Chapter 25

758 28 0
                                    

Chapter 25

Free

Halos isang linggo na din nang huli kaming nag-usap ni Landrien. Nang sinabi niyang umalis ko ay kaagad din akong umalis at hindi na bumalik. Dapat nga ay babalikan ko pa siya at lilingunin kaso wala na siya sa likod ko, umalis na siya.

Hindi ko ma-ipaliwanag ang nararamdaman kong iyon na pakiramdam ko ay binagsakan ako ng matigas na bagay sa buong katawan ko kaya hinang hina ako lalo. Ang sakit lang makita na umalis na nga siya.

Umalis siya... ang may galit sa puso niya nang umalis siya.

Halos isang linggo na din akong walang kain. Alam kong iyon na ang huling beses naming pagkikita ni Landrien. Hindi na ako aasa na babalikan niya pa ako. Wala man kaming closure pero sapat na iyon para maintindihan ko na break na nga kami.

Masakit mang isipin pero iyon ang totoo. He left because of me. Ako ang may kasalanan noong una pa lang, kaya siya nagalit saakin at kaya namatay ang parents niya. Mas masakit saakin na malaman na natunghayan ko kung paano sila pinatay.

Napatitig nalang ako sa pader dito sa kwarto ko sa bahay namin. Noong na-discharge ako sa hospital ay dito muna ako pinanatili nila Mommy at Daddy para daw sa proteksyon ko, sinabi ko na din kasi sakanila ang totoong nangyari kaya kasalukuyan na iyong ine-imbestigahan.

Naalala ko nanaman si Van Isaac. Ang mga sinabi niya kay Landrien na wala namang katotohanan. Hindi ko alam kung bakit pero naalala ko na naging kaibigan ko nga siya noon ngunit bakit binabaliktad na niya ako ngayon?

Huminga ako ng malalim at inalis ang tingin sa pader. Ilang araw na din akong hindi lumalabas ng bahay at hindi pumapasok ng school dahil iyon ang sabi nila Mommy, natatakot daw sila na maulit ang nangyari.

Kaya ang ginagawa ko nalang dito ngayon ay tinetext si Shinalyn. Alam niya na din ang nangyari at sinabihan ko siyang sana ay wala siyang pagsabihang iba, ang sabi niya naman ay hindi niya hahayaang may ma-missed ako sa class.

So, kahit wala ako sa school ay tinutulungan ako ni Shin para maka-catch up sa lessons. Sinesendan niya ako ng notes sa notebooks niya at binabasa ko iyon. At kapag may test kami ay excuse muna ako dahil pinakiusapan din sila nila Mommy.

Bantay sarado ako dito sa bahay. Pakiramdam ko nga ay nasa kulungan ako dahil halos i-kutin ko na ang buong bahay namin para lang hindi ako ma-bore sa loob ng kwarto ko.

Nakakasawa naman kasi kung parati lang akong manonood ng Netflix sa kwarto ko. Na-realize ko na kapag buong araw mo ginawa ang isang bagay ay may pagkakataong bigla ka nalang mag-sasawa at mag-iisip ng ibang bagay na gawin.

Wala din akong mas'yadong makausap dito sa bahay. Sila Mommy at Daddy ay nasa work at gabi pa ang uwi nila at si Kuya naman ay may pasok at naabutan ko lang siya tuwing hapon. Samantalang si Kaia ay hindi ko nanaman alam kung nasaan siya.

Sinabi ni Mommy na maaaring nasa bahay daw si Kaia ng kanyang kaklase or baka daw kumuha ng hotel. Miski kasi sila ay walang alam at basta nalang daw itong umalis noong huling bisita ko dito, which is iyong nag-away kaming dalawa.

Walang alam sila Mommy roon, pati ang kasambahay ay hindi alam iyon kaya clueless sila ngayon kung bakit bigla nalang siyang umalis. Samantalang ako ay naiintindihan kung bakit niya iyon ginawa. She just want a space.

Speaking of space, iyan din ang sinabi ni Landrien. Pinilig ko ang ulo ko nang maalala nanaman ang huling usapan namin ni Landrien. Masakit pa din at hindi ko malimutan ang ginawa niya saakin, parang pinamukha niyang wala siyang tiwala saakin.

And it hurts... so bad.

If only I can forget about that memory ay gagawin ko talaga. Kasi ayokong isipin ang bagay na iyon, tumutulo nanaman ang luha ko sa tuwing naiisip ang nangyari noong nakaraang linggo.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon