CHAPTER 37.2 : Move or Die

1.2K 51 6
                                    

Bel’s POV

Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my---Ulit-ulit? Redundancy? Geez! Di ko ma-take yung nakita ko. Kinikilig ako! Kiniki---

 

“HUY!”

 

“Ay Baboy!” Sinamaan lang ako ng tingin ni Baekhyun. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Aatakihin pa yata ako sa gulat dahil dito.

 

“Hindi ako baboy. Anong ginagawa mo diyan?” Tanong niya sakin. Paano nagea-eavesdrop ako sa kwarto ni Xyl. Hinila ko siya palayo saka ako nagpipigil ng ngiti at tuwa. But I can’t help it. Tumili nalang ako’t niyugyog si Baek.

 

“KYAAAAAH---” Tinakpan niya bigla yung bibig ko.

 

“Pwede kalma lang? Ano bang nangyari ha?” Humaygulay! Amaday! Amaday! (Imaydie). Inalis ko yung kamay niya sa bibig ko’t niyugyog ko lang siya ulit.

 

 

“Bel, nahihilo na ako sayo. Pwede ba, sabihin mo nalang?” Tiningnan ko siyang mabuti at kilig na kilig parin ako. My best friend is in love! She’s in love after how many long years! She knew what love is… Haaayy… Amaday!

 

 

“Baek… Xyl… Xyl…” Kumunot lang ang noo niya.

 

“May nangyari ba kay Xy-Xy?” Gusto kong mahimatay. Umiling lang ako. Tama na Bel. Tama na ang fangirling. I sighed and look at him seriously.

 

“Wala. Just want to say that I’m happy for her.” Saka ko na siya iniwan at bumaba. Hindi ko naman ma-take na sabihin kahit kanino yung nakita ko dahil baka masaktan lang sila. Itago man nila, halata namang… alam niyo na…

 

 

“Haha… Gusto mo bang lumabas Sienna?” Rinig kong tanong ni Kai sa kanya. Pansin kong wala nang pumapansin kay Xyl ngayon at na kay Sienna na lahat ng atensyon nila.

 

 

“I don’t want to go out. I just want to see and talk to Luhan.” Luhan. Bukambibig niya nalang araw-araw si Luhan. Halata namang hindi siya gusto ni Luhan e.

 

“Hachoooo!” Napatingin ako sa taas at nakita kong pababa sina Luhan at Xyl kasama yung mga alaga niyang aso.

 

 

“Khaki, you’re smelly, I think you need to take a bath.” I giggled a little. Di ko mapigilang hindi kiligin sa dalawang ‘to. I ship XyHan now! Woooh! Kailan pa ako naging shipper?

 

 

“Mylo, I think you too need to take a bath.” Luhan said. Mukhang di nila ako napansin at kilig naman ako sa Mylo. Parang chocolate drink lang XD. Huminto sila saka tiningnan ni Xyl si Luhan at inamoy ang sarili.

A Feeling So Strange 3 ✔Where stories live. Discover now