CHAPTER 50.2 : Live or Leave?

1.5K 49 29
                                    

A/N : Bago ang lahat, BASAHIN NIYO 'TO! IMPORTANTE 'TO! Hindi ako makakapaupdate agad-agad. End of entries ko na 'to. Juthko! Sa dami po ng istorya ko, nagkakabuhol-buhol na ang connectors ng brains ko XD. Magpapahinga po muna ang NOBMEOP. PERO! Hindi pahinga na as in, wag na kayong umasang hindi ko itutuloy 'to. Hayaan niyo lang po akong magpahinga. Kailangan kong magtype ng magtype para sa next updates para SABOG ulit kayo. Ayoko ng paisa-isa. Nakakawalang ganang magbasa pag-ganon na putol-putol yung updates lalo na kung thriller yung story. Hindi ko naman sinasabing maganda 'tong storyang 'to, ang akin lang, ayokong iniispoil ang mood niyo sa pagbabasa. Pwede po ba yon? Ayokong mangako pero sisikapin ko na tatapusin ko talagang storyang 'to kahit anong mangyari. Kung iiwan ko man kayo, I'll make sure na TAPOS na 'tong NOBMEOP. Hindi ako nagpapaalam, nagpapaliwanag lang na, saglit lang 'to. Saglit lang na mananahimik ang NOBMEOP. Yung lang. Salamuch. I love you all. *send flying kisses* Happy Reading :D

~~~

Tao’s POV

Nauna silang lumabas samin. Sayang hindi ko naabutan. May itatanong sana ako pero mukhang halata naman ang sagot. Tiningnan ko lang si Luhan na tahimik ngayon. Inakbayan ko siya kaya napatingin siya sakin.

 

 

“Hindi lahat nang problema, kailangan hanapan ng solusyon. Minsan, kailangan mo lang magbura at magdagdag, para makita mo ang sagot.” Sabi ko sa kanya’t napangiti siya.

 

“Hindi ko alam saan niya nahagilap yon pero… I think it was you who teach her about it.” I mess his hair and he punch my arm slightly.

 

 

“Hoy, Sali kami.” Inakbayan naming lahat ang isa’t isa atsaka masayang naglakad. Ang pagkakaibigan, kahit isa ang pinapantasya, basta may problema ang isa, kailangan nandiyan ka sa tabi niya. Nagtatawanan lang kami ng makakita kami ng commotion sa second building. Napaalis kami sa pagkakaakbay. Nagtatakbuhan halos lahat ng mga estudyante doon.

“Dali! Tingnan natin!” Pinigilan ko yung isang lalaking patakbong pupunta doon.

“Anong meron?”

 

“Meron daw pong naaksidente.” Binitawan ko na siya at tumakbo lang sila papunta doon.

 

 

“Better not to join. Baka makagulo lang tayo sa aksidenteng nangyari doon.” Saad ni Chen. Mabuti pa nga siguro. Aalis na sana kami pero pinigilan ako ni Chanyeol kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit? Wag mong sabihing makikiusyoso ka pa?”

 

 

“Hindi ba si Allaine yon?” Tiningnan ko yung tinuturo niya. Nakita ko nga si Allaine at parang umiiyak siya. Wala ng sabi-sabi at patakbo kaming lahat na pumunta doon.

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon