CHAPTER 10-11 : Missing Chapter

1.5K 55 5
                                    

A/N : I'm sorry, late post. Di ko napansin nalaktawan ko pala. sorry po~ sorry sa nagtaka't nagtanong dun sa Chapter 11~ sorry and thank you dahil napansin niyo (@ChocovoreGailie and @Mhildareblade03)~ *bow*

~~~

Xyla’s POV

Nilingon ko si Chanyeol na hihikab-hikab. Kung bakit ba naman nagpakapuyat sa pagrereview e bagsak rin naman sa exam? Tch.

 

 

“Xandria, pahiga a?” Hindi pa man ako nakakaoo, ginawa na niyang unan ang lap ko. Andito kami sa field at nagpapahangin. Katatapos lang namin sa Math at may klase pa sina Kyungsoo at Chen kaya stuck ako dito sa apat. Nakasandal ako sa puno habang katabi ko si Sehun na medyo nakasandal sa balikat ko’t nakaupo naman sina Luhan at Tao malapit sa binti ko’t mga nagbabasa ng libro. Pinalilibutan nila ako sa madaling salita.

Napahikab ako’t tinignan si Sehun na nagbabasa rin. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya’t pumikit habang hinahaplos-haplos ang buhok ni Chanyeolito. XD Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko’t mga brasong pumulupot sa likuran ko. Nagmulat ako to see Sehun’s arms supporting me. Pumikit nalang ako ulit. Ang sarap matulog kapag ganito kapresko at walang istorbo---

 

 

“XYLA! GUIZ! XYLA! GUIZ!” Nangunot ang noo ko’t asar na nagmulat to see a running disturbance towards us. Alam niyo yon? Yung matutulog ka na’t nadadala na ng panaginip tapos biglang may eeksena? Bwisit di ba? Kinuha ko yung libro ni Chanyeol na nakatakip sa mukha niya’t ibinato sa Bwisit na nasa harap namin.

 

 

“Xyla! Guiz! Xyla! Guiz! Laurence ang sarap mong---GRRRR!” Bumuntong hininga nalang ako. Bwisit talaga ‘tong lalaking ‘to. Laging panira ng moment.

 

 

“Sorry. Naistorbo ko ba kayo?”

 

“OO!” Sabi naming lahat at naggrin wide lang at peace sign ang loko.

 

 

“Anong ipinunta mo dito? Kung makatawag ka para kang nasunugan.” Umupo siya sa paanan ko banda na parang tuwang-tuwang may ibabalita.

 

 

“Xyla… guiz…”

 

“Ano?” Tanong ulit naming lahat habang nakatingin sa kanya.

 

“Wala. Gusto ko lang kayong tawagin.” Saad niya’t ngumiti ng tagumpay. Kinuyom ko yung kamao ko’t tinitigan siya ng masama.

 

“Alis!”

 

“Ito naman. Di na mabiro.”

 

“I’m not into jokes Laurence. Alis! Kung wala kang sasabihin, umalis ka!”

 

“Awww… pinapalayas mo ako?” At nagkunwari pa siyang naiiyak. Ang sarap talaga niyang ibalot, SOBRA.

 

“E ano ba kasing ginagawa mo dito? Ano bang kailangan mo Laurence?” Tanong ni Chanyeol na nakaupo na sa tabi ko.

 

 

“Gusto ko lang sabihin na namimiss na kayo ni Laurene.” Namilog ang mga mata ko’t pinanlakihan ng mga mata si Laurence. Just what the hell is he saying? Nang-iinis ba siya?

 

 

“Talaga? Kamusta naman daw siya?” Tanong ni Tao.

 

“Ayos lang siya, mas lalong gumaganda.” Saka ako tinignan ni Laurence at nginitian. Lagot talaga ‘to sakin. Makita niya lang.

 

“Sino si Laurene, Laurence?” Painosente kong tanong.

 

“Pinsan ni Laurence si Laurene, Lala~” Paliwanag ni Sehun at bahagya akong tumango.

Marahil nagtataka kayo kung bakit nakikihalubilo ‘tong isip batang pinsan ko sa mga lalaking ‘to. Well, gumawa lang naman ako ng paraan para normal na makasalamuha ako ni Laurence. When I enrolled, si Laurence ang tumulong sakin kahit ang totoo e ako lang naman ang tumulong sa sarili ko. Nagpanggap lang siya na tutulungan ako para magkita kami’t mapalapit siya kina Chanyeol at sa akin.

But still… wala silang kaalam-alam sa katotohanan na ako… ay ang prinsesang akala nila’y nasa England. Wish ko lang, kapag nalaman nilang ako si Laurene, walang magbago.

 

 

Tao’s POV

“Xyla, please?” Di ako makapagconcentrate sa pagbabasa dahil kay Laurence. Bakit ganyan siya? Kung ituring niya si Xyla parang si…

 

“Namimiss ko na si Laurene. You know what Xyla? Nakikita ko sayo ang pinsan ko. Sorry if I’m acting like this towards you. Miss na miss ko lang yung pinsan kong yon.” Napatingin tuloy ako kay Laurence na halatang malungkot ang mga mata. Naunahan niya ako. Sa Nakikita ko nga, kung ituring niya si Xyla parang si Laurene. Marahil nga namimiss niya na yung pinsan niya’t si Xyla ang Nakikita niyang si Laurene.

 

 

“Malamang, miss ka narin ng pinsan mo Laurence. But if I were her, hindi ko gugustuhing Makita ka. Kung makayakap ka, feeling mo close tayo? Distance please.” Bahagya akong natawa na nakakunot ang noo. Nagpapasalamat ako’t nilalayo siya ni Xyla sa kanya pero naiinis ako dahil pilit na lumalapit si Laurence.

“Grabe ka naman Xyla. Ang sakit non. Akala ko ba friends na tayo?”

 

“May sinabi ba ako?”

 

“Aww… Sige… alis nalang ako.” Tumayo siya’t nakangusong naglakad palayo.

 

 

“O cya, cya. Friends na tayo. Wag mo kong padaanan niyang tampo-tampo effect mo. Nakakabwisit.”

 

 

“Waaah! Talaga?! Sabi ko na e!” Tumakbo siya’t umupo pabalik pero hindi na sa tabi ni Xyla dahil nakaupo na sa magkabilang gilid niya sina Sehun at Chanyeol. I sighed. Pagbigyan si Laurence. Hindi niya naman siguro gusto si Xyla di ba? Hindi niya naman siguro aagawin sa amin ang prinsesa… di ba?

A Feeling So Strange 3 ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin