CHAPTER 5 : Subjects

2.6K 66 7
                                    

Xyla’s POV

“Aww… aww…” Hindi ako aso. Nasasaktan lang ako sa ginagawang paglinis ni Lay sa mga galos ko.

 

“Ba’t ba kasi inalis mo yung high socks mo?”

 

 

“Ano bang magagawa ko? Eh unfair daw eh. Mas tinulungan lang nila akong mapadali yung laro. Ang laking sagabal nga nung socks and cloak na yun eh. Ouch… dahan-dahan, mahapdi.” I blew the scratch on my legs. Letche! Sa legs pa yung sugat ko.

 

 

“Paanong hindi mapapadali yung laro eh nakatingin lang sayo yung ibang lalaking kalaban natin?” Rinig kong sabi ni Tao.

 

 

“That’s not my fault. Aish! Masakit huy!” Sabunutan ko ‘tong doctor na ‘to eh.

“Hindi mukhang galing sa laro ‘tong mga galos mo. Mukhang kalmot.”

 

 

“Ask those girls. Naiinggit yata dahil mas makinis ang balat ko’t mas maganda ako sa kanila. Kasalanan ko bang ipinaglihi ako sa dyosa?” They all chuckled. Tanong pa nila kay Mama. Sabi ni Mama, kay Aphroditi at kay Hera niya ako pinaglihi. Doon ko siguro namana ang kagandahan ko. Hohoho!

 

 

“Next time, take care of yourself.”

 

 

“Inaalagaan ko naman pero may mga peste talagang mahilig manira.” Nilagyan na ni Lay ng band-aid yung mga galos ko. Nailang pa yata nung sa legs na ilalagay kaya ako nalang naglagay.

 

 

“Ano, maghohome schooling ka nalang ba ulit?” Tanong ni Kris. I shook my head.

 

 

“Naeenjoy ko na ang normal schooling. Ang saya palang magPE ano? Sana PE nalang lagi para naeenjoy ko.” Masaya kong sabi pero hindi masaya ang mga mukha nila. [A/N: Hehe. One of my favorite subjects noong nag-aaral pa ako especially on my college days. Grabe, ang saya lang. Tapos, pabida ka minsan kay crush *3*  tehehehe.]

 

 

“Kung pwede nga lang ipa-ban ang PE niyo, pina-ban ko na. Kung parati ka namang magagalusan, wag ka nalang magPE.” Lay said and so I pouted.

 

“Eh gusto ko eh… Oh! And I remember that we have PE next Tuesday and Wednesday! Excited na ako!” Tumayo ako bigla pero nangalay ata ang mga paa ko kakaupo kaya muntik na akong matumba buti nalang at nasalo ako ni Suho. I giggled but he smiled awkwardly. Binuhat niya nalang ako paakyat sa taas. Panay nga talak ko habang paakyat kaming lahat pero tahimik lang sila.

A Feeling So Strange 3 ✔Where stories live. Discover now