon ako ng dahan dahan, natawa pa nga ako ng alalayan niya pa ako at hinawakan pa ang likod ko para tulungan akong makaupo sa kama at isinandal niya ako sa headboard.

Napangiti naman ako sa ginawa niya, sinuklian niya din ang ngiti ko.

Napatingin ako sa sofa sa katabi lang ng kama ko. Malaki iyon at mahaba pero kung siya ang hihiga roon ay malamang baka hindi siya nagkasya kagabi. I wonder if he sleeps comfortably.

"Nakatulog ka ba ng ayos?" tanong ko sakanya pagkatapos kong inumin ang tubig inabot niya.

"Uh-huh," sagot nito pero halata sakanyang namumungay na mga mata na puyat siya.

Nag-aalala tuloy ako. Kahit hindi niya sabihin saakin ay alam kong hindi siya nakatulog ng ayos. Alam kong hindi siya kasya sa sofa ko kasi mas'yado siyang matangkad. Malamang ay pinagpilitan niya pa ang sarili niyang makahiga ng ayos.

"You know, dapat umuwi ka nalang tapos bumalik ka nalang din dito kapag umaga na. Para nakatulog ka ng maayos." nag-aalala kong sinabi sakanya.

Ngumiti lang siya ng tipid saakin and he patted my head, ginulo niya ang aking buhok at pagkatapos ay narinig ko ang marahan niyang halakhak.

"Binabantayan kita, of course. Pati nakatulog naman ako ng maayos." he seriously said.

Tumango ako kahit hindi ako naniniwala sakanya. I can see it on his eyes. Alam ko kapag nagsisinungaling ang isang tao. I can feel it at masasabi kong hindi talaga siya nakatulog ng maayos.

Tinignan ko ang wall clock at nagulat nang makita na alas sais palang pala ng umaga. Usually ay hindi ganito ang gising ko kahit may pasok. Nagigising kasi ako ng mga 7am dahil 9am pa naman ang pasok namin.

Pero dahil siguro nandito si Landrien ay nagising kaagad ako. Siguro kung wala siya ay baka mamaya pa ako nagising.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Kung hindi ay 'wag ka na munang pumasok." sabi niya.

Kaagad nanlaki ang mata ko at umiling, naalala ko kasi na kailangan ako roon sa school dahil mag-aayos na kami ngayon ng booth para next week. Ilang araw nalang din kasi ay Foundation Week na.

"Ayos na ako, papasok ako." I said with finality.

"Sigurado ka? I checked your temperature earlier, may sinat ka pa at kapag kumilos ka pa ng kumilos ay baka mabinat ka." nag-aalangan niyang sabi.

"Seriously, ayos na talaga ako. Hindi ako mas'yadong mag-kikilos dahil ayoko namang mahilo nanaman ako." sigurado kong sabi sakanya.

"Kumain ka na. Bumili ako ng pagkain kanina d'yan sa convinience store." paalala niya saakin.

"Kanina ka pa gising, 'no?" akusa ko sakanya.

"Hindi naman, nagising lang ako ng mga 5am. Iyon naman talaga ang usual na gising ko." ngiti niya saakin.

Inalalayan niya ako patayo at nang nakatayo ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Kagabi kasi ay hindi ko talaga kayang kumilos ng sobra pero ngayon ay nakakaya ko na. Siguro ay dulot ito ng pag-aalaga saakin ni Landrien.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Where stories live. Discover now