CHAPTER 53.1 : Grayson Sisters

1.1K 50 12
                                    

Chanyeol’s POV

We were just silent inside the car. As in, pure silence. Kahit ata paghinga, pinipigilan pa ng bawat isa wag lang gumawa ng ingay. Nakatingin lang ako sa harap at kita kong ang sama ng timpla ng mukha niya.

 

 

“Turn left.” Sabi ni Chen. Lumiko naman ang kotse.

 

 

Papasok kami ng Acad ngayon at nakasakay kami sa kotse niya habang siya ang nagdadrive. Ayaw niya pa nga sanang pumayag pero wala siyang choice dahil hindi niya matandaan ang daan kaya ang nangyari, iniinstruct sa kanya ni Chen ang daan.

 

 

Medyo nagulat ako nung bumisina siya ng malakas. Not just once but many times. Andami kasing mga student na naglalakad papasok ng Acad at mga nakaharang ang iba sa daan.

 

 

“What a d^mn nonsense pathetic students.” Bwisit niyang sabi pero kahit anong busina niya, di parin kami makadaan dahil ang dami nga. Mga Lower class halos ‘tong mga naglalakad e.

 

 

“Hintayin nalang nat---” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung pinaandar niya yung kotse’t muntik nang may mabangga.

 

“AHHH! MANANAGASA KA BA?! HOY!” Kinalampag nung ilang estudyante yung bintana ng kotse niya. Tinted yun kaya di kita sa loob.

 

“The guts eh?”

 

“Humingi nalang tayo ng pasensya.” Saad namin at tinignan niya kami.

 

“That’s what I’m really going to do.” Napangiti ako’t lumabas kami ng kotse’t hinarap yung mga estudyante.

 

“Ikaw ba ang driver?!” Galit na tanong nung isang babae kay Xandria. I look at her badge and I saw that she’s a middle class siya.

 

“Pasensya na.” Xandria told them at humingi rin kami ng paumanhin.

 

“Pasensya?! E kulang nalang patayin mo kami a?!”

“Oo nga!”

 

“No. What I mean of pasensya is… this.” Napakurap nalang ako sa bilis ng pangyayari. She slapped the girl hard at halos mangiyak-ngiyak yon.

 

“Pasensya’t nakapagpreno pa ako. Kapal ng mukha mong kalampagin ang bintana ng kotse ko?” Matigas niyang sabi.

 

“Hoy! Ikaw na nga ‘tong may kasalanan ikaw pa ‘tong may ganang magalit?!” Halos mga babae pa man din ‘tong mga kaharap namin.

A Feeling So Strange 3 ✔Where stories live. Discover now